Chapter 5

3108 Words
Kunot noong napatingin si Lorraine sa mga nilalagay ni Patrick sa kanyang cart. Puro kasi ibat ibang klase ng alak ang mga ito. Napagdesisyunan kasi ni Lorraine na si Patrick na lang ang bahala na mamili ng mga groceries na kailangan nito. Sasamahan na lang nya ito sa pamimili para mabayaran kung anuman ang gustong bilhin nito. "Seriously Patrick? Puro alak lang talaga alam mong grocery?  Balak mo bang magpakalasing buong buwan?" Seryosong sabi nito sa binata pero ang binata, nanatili lang ang atensyon sa pamimili ng alak. Pinagmasdan nya ulit ang cart nito na halos mapuno na ng iba't ibang alak, mukha tuloy bar ang pinuntahan nila at hindi grocery store dahil dito. Dahil ayaw syang pansinin ng binata, kinuha nya ang mga alak na laman ng cart nito at  isa isang binalik sa kung saan man ito kinuha ng binata. Inis naman na napatingin sa kanya ang binata na hindi nya man lang pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawang pagbabalik ng mga alak sa lagayan nito. "Why do you think are you doing?" Galit na tanong ng binata sa kanya pero hindi nya ito pinansin at kumuha ulit ng alak sa cart nya para ibalik sa lagayan. Akmang hahawakan nya na ang isang boteng alak ng hawakan ng binata ang kamay nya para pigilan ito pero sa halip na matakot dahil sa galit na mukha ito, nakaramdam sya ng ibang pakiramdam sa kapit nito. Nang mapansin ng binata na nakatitig ito sa hawak nito sa braso nya, ito na ang kusang bumitaw and an awkward silence suddenly arise. Pero hindi rin naman nakatiis ang binata, kaya ito na ang unang bumasag sa katahimikan. "Akala ko ba ako ang mamimili mg grocery ko?" Inis na wika nito sa dalaga. "I said that last time because I thought you can already handle it, pero you still never change. Hindi ka pa rin talaga maasahan sa grocery" sagot ng dalaga sa kanya at pinagpatuloy lang ang ginagawa nito na pagbabalik ng mga pinamili nya sa lagayan nito. "You still remember it?" nagtatakang tanong nito sa dalaga. "Yes, what's the big deal about that?" sagot naman ng dalaga sa kanya habang nakatalikod ito. "What about my favorite midnight snack?" Tanong ulit nito sa kanya "Marshmallow that filled with Nutella, daig mo pa ang babaeng naglilihi sa uri ng pagkaing gusto mo" sagot naman ng dalaga na parang wala lang. Pero ang binata, napangisi naman sa sinagot nito dahil tama ito. He has that kind of food habit and until now he's still doing it. "What about the food I hate the most?" sunod naman na tanong nito. He suddenly got interested to ask question to Lorraine. It's like he wants to prove something. "Dinuguan, because you hate blood. I remember when you were lose to our bet and eating that food was your punishment, grabe ang suka mo nun, Parang isinuka mo yata lahat ng kinain mo ng isang taon nun eh" natatawang sagot sa kanya ng dalaga na hindi man lang tumitingin sa kanya habang patuloy lang sa pagkuha ng alak sa cart nya at binabalik ito sa lagayan. "You really remembet it huh!?" Nakangising tanong nya sa dalaga. Napatigil naman saglit sa ginagawa ang dalaga bago nagsalita. "Of course I remember it, paano ko makakalimutan yun, halos patayin na ako ng konsenya ko nun no. Dalawang araw rin kaya ako hindi nakatulog nun ng matiwasay" tugon ng dalaga sa kanya bago pinagpatuloy ang ginagawa nito. "Last question, Where we first met?" napatigil ulit sa ginagawa ang dalaga pero this time napatingin na ito sa kanya. "Sa Boutique ng Mom mo, lumapit ikaw nun sa akin dahil sabi mo ikaw ang naiinip sa tagal kong nakatitig sa dalawang dress. Hindi kasi ako makapagdecide