⚓Troop Episode 04

2209 Words
                                          “HOY, hanggang kailan ba tayo magpaikot-ikot dito ha?” sa loob ng ika-isang daan at dalawampu na oras, iyon ang ika-isang daan at dalawang beses na nagtanong ang binatang bampira kay Euzeine. Napailing na lamang si Octavus, nanatili siyang tahimik habang nakasunod sa dalawang binata na hindi halos matigil sa paghampas sa isa't-isa. Limang  araw na ang nagdaan mula noong sumali siya sa Kultong ito at higit dalawang linggo na rin ang nagdaan mula noong nagkakilala ang binatang si Euzeine at Devoene, iyon nga lang sa ilang araw na pagsama ni Octavus hindi matapos ang araw kung walang pagbabangayan na magaganap sa dalawa, hindi ata matutulog si Apolaki hangga't hindi makikita ang sigawan at batukan na nagaganap tuwing nagkakasama si Euzeine at Devoene. Napapailing na lang si Octavus tuwing naalala kung gaano kaisip-bata ang binatang tinuturing ang sarili na kapitan, matik ba namang matutuwa na ito sa maliit na bato at butones na makikita sa daanan at hanggang ngayon ay namumulot pa rin ito ng mga bato at butones, at kitang-kita niya kung paano ito nilagay ng binata sa loob ng kaniyang maliit na pitaka, malapit ng mapuno iyon at sa tingin niya'y kasingbigat iyon ng isang malaking bato kung itatapon iyon ng kapitan sa isang tao tiyak na'y makatulog ito ng buong araw. "Nagtatanong ako, tontong mortal!" hinampas ng binatang bampira ang katabing si Euzeine at muntik pa itong mabangga sa isang punung-kahoy dahil sa lakas ng pagkatulak niya mabuti na lang at agad na nakabalanse ang binata at nagpatuloy ito sa paglalakad na hindi man lang pinansin ang binatang  bampira, nais niya itong saksakin ng espada ngunit hindi niya alam kung bakit hindi niya iyon magawa, para bang hindi umaayon ang kaniyang katawan sa sinasabi ng kaniyang utak, ilang araw na rin niyang tinukso ang kaniyang sarili na kunin ang kaniyang espada upang gilitan ang leeg ng binata ngunit siya ay nabigo, hindi niya aakalaing magrerebelde ang sariling niyang kamay at katawan sa kaniya kung kaya  ay ganoon na lang ang frustrasyon niya nang mapagtanto na hindi sumasagot ang binatang si Euzeine, agad siyang tumabi rito at muli itong tinulak mas malakas keysa nauna. "Sagutin mo ang prinsipe ng bampira, tontong mortal!"   “Manahimik ka nga bampira! May sinusundan tayo! Kanina ka pa nagrereklamo ah!” pabulong ngunit may diing giit ni Euzeine at itinulak pabalik ang binatang bampira ngunit sa kahit anong pagsisikap na ginawa niya hindi man lang ito natinag, na para bang isang malaking punung-kahoy na nakabaon sa lupa ang kaniyang tinutulak. Napangisi pa ang binatang bampira at mapanuksong tinignan ang binatang magnanakaw "Hinding-hindi ako matutulak ng isang tontong mortal kagaya mo!" saad nito at binuntutan iyon ng halakhak. Napasimangot si Euzeine ipinagcross niya ang kaniyang braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib at muling nagsalita. "Devoenyo ka! Hindi ko sasabihin sa'yo kung saan tayo pupunta!" inismiran niya ang binatang bampira at tinalikuran ito, para siyang jowang nagseselos sa kaniyang inaasta kaya hindi mapigilan ni Devoene ang mapanganga sa sobrang pandidiri. "Tontong mortal, kung makaasta parang babae!" giit nito at binatukan ang binatang magnanakaw, agad namang tumakbo palayo si Euzeine kung kaya ay hinabol siya ng binatang bampira. Hindi na natigilan ni Octavus ang