"Ang ibig mong sabihin Maharaja, si Hasina ang espirito ng lupaing ito at patuloy na mamatay ang lupain kung patuloy siyang mamuhay bilang mortal." tumango si Etheren sa sinabi ni Ursaillune. "Ano naman kung mamatay ang Lupain, aber?” nakataas na kilay na tanong ni Aveone. “Mamatay lahat ng buhay na narito, alam niyo ba kung ilang buhay na ang nawala dahil hanggang ngayon ay buhay pa rin si Hasina? Animna pu’t limang buhay na ang nawala at patuloy iyang tataas kung patuloy na mamuhay si Hasina bilang tao.” "Hindi ko pa rin maintindihan, Maharaja." ngumuso si Ursaillune. "Si Hasina ay hindi karapatdapat na mamuhay bilang tao dahil habang lumalakas ang ugnayan niya sa inyo ay mas lalamunin siya ng pagkamakasarili at tuluyan na niyang makalimutan ang tunay niyang pagkatao at kapag mangyar
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


