Evie POV
Nakarating na rin si Evie sa kanyang apartment at agad niyang minessage si Lexi. "Kumusta na kaya ang pag-uusap nila ng mga magulang niya? Tatawagan ko siya mamaya." Pagkatapos ay lumingon siya sa kanyang kaibigang si Kris. "Hello, Kris! Anong ulan natin?" tanong niya, nakangiti ng buong saya. "Mukhang masaya tayo, ah!" puna nito, napapansin ang kakaibang saya sa mukha ni Evie.
Biglang lumiwanag ang mukha ni Evie, parang batang bibigyan ng candy. "Lexi and I kissed!" aniya, may ngiting tagumpay. "Whaaaat?!" gulat na reaksyon ng kaibigan. "Really? Did she kiss you back?" tanong nito, sabik na malaman ang detalye. "Yes! Pero noong una, ako ang humalik sa kanya, pero hindi siya agad nag-react kaya tumigil ako. Pero alam mo kung anong nangyari? Hinila niya ako, tapos siya naman ang humalik sa akin! So we kissed!"
Napangiti si Evie habang muling iniisip ang nangyari sa loob ng sasakyan. "That’s good to know! Maswerte si Lexi pag sinagot ka niya, at alam kong magiging masaya siya. Coz I know when you love someone, b**h!" biro nito, sabay kindat. Napatawa si Evie, hindi mapigilan ang kilig na nararamdaman. "We will talk later, okay? Tatawagan ko muna siya."
"Okay, pagkatapos mo na lang tayo kakain." Saad nito sa Kaibigan "Okay!" sagot niya, sabay ngiti. Agad niyang tinawagan si Lexi. Ilang ring ang lumipas bago ito sinagot. "Hello..." Napansin agad ni Evie ang basag na boses ni Lexi. "Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya.
Habang nakikinig, hindi nagustuhan ni Evie ang ikinuwento ni Lexi tungkol sa naging pag-uusap nila ng kanyang mga magulang, pero pinigilan niya ang sarili. "At anong sinabi mo? Sinabi mo bang ayaw mo nang balikan si Michael?" Hindi agad nakasagot si Lexi, kaya muling nagsalita si Evie. "Huwag kang mag-alala, I will protect you, okay? Magpahinga ka na muna. Susunduin kita bukas at ihahatid kita sa office mo. We’ll talk, okay?"
Ramdam ni Evie ang lungkot sa tinig ni Lexi, kaya gusto niyang puntahan ito ngayon din. Pero alam niyang ligtas naman ito sa ngayon. "Okay see you tomorrow, Evie."
"See you tomorrow, my princess." Pagkababa ng tawag, agad niyang tinawagan ang isa sa kanyang pinagkakatiwalaang tao. "Hello, Jacob. I need the whole information tungkol sa pamilya Harrington, pati ang lahat ng illegal nilang gawain. As soon as you have the report, send it to me ASAP."
Sumagot si Jacob "Copy, Ms. Evie." Pagkababa ng tawag, matamang nag-isip si Evie. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama kay Lexi at gagawin niya ang lahat para protektahan ito.
Nock, nock, nock!
Binuksan ni Kris ang pinto at natulala sa magandang babae sa harap nito. "Sino 'yan, Kris?" pasigaw na tanong ni Evie sa kaibigan. "Aaa-aaaam…" hindi makapagsalita si Kris. "Close your mouth, babe. You might catch a fly," sabay kindat ng babae kay Kris. Agad na tinikom ni Kris ang kanyang bibig.
"Baby pawpaw!!" sigaw ng babae nang makita si Evie na nasa likod na ni Kris. "Baby paw! I miss you so much!" Masayang sinalubong ni Stella si Evie. "Pasensya na at ngayon lang tayo ulit nagkita. Ang dami kong inaasikaso," pagpapaumanhin nito. "It's okay, I know naman eh. Tara, pumasok na tayo at kumain muna," saad ni Evie.
"Ahaam! Ahaam!" Napatingin ang dalawa kay Kris na tila may gustong sabihin. Napatawa si Evie. "Isa ba akong langgam na hindi ninyo nakikita?" biro niya. Napatawa na lang ang dalawa sa reaksyon ni Kris, na pasimpleng tumingin kay Stella. "Sorry! Ito nga pala ang isa kong best friend na si Kris, and Kris, ito naman ang isa kong best friend na si Stella," pagpapakilala ni Evie.
Nagkamayan ang dalawa. "Hello, babe. Ikinagagalak kitang makilala, finally," sabay kindat ni Stella. "And ikinagagalak rin kitang makilala, my Stella," sagot ni Kris na may kasamang malalim na tingin at ngiti. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang kinagat ni Stella ang kanyang labi.
Pagkakita ni Kris sa reaksyon ni Stella, napangisi siya. "Mukhang may bagong paborito akong pangalan," bulong niya. Hindi inaasahan ni Stella ang sinabi nito kaya napalunok siya bago mabilis na umiwas ng tingin. Napansin ito ni Evie kaya napatawa siya. "Did she shut your mouth, Baby Paw?" tukso ni Evie. "Hindi naman..." sagot ni Stella, pero halata sa pisngi niya ang pamumula. Tumawa si Kris at nagtaas ng kilay. "Hmm, interesting..."
Sa hapag-kainan... "Wow, ang sarap naman nito!" sabi ni Stella habang patuloy sa pagkain. "Si Kris, syempre, ang nagluluto para sa aming dalawa. You know naman na kain lang alam ko," natatawang sabi ni Evie. "Wow, babe, can you cook for me too?" tanong ni Stella, sabay tingin kay Kris na may kasamang kagat sa labi.
Napangiti si Kris. "Yeah, sure. Basta ikaw, walang problema." Sabay kindat nito. Napangiti si Stella at dahan-dahang hinawakan ang braso ni Kris. "I'll be looking forward to that, babe." Napasinghap si Kris sa biglaang hawak ni Stella pero agad ding ngumiti. "Siguraduhin mong ikaw ang kakain sa luto ko, ha? Hindi pwede ang pa-taste lang."
"Tikman ko lahat, babe," sagot ni Stella na may mapang-akit na ngiti. Napatingin si Evie sa dalawa at napailing. "Mag-bestfriend nga kayong dalawa," sabi niya habang natatawa. Nagpatuloy sila sa pagkain, pero panaka-nakang nagkakahulihan ng tingin sina Kris at Stella. Nag-ring ang phone ni Stella. "Baby pawpaw, kailangan nila ako sa hospital. Mauna na muna ako," paalam nito kay Evie. "At salamat sa masarap na luto, babe."
Nagmadaling tumayo si Stella, pero bago umalis, lumapit siya kay Kris at dahan-dahang hinaplos ang baba nito gamit ang hinlalaki. "Hmm, babe... next time, gusto ko ikaw mismo ang magluto para sa akin, ha?" bulong niya, sabay kagat sa labi. Napakurap si Kris, hindi agad makasagot. "Okay, ingat sa biyahe!" sabi ni Evie, tila sanay na sa ganitong lambingan ng kaibigan.
"Walang anuman, ipagluluto kita ulit sa susunod," sagot ni Kris, pero halata ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi. Bago tuluyang umalis, mabilis na hinalikan ni Stella sa noo si Kris, sabay bulong, "See you soon, babe."
"Bye, baby paw!" paalam ni Stella kay Evie. Naiwan si Kris na tila hindi makagalaw. "Are you okay?" tanong ni Evie na may pilyang smirk. "Ye-yeaah…" sagot ni Kris, pero halata sa mukha nito ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Tumawa nang malakas si Evie. "’Yan ang love language namin ni Stella when we like someone." "Pwede bang ikaw muna ang mauna? Ikaw na muna ang bahala rito. Napagod kasi ako mahigit tatlong oras ako sa operating room at inaantok na ako," paliwanag ni Evie.
Naintindihan naman ito ni Kris. "Okay, magpahinga ka na muna."
Lexi's POV
Nagising si Lexi sa tunog ng kanyang kumakalam na tiyan at naalalang hindi pala siya kumain kagabi dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ng daddy niya. Dali-dali siyang naligo, at maya-maya ay andiyan na si Evie para sunduin siya.
Pagkatapos niyang magbihis, bumaba na siya at kumain. Hindi na niya hinintay ang kanyang mga magulang, baka mauwi na naman sa away ang umaga nila. Mas mabuting pahupain na lang muna niya ang galit ng daddy niya.
Habang kumakain, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pagtingin niya, nakita niya ang mensahe ni Evie na naghihintay na ito sa labas. "Okay, I'm done eating. Wait for a minute, kukunin ko muna ang mga gamit ko sa kwarto," sagot ni Lexi kay Evie. "Okay, see you in a minute " sagot naman ni Evie.
Pagkalabas ni Lexi, agad niyang nakita si Evie na nakasandal sa sasakyan nito, nakapamulsa, at may matamis na ngiti sa labi. Kumaway ito nang makita siya.
Habang papalapit si Lexi, bumilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya maiwasang titigan ang porma ni Evie—naka-white T-shirt at jeans, at kitang-kita ang hubog ng katawan nito. So sexy and so manly at the same time. Napakagat-labi si Lexi habang palihim na sinusuri ang kaibigan.
Nang tuluyan siyang makalapit, hinalikan siya ni Evie sa noo at may matamis na ngiting sa mga labi, sabay sabing. "Good morning, Princess." Napangiti si Lexi. "Good morning din sa'yo," bati niya.
Pinagbuksan siya ni Evie ng pinto at pumasok na siya sa sasakyan. Ang hindi nila alam, may isang pares ng matang nakamasid sa kanila mula sa malayo at iyon ay ang daddy ni Lexi, na nakita ang lahat ng naganap.
Habang nagmamaneho si Evie, tinitigan niya si Lexi. "Okay ka lang ba? Meron ka bang gustong sabihin?" nag-aalalang tanong ni Evie. Tumingin si Lexi sa kanya, iniisip kung paano sisimulan ang gustong sabihin.
"A-aaamm… you look good today," sabi ni Lexi, sabay iwas ng tingin. Tumawa si Evie. "Oww, thank you! And you are pretty too!" sagot nito na may kasamang matamis na ngiti.
Nagkatitigan na naman silang dalawa, pero unang bumawi ng tingin si Evie dahil nagmamaneho ito. "Meron ka pa bang gustong sabihin? Wag kang mag-alala, I will answer you honestly," sabi ni Evie, saglit siyang sinulyapan bago muling itinuon ang tingin sa daan.
Hindi alam ni Lexi kung paano nalalaman ni Evie ang iniisip niya, pero isinantabi na lang muna niya ang mga katanungang iyon. "About last night…" Hindi maituloy ni Lexi ang sasabihin kaya napatingin siya sa kanyang mga kamay at sinimulang laruin ang mga ito. "Oww, ‘yun ba ang iniisip mo? Wag kang mag-alala, hindi kita minamadali. I'm sorry if I crossed the line," sagot ni Evie.
Tumingin si Lexi sa kanya. "Bakit ka nagsosorry? We both wanted it. Hindi ko sinasabing hindi ko gusto ang nangyari kagabi," paliwanag niya. Hinawakan ni Lexi ang kamay ni Evie, ipinaalam dito na hindi niya kailangang pagsisihan ang anumang nangyari sa kanila. "I know, at wag kang mag-alala. I will behave, and I will control myself not to touch you," sabi ni Evie, sabay smirk.
Napalunok si Lexi. Hindi niya alam kung bakit pero tila biglang uminit ang pakiramdam niya. Pinigilan niya ang sarili, kinagat ang labi, at huminga nang malalim. Napansin ito ni Evie at napangisi ulit. Tahimik na nagpatuloy siya sa pagmamaneho, hanggang sa biglang magsalita si Lexi tungkol sa kanyang pamilya.