Nagising ako sa sobrang lamig at sakit ng ulo. Hindi pa rin tumitila ang ulan at mas lalo pa itong lumakas. Alas tres pa lang ng madaling araw. Gusto kong lakasan ang heater pero hindi pa rin ito gumagana. Tatawagan ko sana si Tyler nang maalala kong nabasa pala ang telepono ko kagabi. Dahan dahan akong naglakad palabas ng kwarto para kumatok sa kabilang kwarto kung saan si Tyler. Napahigpit ang hawak ko sa pader nang makaramdam ako ng hilo. "Tyler" Tawag ko habang namamalat ang boses ko. Malamang ay hindi niya marinig ang boses ko sa sobrang hina. Kumatok ako ulit pero hindi pa rin siya sumasagot kaya binuksan ko na lang ang kwarto niya. Akmang hahakbang ako nang bigla nalang nawalan ng lakas ang tuhod ko dahilan para matumba ako. "SHIT." Nagising si Tyler sa kalabog ng pagkabagsak

