CHAPTER 33. #NeedYouNow Pagkatapos niyang magpirma ay agad kaming kumain ng tanghalian. Nagluto sila Tita at Nanay ng masarap na pochero. Si Tita ay abala sa pag-slice ng mga lulutuin nila mamaya at si Nanay naman ang nagluluto ng ulam namin ngayon. Nagpa-ihaw si Jaeden ng ttlong buong baboy para mamaya. Isa para sa lechon at ang isa para sa uulamin naming lahat mamaya. Bukod sa gulay, bulaklak ay may mga baboy din sila Jaeden. At nandun sa kabilang bukid ng farm nila. Kumuha siya dun at ang isang baboy dun niya ibinigay para din sa kanila mamaya. Nasa isang daan mamaya ang kasabay naming kakain. Siguro sobra pa kasi may mga anak na din anh ang at dun kami kakain sa parang basketball court na pinagawa ni Jaeden para sa mga gulay at hindi ito maiinitan. Nagpalagay siya ng mahabang mesa

