CHAPTER 40. #MarryingMrBillionaireFINALE MAKALIPAS ang isang buwan ay back to normal na. Nagtatrabaho na si Jaeden at ako naman ay nasa condo lang. Minsan binibisita ako ni Mayshell dito pero minsan na lang kasi busy din siya sa trabaho niya at sa pinagbubuntis niya. At ako naman ay todo ingat din sa tiyan ko dahil magkakaanak rin kami ni Jaeden. Inaasahan naming maging kambal ito at excited na excited na siya na makita ang mga anak niya. “Ambait naman ng baby ko, hmmmm. Malapit ka nang makita ni Daddy excited na si Daddy!” pagkukulit ni Jaeden sa tiyan at at hinimas-himas ako. “Behave ka lang diyan ha at aalis na si Daddy.” at hinalikan niya ito. “Alis na ako mahal,” hinalikan niya ako sa noo. “Ingat ka ha.” “Ikaw din, ingatan mo baby ko malilintikan ka sa’kin,” pagbabanta pa

