"Long time no see, Maria!" Masayang bungad ni Ellia ang bading na may-ari ng 'Ganda Ka' salon. Isa siyang successful na owner nito bukod kasi sa sikat sila ay madami ding sikat na artista ang dumadayo dito para magpagupit o magpaganda ng kulay. Bukod sa salon may spa din sila at sauna oh diba? Ibang klase 'tong si Madam.
"Hello Ellia! I've missed you!" At sabay nag beso sila sa isa't-isa.
"What brings you here?" At pumasok kami sa loob, ang ganda dito napaka-linis siguro strict si madam! Ang linis kasi.
"I just want to be more gorg- with my daughter." Siguro matagal na silang magkaibigan napaka close nila as in.
Malalaman mo talaga na may pinagsamahan sila kasi super close sila. Siguro childhood bestfriend sila sa tingin ko lang.
Pero infairness ang ganda dito tapos pang sosyal talaga to, may mga pictures din ng mga artista na customer ng 'Ganda Ka' like Iza Calsado,Claudine Baretto and Kc Concepcion. Siguro magaling talaga sila magpaganda.
At sinimulan na naming magpaganda, una ay nagpalinis ako ng kuku sa paa at sa kamay. Si Mommy naman ay nagpa body scrab. Wow ang galing kona mang angkin ng mommy. Pahkatapos kung magpa linis ng kuku ay nagpa rebond ako at pinaputol ko ang sobrang haba sa buhok ko. Ang galing nga nila at napaka disiplina ng lugar nato. Nakita ko si Mommy na nagpa-kulay ng buhok at panay usap sila ni Madam Ellia. At ako naman ay nag-f*******: nalang habang hinihintay ang eksaktong oras para tanggalin tong nasa ulo ko.
Tamang scroll up,scroll down lang ako at nakita ko sa newsfeed ko ang isang advertisement ng mga Dela Luna siguro ang yaman-yaman nga nila. Meron silang Ini-endorsong Fashion Design's,Vegetables Farm may mga sasakyan din silang binebenta like Lhambo,Ferrari OX at Volvo. at marami pang iba May limang restaurant din sila at may walong ektaryang lupain na punong-puno ng mga prutas. Sila na talaga, eto ba yung papakasalan ko? Isang billionaire? My god! Hindi to kaya ng konsensya ko di hamak na nagbebenta sa palengke ang ikakasal sa isang lalaking bilyonaryo. Tsk.
"Oh eto tapos na! Charinggg!" At sinuklay kona ang buhok ko, hindi ako makapaniwala ang ganda ko nga talaga.
Umikot ako sa harap ng salamin at hindi ako makapaniwala, napangiti naman ako sa sarili ko. Namangha nalang ako sa mga nakita ko, nakakabilib kasi andami nagbago sa itsura ko. Nagbago ang buhok ko yung kilay ko inayos yung pilik mata nakakamangha talaga.
"Wow!, Ang ganda talaga ng anak mo Maria!" Singit pa ni Ellia.
At akmang babayad na sana si Mommy ay tinanggihan lamang ito ni Ellia, ang bait niya at talagang tunahmy siyang kaibigan. Kitang-kita kung mahal na mahal nila ang isa't-isa siguro childhood bestfriend sila dahil ramdam na ramdam ko sila kahit na mag-usap sila.
Umalis na kami at dumiretso na kami sa mall upang mamili ng mga susuotin ko mamaya, pumasok kami sa isang sosyal na boutique at napanga-nga ako sa isang maxi dress na nakita ko. ₱10,999 jusko?! Totoo bato? Ang mura naman! Hehe tssk.
"Yan ang gusto mo hija?" Napatingin naman ako kay Mommy, wow sanay-sanay.Umiling ako
Hindi ako sanay sa mga mamahaling bagay kahit sampung pesos na ukay-ukay okay na ako tsaka kaming mga mahihirap masaya kami sa mga maliliit na bagay lang at naappreciate na namin 'yun. Yeah its cheap but we put value on a small things. Iba din kasi taste ng mga mayayaman mas mataas ang expectations nila.
"Mahal dito." Sabi kopa.
"Masanay kana, dito kasi ang paboritong boutique na binibilhan ni Mariel." Paliwanag niya naman.
"Kayo nalang ho ang pumili ng bagay sakin, diko kasi alam ang fashion ni Mariel e." Sabay kamot sa ulo.
