It's been two days since he kissed me. Ugh! He's driving me crazy. I know where to place myself, but he can't do this to me. Lalo na ngayon na madami na siyang naitulong sa akin at sa pamilya ko. Hindi dapat ako magkagusto sa kanya. Mayaman siya, at baka sabihin ng ibang tao pera niya lang ang habol ko. At mas lalong hindi talaga pwede dahil may girlfriend na siya.
Nilubog ko ang mukha ko sa unan.
"Anak! Nakabihis ka na ba? Malalate ka na sa school. Dalian mo at nand'yan na si Tristan." That was mom yelling downstairs.
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Dali-dali akong tumayo at nag ayos. I can't believe he's here again! Ano ba talaga ang pakay niya dito? I mean sa akin? Bakit patuloy pa din siya sa pag punta niya dito?
"Gooooood morning ma!" I said, extending my arms around her.
"Goodmorning!" That was Tristan smiling.
"Morning!" I rolled my eyes.
"Ma alis na po ako," paalam ko habang inaayos ang bag.
"Mag almusal ka muna," sabi ni mama habang naghahain.
"Sa school nalang ma, malalate na po ako eh," I said, before finally hugged her.
"Oh sige, kumain ka ah? Mag-iingat ka. Tristan ikaw na ang bahala sa anak ko. Ingatan mo yan." Bilin ni mama.
" Yes tita, ako na po ang bahala kay Kat, right Kat?" Pinasadahan niya ng tingin si mama bago ibinalik sa akin ang atensyon niya. He was teasingly smiling at me.
"Whatever!" I just rolled my eyes, and started walking out of the house.
"Hop in!" he said demanded, tilting his head showing that I should get in his car.
Aba! Hindi man lang ako pinag buksan ng pinto. Hindi Gentleman! Bwisit.
Napanguso nalang ako habang padabog na sumakay sa kotse niya.
Kinagat ko ang ibabang labi nang maalalang wala pala akong karapatan mag inarte.
"Hindi dito ang daan papunta sa school ko," I told him.
" I know," he coldly replied, without looking at me.
"Saan mo naman balak pumunta ha? Baka ma-late pa ako." pagtataray ko.
"May susunduin lang ako," he coldly replied.
Hindi na ako nag tanong pa. Buong byahe kaming tahimik lang. Hanggang sa nakarating kami sa isang village, at hindi lang basta-bastang village dahil pangmayaman! Ang lalaki ng mga bahay, mansion pala. Amaze na amaze akong tinitignan ang bawat bahay na madadaanan namin.
Balang araw, magkakaroon din ako n'yan.
"Lumipat ka sa backseat," utos niya habang nakahinto ang sasakyan.
Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya at napaawang ang bibig. Huminga muna ako ng malalim at hindi na ako nakipagtalo. Bigla nalang kumirot ang dibdib ko, may nagawa ba ako sa kanya?
Maya maya ay pinaandar na niya ulit ang sasakyan at huminto sa hindi kalayuan.
Bumaba siya at pumasok sa isang mansion. Iginala ko ang mata ko kung saan siya pumasok. Isa ito sa pinakamalaki at magandang nakita ko sa loob ng village.
Nagvibrate bigla ang phone ko.
"Hi Crush! Papasok ka na ba ngayon? Miss na kita. Sana okay ka na." that was Drake.
"Uhm, Oo papasok na ako ngayong araw," I replied.
"Ihahatid kita mamaya pag uwi mo, kung okay lang sa'yo," he offered.
I was about to type when I saw Tristan talking to a girl. Kumikirot na naman ang dibdib ko.
"Hey! Okay lang ba?" Tanong niya ulit.
Tumingin ako sa labas kung nasaan si Tristan. Hindi ko makita ang mukha ng babae. I sighed heavily seeing Tristan with another girl. Dapat na masanay na ako na may kasama siya. Hindi naman ako espisyal sa kanya. Nag aasume lang talaga ako. Siguro ay nasanay lang ako na kasama siya.
Binuksan ni Tristan ang pinto. I saw the girl and it was his girlfriend. Baka magalit sa akin ang girlfriend niya. Mas maganda pala sa personal ang babae. Mabuti pa siya pinagbuksan ni Tristan ng pinto.
I took another sigh before changing my mood in a normal way.
"Oh, I wasn't informed that you brought someone with you." The girl was looking at me.
"She's Aila, a friend," 'yun lang ang sinabi niya.
Kumirot na naman ang dibdib ko. Ang sakit sa pakiramdam. Pero, wala naman akong magagawa dahil wala naman akong karapatan.
Bakit ba kasi ang bilis ko mahulog eh. Nasasaktan tuloy ako.
"Hi!" I smiled, waving my hand.
"Oh, hi Aila! I'm Abby Martinez," she handed me her hand.
"Tristan's girl friend," she smiled.
Nagshakehands kami, ang hirap magpanggap na ganito. Parang wala lang.
Nagsimula na ulit magmaneho si Tristan.
Umupo siya ng maayos at saka nagsalita ulit.
"So, how did you guys meet?" she asked.
"Enchanted Kingdom!" We both replied in chorus.
"Really?" she giggled.
"Was that the day when we are supposed to celebrate your birthday?" she asked, raising her brow, while looking at Tristan.
"Yes, and also the day you left me for some reasons. " Tristan corrected.
Okay, out of place ako dito.
"Babe, I already told you. Tinawagan ako ni dad kasi kailangan kong umattend ng seminar for our business. Alam mo namang ako lang ang anak nila dad. Tinitrain nila ako to handle our company." she said.
"Okay" Yun lang ang sagot ni Tristan.
Abby suddenly took a quick kiss on Tristan's cheeks.
"There" They both giggled
My phone suddenly ring
"Hello"
"Aila? I texted you. Are okay?" That was Drake
"Yeah, I'm fine. Sorry I didn't notice your text "I lied
"It's okay. I'll fetch you after school okay?" He said
"Okay see you around "I said
"Ingat ka ah?" He giggled
"Okay ikaw din" I replied before hanging up the phone.
"Was that your boyfriend?" Abby Chuckled
"Uhhm, Hindi Nanliligaw pa lang" I smiled.
I saw Tristan's looking at me in the mirror.
"Really? " She giggled
"Sagutin mo na" She smiled
Biglang pumreno si Tristan.
"Hey! What's wrong with you?!" Abby Asked
He didn't reply.
"Pasensya ka na Aila, Moody talaga tong si Tristan." Abby Explained.
"Okay lang" I said
Dumating kami sa school ng hindi nagpapansinan. Binaba nila ako saka umalis. Hindi kami parehas ng school kaya bumaba nalang ako sa tapat ng gate.
I sighed before I walked through the campus.
Pagdating ko room ay agad naman akong tinadtad ng mga tanong ng mga kaklase ko. Wala ako sa mood pero pinilit ko ang sarili kong maging okay. Mabilis natapos ang klase. Hindi ko man lang naramdaman na naglesson. Pumikit ako saka pinukpok ang ulo ko.
I just can't be like this. Masisira ng pangarap ko pag nagpadala ako sa emosyon.
"Aila! " That was Drake outside the room.
I fixed my things before leaving the room. Since nauna ang vacant ko kaysa kina Kelly, I decided to have lunch with Drake.
"Drake, " I smiled.
"Tara na" I added
"Akin na yan" He said referring to the books I was carrying.
Before I could protest, He took my books away from me.
Umiling nalang ako saka ngumiti. Kahit kailan, ang bait ni Drake. Sana ganun din si Tristan.
Bago pa man ako maka upo sa cafeteria ay hinila ni Drake ng upuan para makaupo ako.
" Ako na" He smiled
"Salamat" Can't help smiling. Buti pa si Drake.
" Uhhm, Oorder lang ako Aila ah? Hintayin mo nalang ako dito" He said
I just give him a nod.
Mula sa pinto ng cafeteria ay nakita ko si Tristan kasama ang dean. They are talking. Nag-iwas ako ng tingin.
Maya maya ay dumating na si Drake dala ang pagkaing inorder niya. Si Tristan naman ay umupo sa hindi kalayuan, kaya nakikita ko pa din siya.
Nagkwentuhan lang kami ni Drake habang kumakain.
Napansin kong kanina pa nakatitig si Tristan sa amin.
"Drake thank you ulit ha?" I chuckled.
"Anytime, Alam mo namang dati pa gusto na kita" Sabi niya sabay kamot sa ulo.
"Baliw ka talaga!" We both chuckled
Napansin kong tumayo si Tristan sa kina-uupuan niya. Hinayaan ko nalang siya at nag focus nalang ako sa conversation namin ni Drake.
"So, Malapit na ang pageant. I'm sure ikaw ang mananalo!" He smiled.
"Wow? Mukang sure na sure ka" I laughed
"I'll cheer you up! Sure akong mananalo ka!" He repeated
Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami. I sighed knowing that we have to pass from Tristan's table. Bago pa kami makarating sa table niya ay napatid ako. Gladly, Drake's here to catch me. We stare into each other's eyes. I just smiled at him. Inayos ko ang sarili ko saka tumayo ng maayos. Akmang tatalikod na ako para kunin ang gamit ko nang biglang nakaramdam ako ng lamig sa katawan ko.
"Are you blind?!" A loud voice coming from Mitch.
"I..I'm sorry" I sighed looking down.
"Sorry?! " her voice surrounds the cafeteria.
"Mitch! It was an accident!" That was Drake.
"Are you okay Aila?"Drake asked as he pulled his towel in his pocket.
I sighed then give him a nod.
"Fine!" she crossed her arms
Akmang tatalikod na kami ni Drake ng biglang nagsalita si Mitch.
" Hey! May nakalimutan ata si Aila" She said.
Sa paglingon ko sa kanya ay isang malamig na Orange juice ang sumalubong sa pagmumuka ko.
"Oops" That was her squad at her back.
"Apology accepted!" She smirked
"Come on, let's go girls!" She said.
Wala akong maramdaman kundi kahihiyan. Namumuo ang luha sa gilid ng mata ko. Para akong nanigas hindi dahil sa lamig kundi dahil sa nangyari. I heard most of the people around me are talking about me.
I sighed.
Iginala ko ang mata ko saka kinalas ang kamay ni Drake na naka alalay sa akin saka tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Ang alam ko lang gusto kong umiyak. Napadpad ako sa locker room. Tumayo ako. Hindi ako gumalaw hanggang sa malapit nang bumagsak ang luha ko. Nanginginig ang tuhod ko.
Someone from behind grab my other hand that leads me from hugging each other. My tears finally fall.