Kahit ayoko ng magpakita sa mundo ay kailangan kong pumasok ng trabaho. Dedamahin ko na lang si Sir Agaton. Dati naman kaming hindi magkakilala kaya bakit ba ako masyadong nagpapa-apekto? Ano kong may nangyari sa amin? Uso naman ang mga s*x out of marriage, one night stand at saka, matanda na ako para umarte na parang teenager. Kasalanan ko rin kaya wala akong dapat na sisihin. Kaya dapat akong bumangon at mag-move on. “Grabe ang lala ng hang-over ko mga bakla kayo!” daing ng bakla naming ka-trabaho ng dumating. Nakahawak pa siya sa kanyang ulo at saka maarte na hinihilot-hilot. “Ikaw ba naman ang lahat ng klase ng alak ay nilaklak mo? Sasakit talaga ang ulo mong bakla ka!” si Carlyn na may inaamoy pang white flower ata na pangtanggal sakit ng ulo. Tahimik lang ako. Tuloy lang ako

