Mayshell's POV. "Sure kana ba? Hindi mo ako sasamahan?" Kinakabahan kung tanong kay Shiella. "Oo bilis, dito nalang ako sa kotse" At lumabas na ako para pumasok sa isang napakalaking hotel. Maramin din nagsisidatingan na mga mayayaman at parang may mga politiko din na nandito. Ang ganda ng bihis ko ngayon para akong aattend sa isang sosyal na Js prom. Marami ang nakatingin sa akin at parang naninibago sila sakin. Hindi pa kasi ako nakadalo ng mga ganitong klase ng auction. "Ms. Maniego." Napalingon ako ng may tumawag sakin at agad na hinanap ng mga mata ko. "Erik," Nilapitan ko siya at nakipag-beso ako. Siya ang pinakamatinding kalaban ko pagdating sa trabaho ko, sikat si Erik at marami ang kumukuha sa kanya na mga sosyal at mayayaman. Pero hindi ko siya tinuring na kalaban bagku

