Sinimulan ko ng ayusin unti-unti ang aking mga gamit sa condo hanggang sa tingin ko ay tama na ang aking mga dadalhin. Just a few of my clothes especially my favorite active wears, pajamas, and casuals. Wala naman ng ibang gamit na kailangan ko pang dalhin dahil halos naman ay mayroon pa ako sa mansiyon na gamit and Lolo preserves everything in there. Kung may mga kakailanganin man ako ay puwede ko naman na bilhin na lamang doon at hindi naman ako lalabas doon para mamasyal sa kung saan. Hindi na rin naman ako nagta-trabaho at wala ng ibang papel na kailangan pang dalhin lalo naman ang mga furnitures. Ayoko rin na magmukhang parang wala ng titira o tumitira rito sa condo. I have a lot of memories in here and I still want it to look homey. Nilinis ko na rin ang buong condo and made sure

