Chapter #6: Doktor Smith

1593 Words
Lexi’s POV "That b***h," sabi ni Lexi, sapat na para marinig ni Sofia habang papunta sila sa parking lot. "You know, you're so jelly, Lexi. You know that," sabi ni Sofia sa kaibigan. "Ano ba 'yang sinasabi mo?" pilit na tanggi ni Lexi, kahit na halata ang pagpipigil niya sa tawa. "If you say so," natatawang sagot ni Sofia. Habang nagmamaneho si Sofia, si Lexi naman ay iniisip ang nangyari kanina lang. "Her green eyes are so captivating. Her lips... at 'yung authoritative voice niya—ugh, it turns me on." Napakagat-labi si Lexi habang patuloy sa pag-iisip tungkol kay Evie. "I keep liking her more and more. Paano ko kaya hihingin ang number niya?" "Ano ba ang nangyari kanina bago ako dumating?" tanong ni Sofia sa kaibigan. "Michael didn't want to break up with me. He grabbed my hand—at sakto pang sa may pasa ko, kaya napa-'aray' ako. Then, si Evie hinawakan din niya ang kamay ni Michael at sinabihan siyang bitawan ako," sagot ni Lexi. "That MTHRFCKR!" napamura si Sofia sa narinig. "Buti na lang nandiyan si Evie. But you know, Sofie, that time, I felt so safe. She was so manly kahit na hindi siya mukhang tigasin. But that moment, hindi niya ako hinayaang saktan ni Michael," pagtatapat ni Lexi. "That's good to hear, Lexi. I will thank Evie for being there," sagot ni Sofia. Dumating na sila sa restaurant, kasunod lang sina Evie at Kris. "Welcome, Ma'am Lexi," bati ng guard. "Thank you po," sagot niya bago pumasok. Naupo sila sa mesa, at maya-maya lang ay lumapit ang waiter. "Hello, ma'am. Ano po ang sa inyo?" "Apat na garlic steak, please," agad na sagot ni Kris, na may ngiting tagumpay. "Anong dessert gusto niyo?" tanong ni Evie sa kanila ni Sofia at Lexi. "Crème brûlée, please," sagot ni Sofia. "Opera cake, please," sagot naman ni Lexi. Umalis na ang waitress, at habang naghihintay ng order nila, nagkuwentuhan muna sila. "May I know your name?" tanong ni Sofia kay Kris. "I'm Kris, Ms. Sofia. Evie's best friend," sabay abot ng kamay ni Kris at kindat kay Sofia. Napatawa na lang si Sofia sa response nito. "I have a boyfriend, Kris. I just want you to know," sabi niya, sabay kindat din dito. "I know, babe!" sagot ni Kris, sabay ngiti. "Mag-best friend nga kayong dalawa!" sagot ni Lexi, sabay tawanan nilang apat. "Do you have a boyfriend, Evie?" biglang tanong ni Sofia kay Evie. "That's too personal, Sofie," saway ni Lexi sa kaibigan. "It's okay," saad naman ni Evie, sabay ngiti kay Lexi. "I don't have a boyfriend," sagot ni Evie kay Sofia. "Girlfriend?" mabilis na tanong ni Sofia, kaya muling sinaway ito ni Lexi. "Sofie," pagpapahinto ni Kris sa kaibigan. Nagkatitigan sina Lexi at Evie, bago muling sumagot si Evie. "Wala akong girlfriend." "Yes, wala siyang girlfriend. It's been years, at noong ilang buwan na lang bago tayo grumaduate, hiniwalayan siya ng girlfriend niya," sabat ni Kris. "Ikaw ba ang tinatanong?" natatawang sagot ni Sofia, dahilan upang magtawanan silang lahat. "Ang kakunti kasi ng sagot mo. Isang tanong, isang sagot," natatawang puna ni Sofia. "Does that mean you're a lesbian?" tanong ni Sofia, na ikinagalak din ni Lexi. Gustong malaman ni Lexi ang katotohanan—kung si Evie ay mahilig din sa babae. "Yes, I love girls more than boys," pagtatapat ni Evie, walang pag-aalinlangan. Sabay sulyap niya kay Lexi, ngunit agad dumating ang order nila. "Hmmm, ang sarap!" saad ni Kris habang sarap na sarap sila sa pagkain. Habang kumakain, palihim na nagpapalitan ng tingin sina Evie at Lexi. "Taga saan ka, Evie? I know Kris is Mexican because of the way she talks. Malalaman mo talaga kung taga saan siya," tanong ni Lexi. Napangiti si Evie, namangha sa pagiging observant ni Lexi. "I was born here in New York, pero noong five years old ako, lumipat kami sa San Francisco at doon ako nag-aral. Noong college, bumalik ako dito at dito ko nakilala si Kris," sagot ni Evie, sabay ngiti. "Do you have siblings?" tanong naman ni Sofia. "Yes, at ako ang bunso," sagot muli ni Evie, pasulyap-sulyap kay Lexi. Nang matapos silang kumain, biglang may natumba sa katabing mesa nila—isang matandang babae! Nagulat ang lahat, ngunit agad na lumapit si Evie.Hindi niya pinahalata ang kanyang kaalaman sa first aid, ngunit mabilis niyang ginawa ang dapat. Una, nag-check siya ng airway ng babae upang siguraduhin na hindi ito nahaharangan. Pangalawa, sinuri niya kung humihinga pa ito, at nakitang may malakas itong paghinga. Pangatlo, chineck niya ang pulso ng matanda—nandoon pa rin ito. Matapos nito, pinahiga niya ang matanda sa isang komportableng posisyon habang tinawag ang mga paramedics. Ginawa ni Evie ang lahat ng kanyang makakaya upang tulungan ito, ngunit sinigurado niyang hindi masyadong mahalata ang kanyang tunay na kaalaman sa paggamot. "Wow, alam mo kung paano mag-first aid?" manghang sabi ni Sofia kay Evie. "Yes. Kailangan talaga nating malaman ang first aid, kahit sa ganitong sitwasyon, para makatulong tayo kahit sa maliit na bagay lang," sagot naman ni Evie. Namangha sina Sofia, Kris, at lalo na si Lexi. Mas lalo pang nahulog ang loob niya kay Evie dahil sa mga katangiang ipinapakita nito. Dumating na ang mga paramedics at agad na lumapit sa matandang babae. Tumingin si Evie sa kanila at sinabi, "Kailangan niyang dalhin sa ospital para sa mas malalim na pagsusuri at paggamot. Posibleng nagkaroon siya ng stroke o heart attack." Nagkatinginan ang mga paramedics sa isa’t isa bago nagpasya na sundin ang sinabi ni Evie. "Pasensya na, sasamahan ko muna si Lola dahil mag-isa lang siya," saad ni Evie sa mga kasama. "Sasama na rin kami," sagot naman ni Lexi. "Sorry, Lexi, pero kailangan kong bumalik sa trabaho," sabi ni Sofia sa kaibigan. "Okay lang. Kami na muna ang bahala," sagot ni Lexi. "Ako rin, babalik na muna ako sa Java Junction para sa preparation ng gala," sabi naman ni Kris, sabay kindat kay Evie. "Tong lokong 'to," pabulong na sabi ni Evie habang pinandilatan si Kris. "Lex, doon ka na sumakay sa sasakyan ni Evie. Ako na lang ang maghahatid kay Kris," sabi ni Sofia. Umalis na ang dalawa, at naiwan sina Evie at Lexi. Nagkatinginan na naman ang dalawa bago nagsalita ang isa sa mga paramedics. "Ma’am, sino po ang sasama?" tanong ng paramedic. "Kami na ang sasama at susunod kami," sagot ni Evie. Agad na nag-prepare ang mga paramedics ng kanilang kagamitan at dinala ang matandang babae sa ambulansya. Sumama sina Evie at Lexi sa ospital upang siguraduhin na makakakuha ng tamang paggamot ang matanda. Pagdating sa ospital, isa sa mga paramedics ang nagtanong kay Evie, "Paano mo nalaman kung paano gamotin ang matandang babae?" Ngumiti si Evie at sumagot, "We all know first aid, so kailangan natin lahat malaman ito. Am I right?" Sumang-ayon naman ang mga paramedics, ngunit sa isip nila, alam nilang higit pa sa simpleng first aid ang kaalaman ni Evie. "Lexi, baka busy ka. Alam kong madami kang tatapusin," nag-aalalang saad ni Evie kay Lexi dahil alam niyang marami itong dapat gawin. "No, sasamahan kita dito. Huwag kang mag-alala, I can handle it. May assistant akong magaling that makes my work easy," sagot ni Lexi with a smile, gustong siguraduhin na hindi mag-aalala si Evie. Ikinagagalak din niya na magkakasama pa sila nang mas matagal. "Okay," sagot ni Evie, sabay ngiti pabalik kay Lexi. Nagkatinginan silang dalawa, at tila kusa nang gumagalaw ang kanilang mga katawan habang pinapakiramdaman ang isa’t isa. Dahan-dahan silang lumalapit hanggang sa maramdaman nila ang hininga ng isa't isa. Tinitigan ni Evie ang mga labi ni Lexi at napakagat-labi ito. Napansin iyon ni Lexi, kaya bumilis ang t***k ng kanyang puso at hindi naging normal ang kanyang paghinga. Muli silang nagkatitigan, unti-unting lumalapit ang kanilang mga mukha— Ngunit biglang may sumigaw na nurse, tumatawag ng doktor, at nagkaroon ng kaguluhan sa Emergency Room. Wala nang nagawa si Lexi kundi ang pagmasdan ang nangyayari. Agad na ginawa ng mga doktor ang CPR dahil biglang nawala ang t***k ng puso ng matandang babae. Mabuti na lang at bumalik ito, ngunit napansin ni Evie sa monitor na hindi maganda ang takbo ng vital signs ng matanda. Alam niyang kailangang operahan ito kaagad—kung hindi, mamamatay ito. "Pasyente ba siya dito? Patingin ng record niya," saad ni Evie sa nurse. "Sorry po, pero hindi kayo puwede dito," sagot ng nurse. "I'm a doctor," sagot ni Evie, sabay kuha ng record ng pasyente. Nagulat si Lexi sa sinabi ni Evie—hindi siya makapaniwala na isa itong doktor. "Paano mo mapapatunayan na isa kang doktor?" tanong ng nurse. Dinukot ni Evie ang kanyang wallet, kinuha ang kanyang ID, at iniabot ito sa nurse habang patuloy niyang binabasa ang record ng matandang babae. "Ihanda na ang Operating Room!" utos ni Evie. "Pero hindi kayo authorized na mag-opera dito sa hospital na ito, Doctor Smith," sagot ng nurse. Bago pa makasagot si Evie, si Lexi na mismo ang nagsalita. "Akong bahala. Pinapayagan ko si Evie na operahan si Lola," buong kumpiyansang sabi ni Lexi. Dahil dito, tumango ang nurse at agad nilang inihanda ang lahat ng kakailanganin para sa operasyon. Bago umalis, tumingin si Evie kay Lexi na may halong paghanga sa kanyang mga mata. "Thank you," bulong niya at sabay halik sa noo ni Lexi. Nagulat si Lexi sa ginawa ni Evie. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso, at lalo siyang nahulog Kay Doctor Smith na may mga katangiang hindi niya inaasahan—matulungin, mabait, masipag, maaalahanin, at higit sa lahat, sweet. Mas lalo pa niyang nagustuhan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD