THIRD PERSON'S POV⁵: "Papasukin niyo ako! Gusto ko siyang makita!" pagpupumilit ni Rocco pumasok sa loob ng hospital room kung nasaan si Remy. Hinaharang siya ng mga personal bodyguard ng pamilya ng dalaga, ni hindi siya pinayagang makapasok para makita ito kaya naman pilit siyang nanlalaban sa mga bantay. "Sir, pasensya na napagutusan lang. Bawal talaga kayong pumasok at bilin nina Madam. Kami ang malalagot kapag pinapasok namin kayo," saad naman ng isang bantay. Apat ang nakatalaga na magbantay sa pintuan upang walang makapasok ni isa sa mga Mendez, lalong-lalo na siya. Pero wala siyang pakialam gusto niyang makita si Remy. "Magkano ang ibinayad sa inyo? Dodoblehin ko o kahit triplehin ko pa! Papasukin niyo lang ako! Gusto ko makausap si Rem—" "Bukod sa mapangahas ka na, arogante k

