CHAPTER 23. Masarap ang hampas ng hangin at ang ganda ng mga tanawin na dinadaanan namin. Maraming puno at naririnig ko ang mga huni ng ibon. Parang malayo ang byahe namin dahil bandang norte na ito ang bayan ng San Rafael. Marami ding pasyalan dito at maraming masasarap na pagkaing dagat. Malapit lang sila kasi sa dagat kaya ang kabuhayan nila dito ay pangingisda. Ipapakilala daw niya ako sa boss niya at sa mga kasamahan. Excited naman ako na makilala ang mga kaibigan niya at ang boss niya. Halos tatlong oras na rin kaming bumyahe at kanina pa ako nagugutom pero hindi ko sinabi sa kanya dahil nahihiya ako. Nakakahiya na rin kasi itong ginagawa ko at sa kanya pa ako nakatira. Balak ko din namang umuwi pagkatapos kung makausap si Jaeden at pormal akong magpapaalam sa kanya. Tsaka s