Hindi ko talaga alam ang standard ni Mariel, hindi ko alam kong ano ang panlasa niya mas mabuti nang naninigurado.
"I think you'd like this one." At sabay hinila ang puting gown na fit sa katawan ko. Hindi siya logsleeve ang sexy at backless pa.
"Naku po! Wag yan" at sabay pinakita ang price tag na may nakasulat na ₱19,999 like wow?!
"Okay nato." At hindi na nagdalawang isip pang pumila si tita Mommy. Siguro tita mommy nalang ang itawag ko sa kanya pag dalawa lang kami, nakokonsensya kasi ako.
Wow di man lang siya nagdalawang-isip na bilhin yung gown na yun. Ang yaman talaga, kaming mahihirap kuntento na kami sa tig-sampung damit sa ukay-ukay pero itong mayayaman hindi pa kontento sa tig-₱19,000.00 na damit, parang nagtatae sila ng pera ah.
Hindi na ako magtataka pa e mayaman sila, marami silang kompanya at negosyo kaya hindi na sila tumitingin sa presyo kung gaano man ka mahal yan wala silang pakialam.
Pagkatapos naming mamili ay dumiretso na kami sa bahay at dun nagpahinga muna saglit at alas-sais palang naman at alas-otso yung dinner, Hindi kona talaga kaya at nagugutom na ako bumaba ako at nagpaluto ng makakain ko. Sinabihan ko si yaya Medel na paglutuan niya ako ng ulam at kakain ako,hindi na talaga kaya ng sikmura ko at kumakalam na ang tiyan ko.
"Anak, ba't kumain kana. Hindi kaba sasama sa dinner ?" Kunot noong tanong ni daddy.
"No pa, kumain lang ako nagugutom kasi ako," paliwanag ko naman. "Don't worry kakain naman ako dun." Dagdag kopa.
Sinong hindi magugutom e halos nilibot namin buong mall tsaka halos jewelry shops at boutique napasok namin dun.
"Okay, at maghanda kana aalis na tayu mamaya." Sagot niya naman.
At nag nodd lang ako pagkatapos kung kumain ay umakyat na ako,nag-shower nagbihis at nagpaganda. Hindi ako sanay mag makeup kaya ng palagay nalang ako kay tita mommy.
"Susuotin koba tong white gown?" Tanong kopa.
"Ofcourse hija. Dapat maganda ka dun. "
"Okay."
Pagkatapos kung mag-ayos ay tinignan ko ang itsura ko sa salamin at parang nagtataka ako kung ako nga ba to. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko at bakit ang ganda ko dito?
"Mariel anak! Bumaba kana diyan, male-late na tayo." sigaw ni tita mommy sakin at titig na titig parin ako sa salamin. Hindi kona pinusod pa abg buhok ko at curl naman nababagay naman sa puting gown na suot ko. Mukhang ikakasal ako ngayon, siguro enrgandeng dinner yun bakit bihis na bihis ako.
Bumaba na ako at kita ko rin pati sila mom at dad na bihis na bihis at mukhang sosyal nga ang dinner. Ang ganda ni tita mommy kamukha niya si ano yung artista, si- Carmina Villaroel. Pati kutis ang puti-puti niya para siyang gatas.
Medyo mahaba-haba yung byahe dahil sa trapik, sabado ngayon at payday kaya siguro trapik na naman, nagselfie ako sa phone ko at agad ipinost sa facegram at biglang nagulat ako ng umabot biglaan sa mahigit 3,768 Hearts nagulat ako ganito ba talaga ako kaganda? Wow assuming Ariella.
At sa wakas ay nakarating narin kami sa restaurant na sosyal ang design hindi ako magtataka kung bakit sosyal e ang may ari nito ay ang mga Dela Luna ang yaman talaga nila. Hindi pa ako bumaba dahil nakaramdam ako ng biglaang pangamba at kinakabahan ako sa una naming pagkikita.
"Anak, mauna na kami ng Daddy mo. Sunod ka ha." At bumaba na silang dalawa.
"Okay mom." Sagot ko naman.
Kinakabahan parin ako at baka kung ano ang masabi ko ngayon. Ayst, kaya moto Ariella kaya moto.
Ar napagdesisyonan konang bumaba at biglang may pumuntang dalawang lalaki at bigla akong inalalayan.
"Good evening, Ms. Bartolome." at inalalayan nila akong pumunta sa entrance ng restaurant.