mapailing, nakailang iling ba sa siya sa loob ng apat na araw? Kasalukuyan kasi silang naglilibot sa kagubatan ng Taraya, ang pangatlong bundok na pumapalibot sa buong Kaharian ng Edwarden. Bukod roon ay may sinusundan rin sila na walang ibang nakakaalam kundi ang binatang magnanakaw lang. "Otso oh! Inaaway ako ng devoenyo!" naka-ngusong giit ni Euzeine sa kaniya, para itong batang nagsusumbong sa kaniyang magulang. Hindi mapigilan ni Octavus ang mapangiwi. “Tonto! Tatlong araw na tayong naglalakad sa gitna ng kagubatang ito! Ano bang sinusundan natin ha? Isang ligaw na kaluluwa?!" lumabas ang frustrasyon ng binatang bampira at naglagsikan pa ang laway nito, sumigaw rin pabalik ang binatang si Euzeine kaya nagmukhang palaman sa dalawang piraso ng tinapay ang binatang lobo na si Octavus. "'Wag niyo nga akong isali sa kabobohan niyo!" sasabihin sana ni Octavus ang linyang iyan ngunit nanatili siyang tahimik nang makita ang nangingislap na mata ng binatang bampira, mukhang handa na ito na sugurin silang dalawa ni Euzeine na hanggang ngayon ay nakakapit pa rin sa kaniyang braso.   "Kapitan, hayaan mo na lang." mahinang bulong ni Octavus kaya napaismid si Euzeine at lumundag sa malalaking sanga ng punong mangga at doon nagpatuloy sa paglalakad, palundag-lundag sa bawat sanga at tuluyan nang inignora ang tanong ng binatang bampira, hindi halos magalaw ni Devoene ang kaniyang panga dahil sobrang laki ng nganga nito. Hindi siya makapaniwala na kaya siyang ignorahin ng isang tontong mortal samantalang ang iba sa mga kalahi nito ay nagkakandarapa sa kaniya.   “Ang ingay mo kasi, narindi tuloy ang Kapitan.” Sabi ni Octavus sa kaniyang utak at tuluyan nang lumabas ang mahinang hagikhik sa kaniyang labi, hindi niya mapigilan ang matawa nang makita ang magkasalubong na kilay at inis sa mukha ng Prinsipe ng Kadiliman. “Anong tinatawa mo diyan? Tonto!” giit nito kaya tuluyan nang kinagat ng binatang lobo ang kaniyang dila upang mapigilan niya ang kaniyang sarili. Nagpatuloy sila sa pagsunod kay Euzeine na nakalayo na sa kanila, mabuti na lang at malakas ang kaniyang pang-amoy kung kaya ay madali niyang natunton ang kinaroroonan ng binata. Nakasunod naman sa kaniyang likuran ang binatang si Devoene na kanina este kahapon pa nagrereklamo. Napailing na lamang si Octavus, hindi niya inaasahang mahihila ng isang binatang magnanakaw ang prinsipe ng kadiliman, usap-usapan kasi sa kanilang kaharian ang pagiging malupit nito sa mga mortal na naninilbihan sa kanilang palasyo ngunit parang hindi ata iyon totoo dahil para itong aso na nakasunod sa binatang nauna sa kanila.   “Hindi ako makapaniwalang sumusunod ako sa mortal na ‘yun.” Hindi makapaniwalang giit nito kaya sandaling natigilan si Octavus, maski siya ay hindi mawari kung bakit siya sumusunod sa isang binata na walang kapangyarihan. Isa lamang itong mortal at ang mas malala pa’y isa itong criminal, isang magnanakaw at malayong-malayo sa estadong kinagisnan nila ng binatang bampira, pareho kasi silang nabilang sa royalidad. Napabuntong-hininga si Octavus nang maalala ang nang-yari noong nakaraang tatlong araw.  Pumunta sila sa isang nayon, ayaw sana niyang sumama kaso nagpumilit ang binatang si Euzeine kaya nama’y wala na siyang nagawa at sumunod na lang, lalong-lalo na si Devoene na puro panglalait ang ginawa sa paligid. “Ano ‘yan? Bakit walang damit pang-itaas ang mga babae?” giit nito’y tinuro pa ang mga babaeng may mahahabang buhok  na siyang tumatakip sa mga dibdib nito. Tanging mahahabang palda na tinatawag na malong ang siyang suot ng mga kababaihan, at may dalang basket pa ang mga ito. “Nahiya pa ang mga inutil, tinakpan pa ang ibaba nila makikita rin naman ang pwet nila sa likuran.” Sunod naming lait ni Devoene matapos makita ang mga kalalakihang bahag na kulay pula lamang ang suot, may dalang sibat ang mga ito at sobrang sama na ng tingin sa kanilang tatlo. Tuluyan nang dumapo ang kaba sa dibdib ni Octavus, kanina pa niya napansin ang matatalim na mata ng mga taga-nayon para bang anu mang oras ay aatekehin sila nito.   “Ang babaho.” Sa isang iglap ay nagsiliparan ang mga itlog at kamatis dala ng mga babaeng nakita nila kanina lang, isa-isa iyong natapon sa lupa at ang iba pa ay tumama sa kanila. Alam ni Octavus ang ibig iparating ng mga tao roon, hindi ikinatuwa ng mga taga-nayon ang kanilang pagdating ngunit baliktad ata yun sa diksyunaryo ng kanilang Kapitan, matik ba namang hambog itong naglalakad at pasipol-sipol pa habang tinataponan ng mga kamatis at itlog, dagdag pa ang pag-kaway nito  sa mga babaeng nakikita sa daan habang sumisigaw ng  “Pastilan, itong mga fans ko talaga! Don’t worry, next time pa ako mag-nakaw sa inyo! Ready your best products!” hindi halos makapaniwala si Octavus sa kaniyang narinig, si Devoene kasi ay andoon na sa ibabaw ng bahay at doon naglakad sa yero, hindi man lang ito nabakasan ng itlog at kamatis dahil kaagad itong lumundag sa yero nang makita ang nagsiliparang itlog at kamatis kanina lang. Hindi gaya sa kanila ng Kapitan na naliligo sa lagkit.   Akala niya’y itlog at kamatis lang ang sasalubong sa kanila, ngunit may mas malala pa pala roon matik ba naming hahabulin sila ng mga taga-tribong lalaki at mga maharlika na may hawak na malalaking espada, pinapaulanan pa sila ng palaso habang sumisigaw ang mga ito.   “Tigil kawatan! Tigil!”   "Tigil bata! Tigil!   Natigilan si Octavus sa kaniyang narinig pero hindi tumitigil ang kaniyag biyas at mas lalong bumilis ang kaniyang takbo, wala sa sariling napahawak siya sa katawan baka sakaling may nadala siyang bagay na hindi naman sa kaniya. Alam niya sa sarili niya na wala siyang kasalanan kaya bakit siya titigil? Saka sinong kawatan? Syempre hindi siya, hindi rin ang binatang bampira kundi ang binatang si Euzeine, doon lamang niya nalaman na isa pala itong tanyag na magnanakaw. Hinihingal silang tumakbo palabas ng nayon na iyon, hindi tumitigil ang mga tao sa pagbato sa kanila ng sari-saring bagay, mabuti na lang at nakapagtago agad sila sa kagubatang pagmamay-ari ng Diwatang si Maria Sinukuan.   Nang dahil sa kaniyang pagmumuni, hindi namalayan ni Octavus ang kaniyang nilalakaran kung kaya ay aksidente niyang natapakan  ang isang  malaking ugat ng punung-kahoy at tuluyan na siyang nawalan ng balanse, hinihintay na lang niya ang malakas na hagalpak niya sa lupa ngunit laking gulat na lang niya nang maramdaman ang dalawang pares ng kamay na nakapatong sa kaniyang balikat  at tuluyan nang na-kansela ang pag-iisang dibdib niya sa lupa.   “May problema ka Otso?” kaagad na tumingala ang binatang lobo at doon tumambad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ni Euzeine, tuluyan na siyang nakabalik sa ulirat at ilang beses na napakurap nang makitang nakatayo na sa isang malaking sanga ang binatang bampira na si Devoene. Kasalukuyan itong nakahawak sa paa ng binatang sumagip sa kaniya. “Tontong mortal! Ang bigat mo!!” sigaw ni Devoene na nakahawak pa rin sa paa ni Euzeine, doon lamang nagising si Octavus at muling naalala ang tanong ni Euzeine. “Wala po akong problema, Kapitan.” Giit niya dahilan upang ngumiti ang binatang magnanakaw, ngunit agad ring napawi iyon nang tumingala ito sa malayo, unti-unting rumehistro ang kaba sa dibdib ni Octavus. Andito na naman ang pakiramdam na nakakapanindig balahibo, parehong-pareho ito sa naramdaman niya noong una niyang nakilala ang binatang si Euzeine.   “Deveonyo.” Giit nito kaya tuluyan nang napakurap si Octavus, nawala ang kaba sa kaniyang dibdib at pigil-ngising tiningala si Devoene na ngayo’y umuusok na ang ilong sa sobrang inis. At base sa kaniyang mukha nais niyang bitawan ang hawak niyang mga paa para tuluyan  nang malaglag sa lupa ang binatang kinasusuklaman niya.   “Devoene. De-vaw”   “Hilahin mo nga kami paitaas.” Diretsong giit nito at hindi man lang pinatuloy ang binatang bampira, nagulat si Octavus sa narinig hindi niya aakalaing may binatang kaya barahin ang Prinsipe ng Bampira. Kaagad niyang inabot ang kamay ni Euzeine at ganoon rin ito sa kaniya, mahigpit itong nakahawak sa kaniya habang naka-ngiti ito ng malawak.   “Hilahin mo na kami, Devoenyo!”   “Inuutusan mo ba ako, tontong mortal? Sino ka ba sa inaakala mo ha?!  Isa ka lang magnanakaw ah! Isang criminal! Samantalang ako isang Prinsipe! Prinsipe ng mga Bampira, may dugong bughaw ako! Ang kapal ng mukha mong tawagin ang sarili mo na Kapitan, sino bang namatay at  ang lakas ng apog mong utusan ako ng ganito!!” pasigaw na giit ni Devoene ngunit habang sumisigaw siya, kasalukuyan naman niyang hinihila ang binatang si Euzeine paitaas nang dahan-dahan na para bang isa itong espesyal na tao. Nang makarating sila sa sanga, mahinang tinapik ni Euzeine ang ulo ni Devoene na para bang isa itong bata na ‘huwaran at dapat tularan’, tumingkayad pa ito para maabot ang ulo ng binata. “Good vampire, maraming salamat at hindi mo kami inilaglag.” Nangislap ang mga mata nito kaya tuluyan nang natigilan ang binatang si Devoene, hindi niya halos maigalaw ang kaniyang katawan para bang nahipnotismo siya ulit ng Kapitan, ngunit hindi siya magpapadala! Mas malakas ang will ng kaniyang utak kaya nama’y agad niyang winakli ang kamay ng binatang magnanakaw at inismiran ito. “’Wag mo ‘kong hawakan! Siraulong mortal!” sigaw ulit nito ngunit nagkibit-balikat lamang si Euzeine at napatingin sa malayo, gamit ang hawak niyang binoculars na ninakaw niya lamang, tuluyan na niyang nasilayan ang nilalang na tatlong araw na nilang sinusundan. “Ano ba ang tinitignan mo riyan, Kapitan?” narinig ni Euzeine ang boses ni Octavus, ibinaba na niya ang hawak niyang binoculars at saka itinuro ang direksyong hilagang-silangan. “Multo.” Biglang giit ni Devoene na ngayo’y nakaupo na sa sanga, nakasandal ang buong katawan nito sa punung-kahoy. Habang nakatakip sa kaniyang mukha ang suot niyang malaking sombrero at doon siya natulog. Napangiwi naman si Octavus at muling ibinalik ang tingin sa binatang kanina pa rin nakatingin sa malayo, hawak ang binoculars na ipinahiram sa kaniya ng Kapitan. Tuluyan nang dumapo ang kaba sa kaniyang dibdib na dahilan ng kaniyang pag-singhap nang makita ang nilalang na tinutukoy ng binatang magnanakaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD