Pagpasok na pagpasok pa lang ng departamento ko ay may kakaibang ngisi na sa mukha ng mga kasamahan ko kaya umarko ang isa kong kilay kong ano na naman ang ibig sabihin ng ngisi nila. “Huy! Tumabi tayong lahat! Mahirap na at baka maapakan natin ang napakahabang buhok ni Joy,” ani ni Carlyn at saka pa pinapausog sa tabi ang mga kasama niya kahit hindi naman talaga sila mga nakakalat sa daraanan ko. Ganyan naman talaga sila. Madalas silang mang trip at madalas ako ang trip nila dahil nga tahimik ako at hindi mapagpatol. “Wait! Pagpagan natin ang daraanan ni Miss Joy at nakakahiya kapag nadumihan ang kanyang sapatos,” eksena naman ng baklang kasamahan namin sa trabaho at talagang pinagpagan pa ang sahig na daraanan ko gamit ang kanyang panyo. Natatawa na lang ako sa ka-wirduhan ng mga kas

