PROLOGUE

1698 Words
WARNING: READ AT YOUR OWN RISK! MAY MGA SENARYONG HINDI MAAARI SA MGA BATA. Ang gabi sa Maynila ay laging amoy usok, maingay, at madumi para kay Hendrix Montenegro. Pero ngayong gabi, mas nanggagalaiti siya sa galit dahil sa mga tanga niyang tauhan na pinakawalan ang lalaking matagal niya nang hinahanap. Humahagibis ang itim niyang SUV sa gitna ng ulan, habang ang kanang kamay niya ay nakadiin sa kanyang tagiliran at ang isa naman ay may hawak na baril na naubusan na nang bala. Ramdam niya ang malapot at mainit na likido na humahalo sa tela ng kanyang mamahaling suit. Ambush. Isang salita na hindi bago sa kanya, pero sa pagkakataong ito, na-corner siya at sumakto pang wala siyang kasamang back up at ang dalawang tanga niyang kanang kamay ang kasama niya. Si Blue at si Ashton. “Boss, hold on! Malapit na tayo sa safehouse!” sigaw ni Blue habang mabilis na pini-pihit ang manibela para iwasan ang mga sasakyang humahabol sa kanila. “Shut up and just drive, Blue!” angil ni Hendrix. Kahit hirap na siyang makapagsalita, kahit na nahihirapan ay hindi pa rin maitatanggi na demonyo pa ito sa demonyo. Sa isip ni Hendrix, kung mamamatay man siya rito, sisiguraduhin niyang kasama niyang mabubulok sa impyerno ang lahat ng may gawa nito. He is a Mafia Boss. He is a god in the underground world. Pero kahit ang diyos, ay nagkakamali din. Parang ang paglikha sa kanya. Nang makarating sila sa isang liblib na bahagi ng probinsya malapit sa boundary, tuluyan nang nawalan ng kontrol ang sasakyan. Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa paligid nang tumama sila sa isang punongkahoy. Pilit na gumapang palabas si Hendrix mula sa wasak na sasakyan. Iniwan niya sina Blue at Ashton na nawalan ng malay sa loob. He needed to move. His survival instinct was screaming. Bawat hakbang niya sa maputik na lupa ay parang tinutusok ng libu-libong karayom ang kanyang katawan. Hanggang sa hindi na niya kinaya. Bumigay ang kanyang mga tuhod sa harap ng isang maliit at lumang bahay na napapaligiran ng mga puno ng mangga. Ang huling nakita niya bago magdilim ang lahat ay isang pares ng paang nakayapak, at ang dulo ng isang puting bestida na sumasayaw sa hangin. ~~~ Naalimpungatan si Hendrix ng maramdaman ang banayad at malamig na bagay na dumadampi sa pisngi niya. Mabilis pa siyang napabangon ng mapagtanto ang nangyari sa kanya kagabi. Sa sobrang bilis ng pagbangon niya ay hindi niya naramdaman ang muling pagka-punit ng sugat sa tagiliran niya kaya muli iyong dumugo. Isang magandang babae ang bumungad sa kanya. “Gising ka na pala.” sabi ng babae. Isang malambot at napaka-among boses ang gumising sa kamalayan ni Hendrix. Doon napadaing si Hendrix ng magrelax ang katawan niya. Pero may isang kaluskos na naman na gumalaw sa may bintana. His hand instinctively reached for his waist, searching for his gun. “Wala rito ang baril mo. Nilinis ko na ang mga sugat mo,” sabi muli ng babae. She looked like a fragment of a dream. Her skin was pale, her eyes were wide and soulful, but there was a lingering sadness in them that Hendrix couldn't quite point out. “Sino ka? Bakit mo ako tinulungan?” tanong ni Hendrix, ang kanyang mga mata ay naniningkit sa pagsususpetsa. Sa mundo niya, walang tulong na libre. Lahat may bayad. Lahat may kapalit. Ngumiti ang babae—isang ngiti na tila kayang magpatigil sa pag-ikot ng mundo ni Hendrix. “Ako si Clara. Nakita kitang duguan sa labas. Hindi naman pwedeng pabayaan lang kita roon, ’di ba? Tao ka pa rin naman.” Tao. Natawa ng mapait si Hendrix sa kanyang isipan. Matagal na siyang tinawag na demonyo, hayop, at halimaw. Ngayon lang uli siya tinawag na 'tao'. ~~~ Sa mga sumunod na araw, doon nanatili si Hendrix. Pinanood niya ang bawat galaw ni Clara. Kung paano ito magluto, kung paano ito magdilig ng halaman, at kung paano ito umiwas sa tuwing may maririnig na malakas na kalabog sa labas. Unti-unting naramdaman ni Hendrix ang isang bagay na hindi niya kailanman inakalang mararamdaman niya: Obsession. He started watching her sleep. He started memorizing the scent of her hair—amoy manamis-namis. He wanted to own her. He wanted to lock her in a cage where only he could see her beauty. She was his light, and for a man who lived in total darkness, she was the most addictive drug he had ever tasted. Pero isang gabi, habang nagpapagaling pa si Hendrix, narinig niya ang padaskol na pagdating ng isang lalaki. Isang matandang lalaki na amoy alak at mukhang lasing na lasing. Ibinato na lamang ang hawak na bote ng gin sa kung saan kaya ‘yon nabasag. “Clara! Nasaan ka, hayop ka! Halika rito!” sigaw ng matanda. Nasilayan ni Hendrix mula sa siwang ng pinto ang takot sa mga mata ni Clara. Isang takot na hindi galing sa gulat, kundi takot na galing sa mahabang panahon ng paghihirap. Nakita niya kung paano