Habang nasa sasakyan papunta sa airport, napuno ng katahimikan ang loob ng sasakyan matapos ikwento ni Lexi ang naging resulta ng pag-uusap nila ng kanyang ama. Hawak ni Evie ang kamay niya, pinipisil ito nang marahan, na para bang sinasabing nandito lang ako. "Hindi ko akalaing hahantong sa ganito," mahinang bulong ni Evie habang nakatingin sa bintana. "Ayokong maging dahilan ng pagkalayo mo sa pamilya mo, Lexi."
Napangiti nang bahagya si Lexi at hinigpitan ang hawak niya kay Evie. "Hindi mo kasalanan, Evie. Mahal kita, at mas pinili kita dahil ikaw ang nagpapasaya sa akin. Hindi ko pa naramdaman ito kahit kailan at kahit na sandali pa lang tayo magkakilala, pakiramdam ko ikaw na talaga." Napatingin si Stella sa rearview mirror at ngumiti. "Ang cheesy niyo, nakakakilig."
"Inggit ka lang," tukso ni Kris habang nakangiti rin.
Sa kabila ng saya nilang apat, alam nilang hindi pa tapos ang pagsubok. Sa likod ng isip ni Evie, patuloy siyang nag-iisip kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ng ama ni Lexi. May mas malalim pa ba itong dahilan? Bago pa siya makapag-isip pa nang husto, narating na nila ang airport. Wala silang ideya na may nagmamasid sa kanila mula sa malayo.
Pagdating nila sa airport, napuno ng tuksuhan at tawanan ang apat habang hinihintay ang kanilang flight papuntang Paris. Sa kabila ng nangyari kay Lexi, gusto nilang gawing masaya ang trip na ito, kaya todo asar at biro sila sa isa't isa.
"First time mo sa Paris, 'di ba, Kris?" tanong ni Stella habang nakapamulsa at may pilyong ngiti. "Oo, bakit?" sagot ni Kris, nakataas ang kilay habang nakatingin kay Stella. "Wala lang, gusto mo bang may personal tour guide? Libre ko na pati date." sabay kindat ni Stella. Napailing si Kris at napangiti. "Naku, Stella, kung manligaw ka, daig mo pa ‘yung leading man sa pelikula."
"Eh paano, ikaw ang leading lady ko," sagot ni Stella at kinindatan ito na ikinahagalpak ng tawa nina Evie at Lexi. "Bakit parang mas nakakakilig pa kayo kaysa sa amin ni Evie?" biro ni Lexi, sabay lingon kay Evie na natawa na lang. "Huwag kang mag-alala, babe," malambing na sabi ni Evie kay Lexi. "Pagdating sa Paris, ikaw lang ang a ko."
"Naks naman! Para kayong honeymooners!" hirit ni Kris na ikinahagikgik ng lahat.
"At Tayo Rin" hirit din ni Stella na ikinamula ng mukha ni Kris.
Habang nagbibiruan sila, at na napansin nina Evie at Stella ang isang lalaking naka-suit na nakatingin sa kanila mula sa malayo. May kausap ito sa phone at panay ang sulyap kay Lexi. Nagkatinginan Sina Evie At Stella.
Nang magpaalam sina Evie at Stella kay Lexi at Kris na pupunta sa CR, hindi lang ito simpleng pag-alis. Alam nilang may nakamasid sa kanila, kaya oras na para kumilos. Habang naglalakad sila palayo, biglang nagbago ang aura nina Evie at Stella. Mula sa masayahing biruan kanina, naging matalim ang kanilang mga mata. Maingat nilang nilapitan ang lalaki na kanina pa sumusulyap sa kanila.
"Hinihintay mo ba kami?" kalmadong tanong ni Evie, ang kanyang malamig na titig ay diretso sa lalaki. Nagulat ang lalaki at bahagyang umatras, pero hindi nagpatinag sina Evie at Stella. "Huwag ka nang magkunwari," dagdag ni Stella, nakapamulsa at bahagyang nakangiti, pero ang presensiya niya ay nakakapanghina ng loob. "Sino ang nag-utos sa’yo? Anong balak mo sa amin?"
Nagpalinga-linga ang lalaki, tila naghahanap ng escape route. Pero walang ligtas mula kina Evie at Stella.
"Makinig kang mabuti," binalingan siya ni Evie, isang hakbang lang ang pagitan nila. "Kahit sino pa ang nagpadala sa'yo si Michael, daddy ni Lexi, o kahit sino pa Ang ipasok mo sa kokote mo: walang sinuman ang puwedeng gumalaw sa amin. Kung gusto mong mabuhay, itigil mo ang kahibangan mo."
Ramdam ng lalaki ang bigat ng presensiya nina Evie at Stella. Alam niya kung sino sila. Hindi lang basta ordinaryong mayayaman ang mga ito—sila ang kinatatakutan ng maraming sindikato sa buong mundo. Kahit ang pinakamalalakas na gang ay hindi nagtatangkang hamunin sila.
Tumango-tango ang lalaki, hindi na nagawang magsalita pa. Napalunok siya at mabilis na umatras bago tuluyang umalis.
Napangisi si Stella. "Weakling."
"At least, alam niya na ngayon kung sino ang kinalaban niya," sagot ni Evie, bago bumalik ang pilyang ngiti sa labi. "Tara na, baka isipin nina Lexi at Kris na nagligawan lang tayo sa CR." Sabay silang naglakad pabalik, tila walang nangyari.
Third Person POV
“Boss, hindi mo sinabi na sina Evie Smith at Stella Hunter ang kasama ni Lexi!” nanginginig na sabi ng tauhan niya sa kabilang linya.
