⚓Troop Episode 20

2512 Words

“Ayos lang ba si Avery, Shi?” nag-aalalang tanong ng dalagang si Ursaillune, ilang araw na rin kasi ang nagdaan at palaging wala sa sarili ang dalagang bampira. “Magiging ayos lang siya Saillune, ‘wag kang mag-alala.” Kampanteng wika ni Hasina, ngunit sa loob niya’y lubos rin siyang nag-alala sa dalaga. Pinagmasdan na lamang nila ang paglipad nito palayo, hanggang sa unti-unting bumagal ang pagaspas ng pakpak nito at “AVERY!!” natarantang sigaw nina Ursaillune at Hasina matapos nakita ang pagbulasok paibaba ng dalagang bampira. Hindi na napigilan ng dalagang babaylan ang mag-alala para sa kaibigan lalo na’t ilang araw na itong wala sa sarili, mabuti na lang at nasalo ito agad ng binatang bampira na kanina pa pala nakamasid at nakasunod sa kambal na babae. Nababakasan ng pag-alala ang mu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD