“Nahana-----“ naputol kaagad ang kaniyang pangungusap nang makita niya ang ginawa ng kaniyang kasama sa isang lalaki na nakagapos sa isang punung-kahoy.
“NAHANAP NA RIN kita sa wakas, inutil ka!” nanggigil sa inis si Aveone matapos niya makita ang kaniyang kambal na nakatali sa isang punungkahoy.
“Gising, hoy inutil!” minura niya ang kaniyang kapatid habang sinasampal ng ito ng paulit-ulit, upang ito’y magising ngunit naka-pikit pa rin ang mga mata nito. Muling sinampal ng dalagang bampira ang kaniyang kambal, mas malakas ito keysa mga nauna niyang sampal kaya doon na nagising ang binatang bampira.
“PUNYETA, sino ba yung naglakas loob na sampalin ang gwapo kong mukha?” galit nitong giit at nanlilisik pa ang pula nitong mata, sino bang hindi magagalit kung pasampal kang gisingin? Sa totoo lang ay sobrang nakakakilabot ang hitsura ng binatang bampira, ano mang oras ay gigilitan niya sa alabo sino mang nagtangka na sirain ang gwapo niyang mukha gamit lamang ang sampal. Ramdam niya ang panghahapdi roon na para bang sobrang laki ng galit nang gumawa nito sa kaniya.
“Punyeta!!!” nagsilabasan ang kaniyang pangil ngunit hindi niya alam kung bakit hindi siya makagalaw, pakiramdam niya’y may pumipigil sa kaniya na atakehin ang sino mang sumampal sa kaniya kanina. Pinilit niyang magpumiglas ngunit tila ba’y namanhid ang kaniyang buong katawan dahil hindi siya halos makagalaw.
Nang makatanggap ulit siya ng isang panibagong sampal, parang mas lalong lumalakas ang binibigay na sampal sa kaniya at iyon ang dahilan kung bakit nakayuko na siya ngayon sobrang lakas ba naman ng impact. Kaagad na sumilab ang pagkairita sa mukha ni Devoene, mararamdaman sa paligid ang namumuong alabo at parang naninindig ang balahibo ni Ursaillune nang makitang may namumuong kulay pula at itim na usok, pinapalibutan non ang dalagang bampira at ang alabo sa kaniyang harapan. Hindi na niya mapigilan ang magpanic, kaagad niyang nadala ang sariling kuko sa bibig at kinagat-kagat iyon.
“Putangina! Sino ka? Ang lakas ng apog mong sampalin ang isang gwapong prinsepeng kagaya ko!” galit alabo na sigaw ni Devoene, tuluyan na siyang nalamon ng usok kung kaya ay nagmukha siyang wala sa wisyo dahil sa matinding galit, nais niyang sampalin at kalmutin ang mukha ng taong nanampal sa kaniya.
Nang makatanggap ulit siya ng panibagong sampal, at kasabay niyon ay ang pagsalita nito na puno ng gigil. “Ako.” Natigilan si Devoene nang marinig ang isang pamilyar na boses, unti-unting kumalma ang kaniyang kalooban dahil sa boses na iyon, dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang ulo at tuluyan nang tumambad sa kaniya ang naka-pameywang at naka-irap na si Aveone, kaagad na napinturahan ang kaniyang mukha ng pag-alala, ngunit agad niyang ibinura iyon lalo na’t ayaw niyang makita iyon ng kapatid na babae.
“Ako yung nanampal sa’yo, may alaboaka doon?” nahimigan ng sarkasmo ang boses ng dalagang bampira, hindi na natigilan ni Devoene ang magalit sa inaasta ng kapatid na babae. “Bakit ka nandito!?” pasigaw niyang giit rito sa totoo lang ay nag-alala siya ngunit hindi niya yun pinahalata sa kambal kung kay pasigaw at pagalit niya itong itinanong, kung kaya ay nasampal ulit siya ng dalagang bampira.
“Bakit ka naninigaw?!” sigaw pabalik ng dalagang bampira at muling binigyan ng sampal ang kambal niyang nakatali sa isang puno, mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit ito nakatali inatake na naman ata ng kasumpungan ang kapatid niya.
“Bakit ka nandito?!” pasigaw na ulit ni Devoene, sa tanong niya kanina. Doon lamang natigil si Aveone sa p********l at sinalubong ang mata ng kaniyang kapatid, nababasa niya roon ang emosyong hindi niya maiintindihan at hindi niya halos mabasa, nagkahalo-halo kasi roon ang emosyon ng galit. Napaismid na lamang si Aveone at ipinag-cross ang dalawa niyang braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib. “Inutusan ako ng Amang Hari.” Giit niya sabay tago ng kaniyang buhok s alikod ng kaniyang tenga lalo na’t nakaharang ito sa kaniyang mukha.
“Ano?!” hindi makapaniwalang giit ni Devoene, pakiramdam niya’y nabingi siya sa kaniyang narinig at ayaw niya itong paniwalaan. “Avery.” Tinawag niyang muli ang kapatid kaya nama’y napangiwi na si Aveone nang maramdaman ang panindig ng kaniyang balahibo, isang tanda na siya’y nangingilabot kung kaya ay sinampal niya ulit ang kaniyang kapatid, mabuti na lang at mahina lamang ang boses nito kung kaya ay hindi ito narinig ng dalagang babaylan na kanina pa nagpaikot-ikot sa paglalakad habang kagat ang sariling kuko. Mukhang hindi rin napansin ng prinsipe ng bampira ang presensya ng dalagang babaylan lalo na’t nasa medyo kalayuan ito sa kanila, laking ginhawa iyon ni Aveone. Ayaw niyang makita nang kapatid niya ang babaeng kasama niya ng iilang araw dahil natitiyak siyang malaking gulo iyon kapag nagkataon, nais niyang paalisin ang dalagang babaylan, akala niya ay natakasan na niya ito kanina ngunit ganoon na lang ang kaniyang pagkagulat nang makitang nakasunod pala ito sa kaniya.
“Bakit mo ko sinampal?!” sigaw ni Devoene at sa mga oras na ito, punung-puno na siya kung kaya ay agad siyang nagpumiglas upang makawala sa pagkatali, doon lamang niya napagtanto na nakatali pla siya sa isang punung kahoy ngunit wala naman siyang maalala kung bakit siya nakatali. “Tontong Mortal! Bwisit, itinali ako sa isang kahoy!!” galit nitong giit, kasalukuyan niyang minumura ang binatang si Euzeine na hanggang ngayon ay hindi pa nakabalik.
Sinampal siya ulit ng dalagang bampira.
“Bakit?!”
“Inayos ko lang ang pangit mong mukha, nagbabasakaling maaayos ko ang kaabnormalan mo gamit ang sampal ko.” Pangisi-ngisi nitong giit kaya nama’y hindi makapaniwalang napa-awang ang labi ni Devoene. Hindi siya makapaniwala sa isinaad ng kapatid, lalong-lalo na’t kambal silang dalawa.
“Hoy! Babae, kambal tayo ha? Anong pangit?” nanlilisik ang kulay pulang mata ni Deveone habang nakatitig sa kapatid niyang babae. “Saka mas matanda ako sa’yo ng isang oras! Mag-kuya ka sa akin!” patuloy pa niya kaya nama’y napangiwi na ang dalagang bampira at sinampal siya ulit.
“Ayoko, mukha kang ungo.” Malditang giit ni Aveone kaya nama’y inis na nagpumiglas si Devoene.
“Hoy.Lobo! Nasaan ba iyong tonto mong mortal na Kapitan?!! Tanggalin mo nga tong tali sa akin, nang masipa ko ‘tong babae sa harapan ko!” giit ni Devoene. Sabay sulyap sa kaniyang kambal na sobrang sama alab tingin sa kaniya, napalingon rin ito sa likuran kung saan kasalukuyang naka-pwesto ang binatang lobo na sa tingin ng dalagang bampira ay natutulog dahil nakatakip ang braso nito sa sariling mukha.
“Hoy lobo, inuutusan ka ng iyong prinsipe!!” tinawag muli ni Devoene alabo atensyon ng binatang lobo, at mas malakas ang boses niya keysa na nauna. Inis na napabangon mula sa pagkahiga ang binatang si Octavus, kasalukuyan siyang alabo lalo na’t kakagising lamang niya. Papikit-pikit ang mata nito habang may kinapang kung ano sa lupa at basta-basta lang ‘yun itinapon sa direksyon ng binatang bampira, hindi niya alam na andoon rin pala ang prinsesa ng mga bampira kung kaya ito ang natamaan sa itinapon niyang putik. Dahilan ng pag-awang ng labi nito.
“Sanzio! Pakawalan mo ko dito!” sigaw ulit ni Devoene, kaya nama’y galit na napalingon si Aveone sa kaniyang kambal, kitang-kita tuloy ng alabo ang putik na nakadikit sa mukha ng dalaga. Tuluyan nang umangat ang labi ng binatang bampira at kumurba roon ang isang nakakalokong ngisi, habang nakatitig sa kapatid niyang sobrang sama na rin ng tingin sa kaniya.
“HAHAHAHAHA, mukha kang alipin!!!” natatawang giit nito kaya nagsalubong na ang kilay ni Aveone at mas lalong sumiklab ang inis at irita sa kaniyang puso, kaagad niyang hinanda ang kaniyang kamay sa ere upang iparamdam sa kapatid ang kaniyang pinakamatinding sampal.
Unti-unting humupa ang tawa ng binatang bampira nang makita ang kamay ng kambal na nasa ere, parang bumagal ang oras at padahan-dahan iyong bumaba papunta sa direksyon ng kaniyang pisngi, napasinghap ang binatang bampira nang mapagtanto kung ano ang sampal na iyon. Tiyak na masisira ang kaniyang mukha kung alabo iyon sa kaniya.
Agad niyang iginalaw-galaw ang kaniyang katawan upang makawala, muli niyang itinawag ang atensyon ng binatang lobo na ngayo’y nakaupo ngunit nakapikit ang mga mata, hindi niya kasi alam na nagpupuyat ito kada gabi sa pagbabantay sa kaniya dahil sinumpong siya noong nakaraang araw. “HOY, LOBO! LECHE GISING, PAKAWALAN MO KO DITO!!!” pagka-lakas lakas ng sigaw niya kung kaya ay inis na ibinuka ng binatang lobo ang kaniyang mata, medyo alabo ang kaniyang paningin dahil kakagising lang niya ulit, muli ay may kinapa siya sa lupa at nang maramdamang may nahawakan na siya, basta-basta lang niya yun tinapon sa direksyon ng binatang bampira pero hindi ito natamaan lalo na’t nakaharang ang dalagang bampira sa harapan nito. Saktong tumama sa ulo ng dalaga ang itinapong hugis bolang putik na itinapon ni Octavus, may kabigatan pa iyon kung kaya ay ramdam na ramdam ni Aveone ang taguktok roon.
“Manahimik ka Devoenyo! Sinumpong ka na naman eh!!” garalgal ang boses ng binatang lobo at napakamot pa sa sariling ulo, hihiga sana siya ulit upang matulog nang makaramdam siya ng mahapding sensasyon sa kaniyang pisngi tuluyan na siyang nagising dahil roon at inis na tinignan ang taong nanampal sa kaniya, tumambad sa kaniya ang mukha ng prinsesa sa kanilang kaharian at ang pinaka-epik roon ay ang putik na nasa mukha nito.
“Bakit may putik diyan sa mukha mo, nabaliw ka na ba at inakala mong tubig ang lupa kaya nag-dive ka?” malamig at maang-maangan niyang tanong sa dalagang bampira sa kaniyang harapan, kung kaya ay sinampal siya ulit nito. "Inutil." maikling giit nito at sinipa pa ang kaniyang paa kaya hindi na niya mapigilan mapangiwi. Samantalalang si Devoene naman ay nakatali pa rin sa isang punung-kahoy, iginalaw niya ang kaniyang mga kamay at ipinatubo roon ang matatalim at mahahaba niyang kuko upang siya'y makawala, ngunit hindi yun epektibo lalo na na't nakatali rin ang kamay niya pareho para bang alam na alam ng taong tumali sa kaniya ang tamang paraan ng pagtali ng bampirang kagaya niya.
"Tontong lobo! Pakawalan mo ako!!"
"Inutil na lobo!!"
"Tangang prinsesa!" sabay na sabay na sigawan ng tatlo, kung kaya ay doon na nagising ang kanina pang tulala na si Ursaillune, dahan-dahan siyang napasinghap at kaagad na itinuro ang binatang lobo at binatang bampira.
"Kayong dalawa yung nambulabog sa Kagubatan ni Makiling!!" biglang sigaw ni Ursaillune kaya agad na natigilan angg tatlo sa pag-sigawan at nilingon ang babaeng nakasuot ng kulay puti at asul na bestida. "Sigurado akong kayong dalawa yun, kayo ang dahilan kung bakit nabulabog ang mga naninirahan roon at nagalit si Makiling!!" patuloy pa nito kung kaya ay napakurap na ng ilang beses si Octavus, hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil sa pamilyar na mukha ng dalagang babaylan, ganoon rin si Devoene na hindi halos makapaniwala sa kaniyang nakita. Nilingon nito ang kambal niya na unti-unting napinturahan ng dismaya at galit ang mukha.
"Bakit ka ba nandito, babaylan?!" pasigaw na tanong ni Aveone kaya nama'y nilingon siya ng dalagang babaylan at nginitian pa siya. "Sinundan kita." halos masuka na si Aveone nang marinig ang sinabi ng dalaga sa kaniya.
"Ang pangit ng pagmumukha mo, ayaw ko sayo." maldita niyang giit kaya nama'y napa-awang ang labi ng dalagang si Ursaillune. Alam naman niyang kakaiba ang taglay na kagandahan ng kasama niya, ngunit grabe naman yung sinabi ng dalagang bampira.
"Grabe ka, ang harsh mo!" nakasimangot na giit ni Ursaillune kung kaya ay doon lamang nagising sina Deveone at Octavus na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa presensya ng babaylan sa kanilang harapan, parehong-pareho kasi ito sa presensya ng isang mahalagang tao para sa kanilang tatlo ng dalagang bampira.
"Kilala mo ba kami?" sabay-sabay na tanong dalawang binata, napairap na lamang si Aveone at pinagmasdana ang sariling mga kuko. "Oo.. kilala ko kayo." naka-ngusong giit ni Ursaillune kaya saglit na nagkatinginan ang dalagang bampira, ang kaniyang kambal at lobo sa isa't-isa. Puro pag-asa ang nakapintura sa kanilang mukha ngunit kabiguan naman ang nakapaskil sa mukha ng dalagang bampira, mukhang alam na niya ang sagot ng dalagang babaylan.
"Oo, kilala ko kayo. Gaya ng sinabi ko kanina, kayo yung nambulabog sa tahanan ni Makiling diba? Sigurado akong mga boses niyo yun ang narinig ko! Alam niyo bang nagambala ang mga nanirahan doon dahil sa sigawan niyong tatlo-----" kaagad na natigilan si Ursaillune nang makitang dalwang lalaki lamang ang nasa kaniyang harapan, sigurado siyang tatlong boses ang naririnig niya sa araw na iyon at hindi niya yun makakalimutan lalo na't dahil doon ay nawala ang tagapangalaga at taga-bantay ng Bundok Makiling.
Kaagad na rumehistro ang pagkabigo at lungkot sa mukha ng dalawang binata, akala pa naman nila'y kilala talaga sila ng dalagang babaylan ngunit wala lang iyon sa dalagang bampira, alam niyang ganoon ang isasagot ng dalaga kung kaya ay hindi na siya umasa pa.
"Teka! Tatlo kayo noong araw iyon ah, sigurado akong tatlo kayo!" pagpupumilit ng dalagang si Ursaillune, at iwinasiwas pa ang kamay niya sa ere. "Nasaan yung i--" naputol ang pangungusap ng dalagang babaylan nang maramdaman ang mabigat na bagay sa kaniyang balikat na tila ba'y may naka-akbay roon.
"HINAHANAP mo ba ang poging magnanakaw, Saillune?" naka-ngising giit ni Euzeine matapos marinig ang tanong ng dalagang si Ursaillune. Kaagad naman siyang siniko ng dalaga, at saktong tumama ito sa kaniyang tiyan dahilan upang mapabitaw siya sa pagka-akbay rito.
"Ogag ka talaga, Zie! Bakit mo ginawa yun?!" hinampas ng dalaga ang balikat ng binatang magnanakaw na ngayo'y nakataas na ang kamay sa ere bilang pagdedepensa sa sarili. "Nag-rerecruit kasi ako ng ka-trop--aray! aray!" putol-putol na giit ni Euzeine habang patuloy naman siyang hinahampas ng dalagang babaylan.
"Ogag ka! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?!" gigil na giit ni Ursaillune kaya nama'y walang nagawa si Euzeine kundi ang sumuko. "Oo na, oo na pastilan! Ang bigat talaga ng kamay mo, pasalamat ka at magkaibigan tayo." nahimigan ng pagtatampo ang boses ng binatang si Euzeine kaya nama'y pinandilatan siya ng mata ng dalaga.
"Oo, alam ko ang ginawa ko! Kaya sali na kayo sa Tropa ko."