"Ano?!" nanlaki ang mga mata ni Michael. "Anong ibig mong sabihin? At ano naman kung sila ang kasama?" Narinig niya ang lalaking suminghot ng hangin, halatang hindi makapaniwala sa nangyari. “Boss… hindi mo ba alam kung sino talaga sila? Hindi natin sila puwedeng kalabanin. No one dares to mess with Evie Smith and Stella Hunter."
Napaatras si Michael sa kanyang upuan. Hindi siya sanay na makarinig ng takot sa boses ng mga tauhan niya. Palaging mayabang, palaging matapang. Pero ngayon? Para bang nakakita ng multo ang tauhan niya. “Ano bang pinagsasabi mo?!” mariing tanong niya.
“Wala akong pwedeng sabihin, boss. Basta tandaan mo ito—kung may plano ka pang kalabanin sila, maghanda ka na sa pagkatalo. Dahil kapag si Evie Smith at Stella Hunter ang kalaban mo, hindi mo sila matitinag. Wala pang sindikato o gang ang nagtagumpay laban sa kanila. Kung ayaw mong masira ang buong operasyon mo… layuan mo na si Lexi.”
Tapos na ang tawag.
Napakuyom ng kamao si Michael. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Para bang may napakalaking lihim tungkol kay Evie na hindi niya alam. Ang babae na buong akala niya ay simpleng nilalang lang, isang hadlang sa gusto niya—pero bakit takot na takot ang mga tauhan niya rito?
"Ano ba ang meron sa'yo, Evie Smith?" bulong niya, puno ng inis at pagkalito. "Sino ka ba talaga, Evie Smith?!" sigaw ni Michael bago niya tinapon ang baso sa harap niya. Tumilapon ang baso sa dingding, nagkapira-piraso ito habang umaalingawngaw ang kanyang galit sa pribadong silid ng kanyang opisina. Kanina lang ay sigurado siyang makukuha na niya si Lexi. Pinadala niya ang isa sa kanyang pinakamahusay na tauhan para dukutin ito, ngunit ngayon, ang tauhan niya mismo ang tumatawag sa kanya, takot na takot.
Hindi siya papayag na basta na lang niyang bitawan si Lexi. Hindi siya papayag na matalo ng isang Evie Smith. Ngunit sa ngayon, alam niyang kailangan niyang mag-ingat. Dahil kung totoo ang sinabi ng tauhan niya, hindi lang basta babae si Evie Smith kundi isa siyang panganib.
Lexi POV
Pagkalapag ng eroplano sa Paris, dumiretso agad sina Evie, Lexi, Stella, at Kris sa isang sikat na restaurant upang kumain. Habang naghihintay ng pagkain, nagulat sina Kris at Lexi nang marinig sina Evie at Stella na nakikipagpalitan ng lenggwahe sa waiter gamit ang matatas na French.
Maya maya ay dumating na Ang pagkain at Kumain na Sila.
Habang patuloy ang masayang kwentuhan nina Evie, Lexi, Stella, at Kris sa loob ng restaurant, walang nakakapansin sa maliit na laro na nagsisimula sa ilalim ng mesa.
Habang nakangiti at tila walang ginagawa, dahan-dahang ipinatong ni Evie ang kamay niya sa hita ni Lexi. Hindi ito agad napansin ng huli, ngunit nang magsimulang gumalaw ang mga daliri ni Evie, marahang hinahaplos ang makinis na balat, biglang napasinghap si Lexi at bahagyang napatigil sa pagkain.
"Are you okay?" tanong ni Stella, bahagyang nakataas ang kilay.
"Uh… yeah, I'm fine!" sagot ni Lexi, pilit na pinapanatili ang normal na tono ng kanyang boses. Sinamaan niya ng tingin si Evie, na tila inosenteng nakangiti habang patuloy lang sa pagkain. Ngunit nang mapansin niya ang pilyang kislap sa mga mata ni Evie, alam niyang sinasadya ito ng dalaga.
Habang nagtutuloy ang usapan, hindi pa rin tinanggal ni Evie ang kamay niya. Sa halip, mas lalo pa itong gumapang, hinihimas ang hita ni Lexi sa paraang nagpapadala ng init sa katawan nito. Ramdam ni Lexi ang pagtaas ng temperatura niya, lalo na nang marahang pisilin ni Evie ang kanyang hita. Napakagat siya sa labi, pilit na pinipigilan ang sariling umungol sa harap ng kanilang mga kaibigan.
Nagtagpo ang kanilang mga mata at si Evie ay may pilyang ngiti sa labi, at si Lexi naman ay tila naguguluhan kung paano ito ipipigil. Pasimpleng bumaba ang kamay ni Lexi, pilit na inaalis ang kamay ni Evie, ngunit sa halip na sumunod, mas lalo pang hinigpitan ni Evie ang hawak.
Napansin ito ni Kris at bahagyang kumunot ang noo. "Lexi, sigurado ka bang okay ka lang? Para kang naiinitan."
Muntik nang mapamura si Lexi sa tanong ni Kris, ngunit mabilis siyang umubo at ngumiti. "I'm fine! Maybe it's just… the food. Medyo spicy."
Hindi mapigilang mapangisi ni Evie sa sagot ni Lexi. Napalunok si Lexi—alam niyang hindi pa tapos si Evie.
Sa ilalim ng mesa, patuloy ang lihim nilang laro, habang sa ibabaw naman, nagtatago sila sa mga inosenteng usapan.
Pagkatapos nilang Kumain ay pumunta na sila sa private house ni Evie, at pumunta na sa kanya kanyang kwarto.
At pagkapasok na pagkapasok nila ni Evie at Lexi ay agad na tinulak si Evie sa pintuan, hinalikan nito at sabay sabing...
"My Turn!!!" with a smirk.
To be continued...