CHAPTER 21: PAIN

2049 Words

Chapter 21 Ariella's POV. Maaga kaming umalis at pumunta sa Bantayan Island upang mag prepared para sa wedding ng customer ni Mayshell. Medyo marami kami kasi mga taohan niya andito rin. Palagi daw niya kasama ang team niya para mag ayos kasi di niya kakayanin kung mag-isa lang siya. Nasa kabilang van sila at nasa kotse ako ni Mayshell sumakay. Dalawang van ang ginamit para sa taohan at para sa mga gamit naman ang isa. Pinayagan naman ako ni Jaeden na tumulong kay Mayshell at isang araw lang naman uuwi kami agad bukas. Tsaka busy din siya sa mga bisita na dumating kahapon at para sa partnership daw. Busy din si Jaeden ilang araw na at hindi kami masyadong nagkakausap ng maayos. Naiintindihan ko naman kaya hinahayaan ko na muna siya kasi importante din 'yung trabaho niya. * * * *

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD