Sey POV Nagkakasiyahan kaming lahat ngayong araw ng pasko. Kainan, tawanan at kwentuhan na para bang sa punto na ito ay kinalimutan na namin ang lahat ng problema na mayroon kami. Matapos kasi ng kahihyan na ginawa ko at pagpayag ni Syx ay niyaya na kaming kumain para maging celebration na din. Lahat kami ay nandito sa sala habang kalong-kalong ko ang isa kong anak at na kay Syx naman ang isa. Unti unti na din naman nakakakain ang kambal ng mga kanin at sasabihin ko din na napakalakas nilang dalawa sa tubig. ''So Sey at Syx. Kailan ang kasal?'' nakangiting tanong ni Alexa at napatawa naman ako. ''Ang bilis naman kung pag-uusapan natin kaagad iyan, Alexa. Kapo-propose palang ni Sey sa akin,'' pang aasar ni Syx kaya naman sinapak ko siya dahil sobra na nga akong nakakaramdam ng kahihiyan

