Sey POV Nandito ako sa loob ng gymnasium kasama ang iba pang mga sumali sa gaganaping University Pageant. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na nandito sina Yura at Syx. Since hindi sila magka department, hindi silang dalawa ang magka partner. “Sey!” Malakas na sigaw ng isang tinig at nakita ko ang dalawa kong kaibigan na sina Alexa at Harvey. “Ohmygod, Sey! Totoo nga na kasali ka!” malakas ang boses at natutuwang sigaw ni Alexa sabay yakap sa akin. “Sey, I’m so surprised!” nakangiting sabi ni Harvey at nahihiya na lang akong ngumiti. Ngumiti naman ako kay Harvey habang si Alexa naman ay nanatiling nakayakap sa akin. Nabalitaan ko kasi na simula nang nalaman ni Alexa na kasali ako sa pageant na ito ay nagmakaawa raw s’ya sa Adviser niya na siya na lang daw ang isali at hindi naman