sa dalawa kung anong bibilhin ko, and I let you to decide what will be the dress I will buy total ikaw tong naiinip sa akin." "And you were actually buy the dress i chose eventhough it obviously you like more the other one" dagdag ng binata sa sinabi ng dalaga "Because that is what I'm used to do. Always considering others than myself." Malungkot na sagot ng dalaga sa kanya. "Why?" hindi napigilan na tanong nya sa dalaga. "Not necessarily to know. It's not important afterall." Sagot ng dalaga sa kanya at tinapos na ang ginagawa nito. "Okay" Sagot na lang nito sa dalaga kahit pa gusto nyang malaman kung ano ang ibig nyang sabihin dito. Humarap si Lorraine sa binata pagkatapos nitong ibalik lahat ng laman ng cart nito. Napansin kasi nito na parang ang daming tanong ng binata, well okay lang naman sa kanya na sagutin ang mga ito but it just like she felt something about it. "Why you suddenly asking question?" kapagkuwan ay tanong nito sa binata "I don't know, I'm just being curious. I thought if you consider one person as a worst man, the first thing in your list is forget all the things about him" Sagot naman nito sa kanya. "But I never consider you as a worst person, you are very far from that. I never said that" agad naman nyang sagot sa binata. Totoo naman yun, Patrick is the best man he met with her entire life, he made her so special in so many ways kaya nga siguro hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang nararamdaman nya dito. "You never said it Kate, you just made me felt it." Sagot sa kanya ng binata sa walang emosyong boses at tinulak na kung saan ang cart paalis sa wine section. Nanatili lang syang nakatayo doon habang nakatanaw sa papalayong bulto ng binata. Hindi nya maiwasan na masaktan sa sinabi ng binata, alam nya kung bakit nasabi iyon ng binata at naiintindihan nya. Patrick is the best man she could ever have but she doesn't have enough courage to say it to the whole world and as a result, Patrick felt the opposite of it. "I am the worst person Patrick and not you." mahina at malungkot nitong sambit bago nagsimulang hanapin ang binata. Palinga-linga sya sa paligid habang hinahanap ang binata. Nang makita nya ito sa can goods section, agad na uminit ang dugo nya sa babaeng nakikipagflirt dito. She's jealous at hindi nya dapat maramdaman ito dahil una sa lahat hindi nya pagmamay-ari ang binata at pangalawa wala ng pakialam ito sa kanya. Pero hindi nya pa rin mapigilan ang mainis at magselos sa babae. Nagmadali syang pumunta at tinulak ang cart ng binata para sadyaing banggain ang cart ng babae. Inis naman na napalingon ang babae sa kanya pero si Patrick wala lang reaksyon. "I'm sorry, nakaharang ka kasi" mataray nitong litanya sa babae. "Excuse me?" galit na tanong nito sa kanya. "You have your way, you can leave now. And besides nakakaistorbo ka na sa pamimili namin ni Patrick." mataray nitong sagot sa babae. Napatingin naman ang babae kay Patrick na wala man lang kareaksyon-reaksyon sa mga nangyayari. "You know her? Is she's your girlfriend?" Kapagkuwan ay tanong ng babae kay Patrick. "I know her, but she's not my girlfriend." Walang emosyon nitong sagot sa babae Napatingin naman ang babae sa kanya, at tinaasan sya ng kilay. Hindi naman sya nagpatalo kahit na medyo nasaktan sya sa sinabi ni Patrick. Bakit naman kasi nagpadala sya sa kanyang emosyon, napahiya tuloy sya. Pero hindi nya hahayaan na makita iyon ng babaeng to, over her sexy gorgeous body. "I'm not his girlfriend, I'm his friend at busy kami ngayon sa paggrocery so will you excuse us?" mataray