Sey POV Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala simula noong nalaman ko na may gusto si Shayne kay Syx, kahit na hindi naman imposible. Akala ko si Yura lang, si Shayne din pala. Naglalakad ako sa may corridor ng building namin ng may biglang umakbay sa akin at isinama ako sa paglalakad n'ya. ''Ano na naman ba, Rye?'' nabi-bwiset na tanong ko pagkakita ko sa kaniya. ''Masyado ka namang serious, Sey. Chill chill lang,'' sabi nito sa akin at nakangiting naglakad. Inalis ko ang pagkakaakbay nito sa akin at saka s'ya naguguluhang tumingin sa akin. ''Rye, ang kulit mo din, ano? Sinabihan na kita noon na lumayo ka sa akin. Magagalit si Syx at ayokong mag away kami,'' pagtatapat ko dito at tumawa naman siya bago s'ya natatawang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