"Thank you."
Pagpasok ko palang ay agad nagsitayuan ang mga balahibo ko sa mga nakita ko at halos lahat sila ay pinagtitinginan ako, nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating kona ang table nila mom at dad at nandun narin ang mommy ni jaeden at ang kanyang daddy.
Pero hindi ko parin makita si Jaeden. At hindi kopa nakikita ang mukha niya.
"Naku, ang ganda pala ng mapapangasawa ng anak ko." Biglang singit ng lalaki at ito ang daddy ni Jaeden.
"Thank you po." sabay nginitian ko silabg mag-asawa.
"Excuse me. Cr lang ako." Hindi kona talaga kaya at parang kinukuryente ako sa inuupuan ko. E bakit ang tagal kasi ng lalaking yun.
Nagmamadali akong pumunta sa cr hanggang sa may nakarinig akong pangalan na tinatawag.
"Ariella."
Napalingon ako sa likuran ko pero wala namang tao. Hindi ko namalayang naglalakad pala ako habang nakatingin pa sa likuran ng may tao.
Hanggang sa biglaang "Bhogshh" may malakas akong nabangga at natumba ako napapikit pa ako at hinihintay ko nalang abg pagbagsak ko pero ng dumilat ako ay nakita ko ang isang lalaking napaka guwapo! Biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko ng makita ko abg lalaking sumalo saakin, he is wearibg black tuxedo at napaka bango niya. Ang pula ng labi niya.
"Are you okay?" Pagtatanong niya.
"Ahh-- yes im okay." At tumayo ako ng maayos.
"Wait-- Mariel?" Biglang tanong niya sakin.
Kinabahan ako lalo nang tawagin niya ang pangalan ni Mariel, parang na delayed pa 'yung utak ko mabuti nalang at agad namang nag sink-in na nagpapanggap lang ako.
"Ye-yes" nauutal kopang sagot.
"Hindi ko akalain na dito pa tayo nagkita." Ngumiti siya at lalong kinagwapo pa niya "Im Jaeden, your future husband." Biglaang inalay niya ang kamay niya sakin.
Na awkward pa ako sa sinabi niya, wala man lang ligaw-ligaw? Husband agad? Wow! Ang bilis huh! .
"Ma-mariel Bartolome." At kinamayan ko siya.
Mabilis lang akong nakipag kamay at dali dali akong bumitaw. Iba kasi ang nararamdaman ko parang matumba na ako sa pagnginig ng mga tuhod ko.
"My gorgeous fiancee" bulong pa niya at rinig ko ito.
Hindi ako magalaw sa mga inasal niya at parang gustong-gusto niya talaga na magpakasal na agad-agad. Siguro pinipilit din siya ng pamilya niya na magpakasal agad kasi parang pati siya nagmamadali narin. Ganito ba talaga ang mga mayayamang pamilya? Kailangang sila ang dumikta ng mapapangasawa ng mga anak nila? E asan na ang kalayaan ng mga anak nila? Matatanda na sila at dapat sila mismo ang magdedesisyun kung sino ang mamahalin nila.
Kinakabahan na ako sa mga susunod pang mangyari at sa kung ano pang plano ni Jaeden. At baka kung paiimbistigahan pa niya ako natatakot na ako. Hindi ko siya kilala baka mamaya mamamatay tao siya o kaya leader ng isang grupo ng mga sindikato.
Pero dapat hindi na ako aatras pa dahil mahahalata nila at lalong-lalo na magagalit si Mariel. Ayoko naman na masira ang plano niya kasi hindi niya sinira ang pangako niya kaya tutuparin kodin ang pangako ko sa kanya.
Pabalik na ako sa kanila pero parang hindi kopa kayang humarap andami nila nakaka kaba at tsaka hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dun. Siguro kailangan ko muna magpahinga saglit bago ako bumalik dun. Hindi ko talaga kaya e.
Napag desisyunan kung umupo na muna sa garden kung saan maraming lights at ang ganda nakaka kalma ng utak nakaka wala ng problema. Palinga-linga ako sa mga nakikita ko may mga couple din akong nakikita ang sweet nga nila.
Maya maya pa ay may nagsalita sa likuran ko at napatigil ako nang makita ko si Jaeden na nakangiti sa 'kin.
“Ba’t hindi kapa bubmabalik dun?” napaupo siya sa tabi ko at napausog naman ako.
Nahihiya ako kasi nagpupursigi talaga siya na gawin ang lahat at talagang handang handa na siya sa mangyayari.
“Gusto ko muna magpahangin, tsaka busy pa naman sila.” Kalmado ako tsaka unti-unti namang napapawi ang kaba ko. “ikaw ba't andito kapa?” Dagdag kong tanong.
“E nandito ka e, sinong kakausapin ko dun?”
Sabagay tama nga naman siya pumunta siya dito para sakin at pumunta ako dito para sa kanya kaya tama nga siya.
“Sorry ha, first time ko 'to kaya medyo awkward pa sakin.” Nakangiti kong sambit.
“Me too, pero prepare ako.” Sagot niya. “Hindi kaba nahirapan sa desisyun ng Daddy mo?” napalingon ako sa sinabi niya.
Naalala ko na naman si Mariel, alam ko ayaw na ayaw ni Mariel 'to kaya ako ang nandito at alam kong nahihirapan siya kaya sakin siya humingi ng tulong.
“You know, sobrang hirap na hirap. Im older enough I have my own descision pero bakit parang nakatali parin ako?”
“I really feel you.” Napabuntong hininga siya.
“Kailangang gawin ko 'to kasi mahal ko sila kailangan kong hiwalayan ang boyfriend ko for this tsaka pamilya ko sila e.” paliwanag ko.
“Pareho pala tayo ng desisyun, I forced to broke up my girlfriend just to marry you, mahal ko siya pero mas mahal ko ang lola.” Paliwanag niya.
“Matanong ko lang, masaya kaba sa desisyun ng lola mo?” kunot-noo kong tanong.
Kasi 'yung iba nga halos magpakamatay na sa ganitong sitwasyon tas siya masaya lang.
“Kung saan masaya si Lola dun ako.” Sagot niya.
Napukaw ang atensyon namin nang may biglang sumigaw na babae malapit sa amin at napatayo naman ako sa gulat. Mabilis akong hinawakan ni Jaeden at baka magkagulo.
“Walang hiya ka! Kailangan mopa talagang magpa retoke para lang maagaw ang mahal ko!” sigaw ng babae habang sinasabunutan ang kamukha niyang babae sa harap ng lalake.
“Jocelyn enough!” sigaw ng lalake. “Alam mo umuwi kana lasing ka e.” dagdag pa niya.
Mukhang lasing nga ang babae sa sitwasyon niya pero kawawa 'yung kamukha niya sa sabunot.
“Im not drunk Marco! Kailangan mo malaman ang totoo!” sigaw niya habang abala sa sabunot at sampal sa babae. “She is fake! Nagpapanggap lang siya na ako ay siya! Fake!” mukhang tumagos ang mga salita niya sa dibdib ko at mukhang na guilty ako sa narinig ko.
“She is fake! Nagpapanggap lang siya na ako ay siya! Fake!” paulit-ulit na nag sink-in sa utak ko ang sinabi ng babae at napatulala nalang ako.
“ey.” Natigilan ako nang hawakan ako ni Jaeden. “Let’s go tinatawag na tayo sa loob.” Bulong pa niya.
“She is fake! Nagpapanggap lang siya na ako ay siya! Fake!”
“She is fake! Nagpapanggap lang siya na ako ay siya! Fake!”
“She is fake! Nagpapanggap lang siya na ako ay siya! Fake!”
“She is fake! Nagpapanggap lang siya na ako ay siya! Fake!”
Habang naglalakad ay parang pingpong ball na nagba bounce sa utak ko ang sinabi ng babae at talagang natamaan ako. Pero hindi ko ipinaramdam kay Jaeden na natamaan ako sa sinabi ng babae, kinimkim ko ito at tiniis at ang salitang narinig ko.
Masasanay din ako balang araw, dapat lang na masanay ako kasi sa ganitong klaseng ginagawa ko kailangan kong maging propesyonal na manloloko at manggagamit. Kailangan maging matigas ang puso ko sa mga maririnig ko at sa maririnig palang.
“Goodluck Ariella.” 'yan lang ang salitang masasabi ko sa sarili ko.
Hawak-hawak ako ni Jaeden habang papasok kami sa loob mas maraming tao dito kesa sa labas na kakaunti lang. May banda dito sa loob kaya siguro mas marami ang tao at ang ganda ng kanta na kinakanta nila. Somebody That I Used To Know ang kanilang kinakanta at.