pa rin na sabi nito sa babae. Hindi nya talaga maiwasan na kumulo ang dugo nya dito. Urggh! Isa pa tong lalaki na to, hindi man lang nagpanggap kahit ngayon lang sana para di man lang sya napahiya. "Whatever,.." maarte nitong sagot sa kanya bago tumingin kay Patrick. "Call me Jake, Bye" malandi nitong sabi kay Patrick bago tuluyang umalis. "Matapilok ka sana" mahina nitong  hiling sa sarili nya bago tumingin kay Patrick na nakatingin sa kanya na parang natatawa. Sinamaan nya lang ito ng tingin, although he just said the truth but still hindi nya pa rin maiwasan na mainis dito. Hindi man lang nya kasi naisip na pwede syang mapahiya doon. "What was that?" kapagkuwan ay tanong ng binata sa kanya. "Wala yun, wag mo na pansinin yun" sagot nito sa kanya at madaling umiwas ng tingin sa binata. Nakaramdam kasi bigla sya ng hiya, ngayon nya lang narealize yung kagagahan na ginawa nya. "You were jealous? Don't deny it Kate" tanong nito or rather say statement ni Patrick sa kanya. "Hindi ako nagselos, I'm just being irritated to the presence of that girl. At bakit ako magseselos? Like what you said last time, hindi mo ako girlfriend so stop making it big deal" "Exactly Kate, You're not my girlfriend. So don't react like that with all the girls I am with unless I give you a permission to do it but It will not gonna happen." sagot sa kanya ng binata na ikinatahimik nya "Bakit ka ba nagagalit? Kasi naistorbo ko kayong dalawa? Type mo ba ang babaeng yun?" huli na para mapigilan ni Kate ang mga salitang kumawala sa kanyang bibig. "That is none of your business anymore Kate. I am single, I can date whoever girls I wanted to f*ck and I don't need you to give a sh*t out of it." Seryosong sabi ng binata na tuluyang nakapatahimik sa kanya. "I'm sorry, tara mag-grocery na tayo" mahinang sagot nya at sinimulan ng tulakin ang cart papalayo sa binata na hindi na hinintay ang isasagot nito. Pagkatapos kasi nitong isupalpal sa kanya ang katotohanan, hindi na nya magawang harapin ang binata. Bakit kasi hindi nya napigilan ang sarili nya na magselos at mainis sa harapan ng babaeng yun? Naging mukha lang tuloy syang tanga at kawawa sa harapan ng binata. Tumigil sya sa harap ng cornbeef products at akmang kukuha na ng brand na alam nyang gusto ng binata ng may isang kamay na pumigil dito. "I don't like that brand anymore. I prefer this one." sabi sa kanya ng binata bago bitawan ang kamay nito "I thought you don't like this brand. It's salty as what you said when we were in College." sagot naman nya sa binata habang naglalagay nito sa cart. "People change Kate, Hindi porket gusto ko dati, eh gusto ko pa rin hanggang ngayon" seryosong sabi nito. Hindi na lang nya pinansin ang sinabi ng binata at nagpatuloy lang sya sa pamimili. Tutulakin na sana nya ang cart nila ng agawin ito ng binata sa kanya. Hindi na lang sya kumibo at naglakad patungo sa iba pang food section. Sumunod lang ang binata sa kanya at tulad nya namimili rin ito ng ibang products. Napunta sya sa bread spread section at hinanap ang nutella. Nasa pinakataas na bahagi ito ng stall kaya kinailangan nya pang kunin ang isang hagdan sa gilid para maabot ito. Nasa ikalawang hakbang na sya sa hagdan ng may naramdaman syang para may yumapos sa beywang nya at may itinaling jacket rito para tabunan ang likod na bahagi nya. Bigla tuloy syang napatigil ng maalala na nakaboxer short lang pala sya at baka may nakakita na sa underwear nya. Nagulat sya ng hawakan ng binata ang beywang nya at pilit syang ibinaba. "Ako na lang ang kukuha, baka mahulog ka pa sa hagdan" malamig ang tono ng boses nito bago nagsimulang akyatin ang hagdan para kumuha ng nutella. "Salamat" sabi nito sa binata ng abutin sa kanya ang dalawang nutella. Nagpatuloy lang silang dalawa sa pagrogrocery. Hindi na sila masyadong nag-uusap, nagtatanong lang sya kung anong brand ang gusto nito at pagkatapos nitong sagutin iyon, end of discussion already. Pagkatapos ilagay ni Patrick lahat ng pinamili nila sa compartment ng kotse. Dumiretso na ito sa driver seat at nang mapatingin ito sa dalaga sa passenger seat, tahimik lang ito habang nakatingin sa labas. Hindi na lang nya ito pinansin dahil hindi nya alam ang sasabihin nya dito. Alam nya na medyo napasobra sya kanina at ayaw na nyang dagdagan yun. Binuhay nya na ang makina at nagsimula na magdrive. Tahimik lang ang dalaga buong byahe hanggang sa makarating sila sa condo unit nya. Habang inilalagay nya sa kusina ang ang mga pinamili nila, biglang nagsalita ang dalaga. "Bibihis lang muna ako, pagkatapos kung magbihis, aalis na rin ako" wika ng dalaga. "Pwede bang ipagluto mo muna tayo ng lunch? Nagugutom na kasi ako eh" sabi naman nya sa dalaga. "Sige, pero magbibihis lang ako" sagot naman nito bago pumasok ng kwarto niya. Hindi pa naman sya nagugutom, hindi nya lang alam kung bakit parang gusto pa ng sarili nya na makasama ang dalaga. At ito lang ang kanyang naisip na paraan para makasama pa nya ito, bigla kasi syang nakaramdam bigla ng lungkot sa iisiping aalis na ito at baka hindi na sila ulit magkita. ******* Nakaupo lang si Patrick sa isang stall chair habang pinapanood si Lorraine na nagluluto. Nakapalit na ito ng damit na binili nito kanina, isang simpleng white tshirt at tukong short na bumagay naman sa kanya. Isa ito sa mga nagustuhan nya sa dalaga, ang pagiging simple nito sa lahat ng bagay.  "Luto na ito, pwede ka ng kumain." sabi ni Lorraine sa kanya bago tinurnoff ang gas stove. "Hindi mo ba ako sasabayan kumain?" tanong nito sa dalaga ng naglakad ito paalis sa kusina at papuntang sala. "Hindi na, kailangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako ng mga magulang ko" sagot naman nito. "Hindi ko kakainin yan kapag hindi mo ako sinabayan kumain." sabi nya sa dalaga. Bigla kasi syang nawalan ng gana kumain sa isiping mag-isa lang syang kakain sa niluto nito. Napatingin naman sa kanya ang dalaga na bakas sa mukha ang pagtataka. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo Patrick?" tanong sa kanya ng dalaga na halata ang pagtataka sa kanyang boses "I'm serious about it. Kakain lang tayo ng sabay. What's the big deal about it? Alam ko pati na gutom ka na rin" after saying those words bigla na lang tumunog ang kumakalam ng sikmura ng dalaga na nakapagpangiti sa kanya. "See?" Natatawang sabi nito sa dalaga. "Okay, fine." pagsuko ng dalaga. Nakaupo lang si Lorraine habang lihim na nakangiti habang pinagmamasdan ang binata na maganang kumakain. Chicken menudo ang niluto nya na ulam para sa binata, isa sa mga paboritong ulam ng binata noong college pa sila. Hindi nya maintindihan ang binata kung bakit nagagawa nitong sumabay kumain sa taong nagawa syang paasahin at saktan. Ito ang dahilan kung bakit ayaw nya sumabay dito kumain kasi baka lang mawalan ito ng ganang kumain. Pagkatapos nya kasing marinig lahat ng mga sinabi ng binata noong nasa grocery store sila, bigla syang natauhan sa mga pinanggagawa nya. Hindi tama na magreact sya basta-basta sa harap ng binata, wala syang karapatan na gawin yun dahil siya lang naman ang nagiisang babaeng nagawa itong saktan at paasahin. She was very inconsiderate for his feelings, kahit alam nya na 7 years ago pa nangyari yun, still it doesn't change the fact that she hurt him so bad, at hindi tama na magreact lang sya ng ganun ganun lang na parang wala syang nagawang mali sa binata. "Baka malunod na ako nya sa lalim ng iniisip mo? Ang dami ko pa naman nakain baka hindi ako makalangoy ng ayos" Napatingin naman sya sa binata na tapos ng kumain. "Sorry" sagot naman nya sa binata at pinagpatuloy na ang kanyang pagkain. "Alam mo bang ngayon lang ulit ako nabusog ng ganito, your cooking skills still not change, masarap ka pa rin magluto." sabi ng binata sa kanya na may ngiti sa labi. "Nambola ka pa, ang sabihin mo gutom ka lang talaga. I know one of the last things on your list is to eat together with me." Sagot naman nya dito. Bigla nawala ang ngiti nito sa kanyang sinabi. "Sorry nga pala sa lahat ng nasabi ko kanina, I was being overreacted" malungkot na wika ng binata sa kanya. Tumingin sya sa binata na masuyong pinagmamasdan sya. "Ako dapat ang magsorry sa iyo. Tama ka naman eh. Dapat hindi ako magreact ng ganun sa harapan mo na parang walang nangyari. I am so very inconsiderate with your feelings, alam kong nasaktan kita noon at dapat hindi ko basta-basta e-invalidate yung nararamdaman mo. Ngayon ko lang narealized na sobrang kapal ng mukha ko, ang lakas ng loob kung humingi sa iyo ng pabor matapos kitang saktan, ang lakas ng loob ko sa iyong mangistorbo matapos kitang paasahin. Pangako ko sa iyo, na ito na yung huli araw na makikita mo ako, hindi na kita iistorbohin, hindi na rin ako hihingi ng pabor. At kung sakaling makita mo ako sa kung saan, wag mo na lang akong pansinin. Ayaw ko ng dagdagan pa yung sakit na nararamdaman mo dahil sa nagawa ko sa iyo" Ang masuyong tingin ng binata ay napalitan ng blanko at seryosong emosyon. Bigla itong tumayo at tumalikod sa kanya. Akmang maglalakad na ito paalis nang bigla itong nagsalita. "Pagkatapos mo dyan kumain, elock mo na lang yung pinto kapag aalis ka na." wika nito sa isang napakalamig na boses. Hindi na nito hinintay ang sagot nya, naglakad na ito paalis sa kusina patungo sa kwarto nito. Tinapos na nya ang kanyang pagkain at hinugasan ang lahat ng kanilang pinagkainan. Dumiretso na sya sa sala para kunin ang gamit nya. At akmang bubuksan na nya ang pinto palabas ng condo, nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng binata at lumabas doon ang si Patrick na seryosong nakatingin sa kanya habang naglalakad palapit sa kinaroroonan nya. "Pat.." hindi na nya nagawang tapusin ang sasabihin nya nang biglang angkinin ng binata ang mga labi nya. Gusto  nyang pigilan ang binata sa ginagawa nito pero ayaw naman syang sundin ng katawan nya. Nahuli na lang nya ang sarili na sumasabay sa masarap na halik ng binata. Unang kumalas sa halik ang binata ng halos maubusan na silang dalawa pareho ng hangin sa katawan dahil sa mapusok nilang halikan. Tumingin ng seryoso ang binata sa kanya at halos madurog ang puso nya sa huli nitong sinabi. "Umalis ka na at h'wag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan" Paglabas nya ng condo ng binata, napasandal na lang sya sa pinto nito at hindi na nya mapigilan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng kanyang luha. I think I deserve this, I should accept the fact that the coward person like  me is not for the best man he could ever have and that is Patrick. Patrick deserves better and that will never be me because I am the worst person he ever met with his entire life. A/N: Thank you for reading
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD