Chapter 5

3424 Words
Patricia’s Point of View Sana kainin na lang ako ng lupa. Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sana. Tulala pa rin ako sa isang sulok dito sa aking kwarto. I know it already happened at wala naman na akong magagawa. Hindi ko lang talaga matanggap na dahil lang sa isang prank ay mangyayari ang lahat ng iyon. I have to commend Vaughn and Lance for being so courteous. Nang makita nilang nakahandusay na ako sa sahig ay hindi na sila nag-atubiling tulungan ako. Kumuha agad si Vaughn ng pantakip sa katawan ko samantalang tinulungan naman ako ni Lance na tumayo. Tulala lang ako the whole time, inupo muna nila ako sa kama at sinabihan na magbihis bago kami pumunta sa hospital dahil nag-aalala silang baka napano na ako. But going the hospital is too much, besides, wala naman masakit sa akin. Kaya lang ako hindi makakibo ay dahil sa shock sa mga pangyayari. Idagdag pa sa mga problema ko itong buhok kong nagmukhang bulbol. I can’t really find the appropriate term para i-describe iyon, maliban sa mukha nga iyong buhok sa ibaba. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Lintik lang ang walang ganti. Humanda sa akin sila Blake at Drew, hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko sila nagagantihan. Pero bago yon, kailangan ko munang ayusin ang buhok ko. “Happy are you done?” tanong ni Lance mula sa pinto. “Opo sir, lalabas na ako,” sagot ko. The hardest part of this ay kung papaano ko haharapin sina Vaughn at Lance after everything? Damn. Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan. Nakabihis na din si Lance, he’s wearing a simple white t-shirt topped with brown unrestrictive jacket, maong jeans and white sneakers. Hinayaan niya lang nakalugay ang kanyang mahabang buhok at saka nag-bonnet. Simpleng pananamit pero ang lakas ng dating sa kanya. A walking male model. Nahiya naman ako na naka-Sunday dress lamang at simpleng doll shoes, nilagyan ko na lang ng bandana ang aking buhok para hindi makita, pero mababakas pa rin ang pagka-afro. Nai-imagine ko tuloy ang sarili ko na mukhang microphone. “You ready?” tanong niya. Tumango naman ako. Pagbaba namin ay naabutan namin sila Drew at Blake na natatawa pa. May araw din kayo sa akin! “Stop it guys, it’s not funny,” sigaw sa kanila ni Pierce at saka binato sila ng throw pillow. “Okay ka lang ba Happy?” baling sa akin ni Pierce na hindi na nakapaghintay na makarating kami sa kinaroroonan niya at sinalubong na kami. “Okay lang ako sir Pierce,” nginitian ko siya para na rin mabigyan siya ng assurance dahil mukhang nag-aalala talaga siya. “Take care of her, man.” Sabi ni Pierce saka tinapik ang braso ni Lance, tumango lang si Lance bilang pagsagot. Paglabas naming sa dorm ay may naka-parada nang itim na Ford Ranger Raptor sa harapan, kanino ito? Napagtanto ko na lang na kay Lance iyon ng pagbuksan niya ako ng pinto. “May kotse ka pala?” wala sa sarili kong tanong habang nagsi-seatbelt. Of course, I know all the informations about them, I just had to start a conversation para hindi awkward ang byahe. Bahagyang napakunot naman ang kanyang kilay, “Of course I have, we all do.” Sagot niya. “Hindi lang nagagamit because we use the van most of the time and wala naman kaming pinupuntahan, of course Drew is an exemption cause he’s always out dating women.” Patuloy niya sa pagpapaliwanag habang nagmamaneho, papunta kami ngayon sa hospital. “Nasaan ho pala si sir Vaughn?” tanong ko. Nagkibit-balikat lamang siya, “out, heard he’s scheduled to do a brand commercial today.” Hindi na ako muling nagsalita pagkatapos noon dahil wala naman mapag-uusapan. Ganun din naman siya, totoo nga ang sabi ni Pierce na kayang tumagal ni Lance ng hindi nagsasalita maghapon. Feel ko kaya niya. Dumiretso agad kami sa emergency room ng makarating kami sa hospital, ineksamin naman ako ng doctor na naka-duty at pinakuha ako ng kung anu-ano pang tests including xray, ayon na din sa request ni Lance ay dapat masiguradong okay ako. “Sabi ko kasi sa iyo sir eh, okay lang ako,” sabi ko ng makumpirma na wala naman naging damage sa katawan ko mula sa pagkaka-baldag sa sahig. “Good, now we just have to fix your hair,” aniya at saka pina-andar ang sasakyan. Nawala na sa isip ko ang kalagayan ng buhok ko. Oo nga pala, hays. “Madam, pasensya na, pero kailangan pa natin maghintay ng 3 to 4 weeks bago natin i-treatment ang buhok mo. Sayang kasi madam, baka masira lalo. I-aayos na lang namin madam para gumanda,” paumanhin ng attendant sa akin. I calmed myself bago tumango sa kanya. Kasalanan itong lahat nila Drew at Blake. Now I’m stuck with this kinky hair. Mabuti na lamang at maganda ang kinalabasan ng pagsasa-ayos nila ng aking buhok, now I feel more relieved. “Sir tara na?” aya ko kay Lance ng matapos ang pag-aayos sa akin. Tumayo naman si Lance at binigay sa attendant ang black card niya. Rich things, maybe I should demand some more since wala naman limit ang credit card niya. Pagdating namin sa sasakyan ay nagulat na lang ako ng makitang may mga food pack sa likod. What’s that