Dinaan muna namin si Seb sa bahay ni mama dahil bata pa siya at baka mahawa siya ng sakit sa kapag sumama pa siya sa hospital. Habang papalapit sa Hospital ay mas lalo akong kinakabahan. "Tristan Skyzr De Villa po" Namamaos na sabi ko sa information area. "Wait lang po ma'am titignan ko muna." Sagot niya. Tinignan ko si Tyler habang kinakagat ang kuko ko sa sobrang kaba at takot. "Ma'am nasa ICU pa rin po siya, Inoobserbahan pa po ang pasyente. Diretsyo lang po kayo tapos kanan" Tinuro niya ang direksyon at agad na akong tumakbo. Habang papalapit ay parang ang bigat ng mga papa ko habang humahakbang. Nakita ko si Tito Nick na nakaupo sa labas. "Ss..si Tristan?" Mangiyak ngiyak na tanong ko. "Unstable pa rin. Nasa loob siya ngayon." Walang ganang sagot niya. Agad naman ako n

