CHAPTER 38. #TheWedding “Kailangan kong pigilan ang mga susubok na barilin o patayin si Jaeden.” “Mag ingat ka, ayoko na ikasal si Jaeden kay Althea.” sagot pa ni Mayshell. “Hindi mangyayari ‘yon.” taas noong sagot ni Ariella. Bukas na ang kasalan at alas dose na ng hating gabi ay nag-uusap pa rin ang mag kaibigan. Nagpa plano sila kung mapigilan ang kasalan. Mamayang 1Am ay aalis na rin si Mayshell para mag-ayos ng mga dedesenyo nilang simbahan. Maganda na ang nai-plano nila at hindi nila alam na dalawa ang kalaban nila. Hindi nila alam kung ano ang kalalabasan nito basta mapigilan lang ang kasalan. Kanina pa may kinakausap si Jaeden sa kaniyang cellphone para sa mga plano bukas. Si Ariella ang aakyat sa tapat na building ng simbahan kung saan pupuwesto ang sniper ng kalaban.