kinaladkad ng matanda si Clara gamit ang buhok nito. Bago itinulak sa ibabaw ng papag at kubabawan. “Huwag po, Tay... please... pagod na po ako,” pagmamakaawa ni Clara. Ang kanyang tinig ay basag, puno ng trauma at matinding takot sa ama. Pilit din niyang iniiwasan ang bawat halik ng ama sa kanyang leeg. Diring-diri siya sa sarili niya, diring-diri siya sa sarili niyang ama kung bakit nito nagagawang pagsamantalahan siya sa tuwing uuwi ito galing sa pagsasaka. “Anong pagod? Anak lang kita! Akin ka! Gagawin mo ang gusto ko! Kung hindi ako iniwan ng nanay mong malandi, hindi mo sana ito nararanasan ngayon!”bulyaw ng matanda habang pilit na hinahablot ang damit ni Clara. Doon nanigas ang buong katawan ni Hendrix. Ang babae ay minomolestiya ng sarili niyang ama. Ang babaeng walang kalaban-laban pinagsasamantalahan ng ama. Clara his angel, his light was being broken by the very person who should have protected her. Her own father. The man who violated her innocence, the man who turned her life into a living hell. Sa loob ni Hendrix, may isang emosyon na tuluyang sumabog. Ang dati niyang malamig na puso ay nagliyab sa galit. No one touches what is mine. No one. Dahan-dahan lumabas si Hendrix mula sa silid ni Clara, mabilis niyang kinuha ang itak na nakita niya. Habang nagpapakasarap ang matandang lalaki sa panggagahasa sa sariling anak ay walang kaabog-abog niya itong hinila sa buhok at ibinato sa kahoy na ding-ding. Dahil sa ginawa ni Hendrix ay napadaing ang matanda dahil sa sakit. Muntik ng makalimutan ni Hendrix na hindi nga pala siya tao. Isa pala siyang demonyo na kayang pumatay ng walang awa at ngayon sisiguraduhin niyang mamatay ang matandang ito. “Sino ka! Anong ginagawa mo sa pamamahay ko!” sigaw ng matanda habang namumutla ng makita niya ang itak na hawak ni Hendrix. “T-Tay… tinulungan ko po siya kagabi may tama po kasi siya ng baril sa—” “Puta ka talaga! Nagpapasok ka ng lalaki dito! Hindi kana nahiya! Dinala mo pa talaga ang lalaking ito sa pamamahay ko para lang magpaggalaw!” “T-tay… hindi po…” iyak ni Clara habang nakatingin sa ama. “Wala kang pinagkaiba sa nanay mong malandi! Ikaw naman totoy! Hindi mo ba alam na matagal ko ng pinagsasawaan ang anak ko ah! Kung gusto mo siyang tikman—aba! Maghintay ka!” “The f**k you’re talking about.” “Talagang inin-english mo pa ako!” “Hinawakan mo ang pag-aari ko tanda,” walang galang na sabi ni Hendrix na mas lalong nagpakuyom sa kamao niyang may hawak na itak. “Pag-aari mo? Nanaginip ka ata ng gising totoy—” Hindi na natapos ng matanda ang sasabihin niya dahil isang mabilis na suntok ang nagpabagsak sa kanya. Hindi tumigil si Hendrix. Bawat sipa, bawat suntok, ay puno ng poot. Gusto niyang marinig ang bawat buto ng matanda na nagkakabali-bali. “Hendrix, tama na! Please!” iyak ni Clara habang nakayakap sa sarili. Huminto din si Hendrix sa pagsuntok sa walang malay ng matanda, hingal na hingal at nanlilisik pa rin ang mga mata, ang mga kamay ay balot na ng sariwang dugo—hindi sa kanya, kundi sa ama ni Clara. Lumingon siya sa babae. His gaze softened, but it was still intense, bordering on madness. Nilapitan niya si Clara at hinawakan ang mukha nito. “Don't cry, my angel. From now on, no one will ever hurt you again. I will burn anyone who tries. Even God can't take you away from me.” Binuhat ni Hendrix si Clara palabas ng bahay na iyon, habang sa di kalayuan ay natanaw na niya ang ilaw ng mga sasakyan nina Blue at Ashton na sa wakas ay nahanap na siya. Nang makalapit sina Blue, gulat silang napatingin sa kanilang Boss na may kargang babae. "Boss? Sino siya?" tanong ni Blue habang nakatitig sa babae na yakap-yakap ng demonyo niyang boss. Tumingin si Hendrix kay Blue, at doon nakita ng kanyang tauhan ang isang klase ng tingin na hindi pa nila nakikita sa buong buhay nila. It wasn't just authority. It was possession. “She is my life, Blue. And from this moment on... anybody who looks at her the wrong way, anybody who makes her cry... I will personally send them to hell.” Hinalikan ni Hendrix ang noo ni Clara na ngayon ay mahimbing na sa pagtulog sa kanyang mga bisig dahil sa sobrang trauma at pagod. Sa isip ni Hendrix, kailangan niyang pahirapan ang ama nito na umalipusta sa pag-aari niya. Hindi pa siya tapos, sisingilin niya ito hanggang sa pagsisihan nito na isinilang pa ito sa mundo. “Blue,” tawag ni Hendrix bago sila sumakay sa sasakyan. “Yes, Boss?” “That man inside the house... don't kill him yet. I want him alive. I want to show him what real hell looks like before he dies.” Sabi ni Hendrix na kahit ang mga tauhan niya ay kinilabutan sa kaba. Dahil ang demonyong si Hendrix ay paniguradong papatay sa unang pagkakataon na hindi dahil sa pera kundi dahil sa isang babaeng nakilala lamang niya ng ilang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD