Syx POV Tutal ay tapos na ang semester ay tanghali na ako magising nang mapatingin ako sa cellphone ko dahil ang daming missed calls galing kay Sey kaya nataranta naman akong I-call back siya. ''Sey?'' nagmamadlai at kinakabahan na sabi ko pagkasagot niya ng tawag. ''Syx, ano ba at bakit ngayon mo lang sinagot? Hindi ka ba pupunta rito ngayon?!” sigaw nito sa akin mula sa kabilang linya. ''P-Pupunta ako, Sey. Sandali lang,'' nagmamadaling sabi ko. ''Ha! Birthday na birthday ng kambal late ka?!'' sabi niya na ikinagulat ko lalo at ikinakaba ko dahil hindi ko alam. ''B-Birthday nila?''tanong ko at namura naman niya ako. Grabe, kababaeng tao! ''Hindi mo alam?!'' sigaw niya kaya nailayo ko ang cellphone ko sa tainga ko. Kakamot-kamot naman ako ng batok dahil hindi ko nga alam. Hindi nam