for? “Is it okay with you to accompany me to the shelter?” tanong niya. “Oo naman sir,” sagot ko naman at nginitian siya. “Thank you. It was a home for the children with cancer.” Pagpapaliwanag niya. Para hindi maging boring ang byahe ay nagtanong-tanong na lang ako tungkol sa buhay niya at ng mga kabanda niya. At marami naman akong na-discover though most of his answers ay alam ko na talaga. “Si Blake lang talaga ang lumaki dito sa Maynila while Drew grew up in the province. Kami nila Vaughn and Pierce, we grew up abroad. Wait, actually Vaughn lived here in the Philippines for a while before he migrated to Paris.” Aniya. Wait, parang hindi ko nabasa na dati palang tumira si Vaughn here in the Philippines, I always knew he was raised in Paris. “How about you? Manager said it was your first time here in Manila?” tanong niya. Natigilan ako saglit bago sumagot, I need to be careful sa mga sasabihin ko. “Ah oho sir, laki ako sa probinsya. Mahirap lang kasi kami, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya nag-katulong na lang ho ako. May tiyahin akong nagtatrabaho din dito sa Maynila, siya po ang nag-recommend sa akin sa ahensya,” malumanay kong pagku-kwento. Tumango naman siya, iniintindi ang kalagayan ko. Damn, ang galing kong gumawa ng kwento. I am proud of myself. “You should finish your study. Do you want to study?" tanong niya na siyang pinagtataka ko. "Ahh, syempre naman po pero saka na-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya agad. "I’ll pay for your tuition, allowance, food, and everything, just tell me kung saan ka mag-eenroll.” Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagkaroon pa tuloy ako ng asukal de papa o sponsor. Winagayway ko naman ang kamay ko bilang pagtanggi, “naku wag na sir, at saka may naipon naman ho ako at babalik din ako sa pag-aaral,” bahagya naman siyang tumango, buti na lang at madali siyang kausap. Binalik ko naman sa kanya ang tanong kung natapos na din ba nya ang pag-aaral niya. Though, alam ko naman na. “Yeah, I did finish my studies. I’m a licensed civil engineer before I got into the band Happy, my family has an engineering and construction firm,” he proudly said. Sa kanya ko na rin nalaman na si Pierce ay nakapagtapos sa Julliars at sa abroad siya lumaki dahil na rin sa kasikatan ng nanay niyang artista dito sa pinas ay kinailangan nilang malayo sa buhay showbiz para magkaroon ng peaceful na buhay. Si Drew naman ay nakapagtapos ng maritime course at 5 silang magkakapatid at lahat sila ay marine personnel also their dad was a marine captain, while Blake is a finance specialist na nakakuha ng kanyang diploma sa Wharton, he pursued business course dahil na rin iyon ang negosyo nilang pamilya. Vaughn used to be a model and he's also a licensed pilot, they heard that he's big time in France dahil nagkalat ang kanilang negosyo and he owns a lot of poperty at mayroon siyang yatch but Vaughn is quiet about it. Kung hindi pala naging banda ang EVE ay magiging succesful individual pa rin naman sila. "It was Pierce who formed the band, first he recruited Drew when he got into their province and discovered him during fiesta, then me and Blake. I already knew Blake before cause both of our companies have a business together, na-meet namin si Pierce through his mom since na-invite sa party ang mom niya then ayun, we talked about our hobbies at iyon nga ang music at banda. Last na nakuha si Vaughn sa banda. I don't recall kung paano siya nakuha sa banda basta dumating na lang si Pierce na kasama na niya si Vaughn at pinakilalang siya ang magiging vocalist." "Ganoon ba nabuo ang banda niyo? Bakit iba yung kwento na napanood ko sa TV?" nagtatakang tanong ko, kunwari. "That's how showbiz works Happy, palabas lang ang lahat ng mga iyon cause the media loves the drama. Kailangan gawan ng kwento para pumatok sa masa." "Pero magkakaibigan naman na kayo ngayon di'ba?" Nagkibit balikat lamang si Lance, "maybe? I'm okay with them and it's nice to chill out with them, but not enough to say that we're solid friends." sagot niya. Hindi ko na siya tinanong after noon, baka may mahungkat pa akong impormasyon na hindi ko na dapat pang malaman. And also, I prevented myself into knowing them more to avoid any attachments. They are my job, not my friends. I should always remember that. Mainit ang pagtanggap sa amin ng mga tao sa shelter nang makarating kami, napagtanto kong madalas si Lance magpunta rito dahil malapit na siya sa mga bata. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan si Lance na nakikipaglaro sa mga bata, sinusubuan niya pa ang ibang bata na hindi kayang tumayo. The children loves Lance at nakikita ko naman na malapit din sa puso ni Lance sa mga bata. Sa huli ay kinausap namin ang namamahala sa shelter at nagbigay siya ng cheke worth 5 million pesos. Nakakatuwa lang na nagagawa pa din niyang tumulong sa mga nangangailangan despite his busy schedule. At higit sa lahat, ang Lance na nakikita ko ngayon ay ibang iba sa Lance na nakakasama namin sa dorm at nakikita ng tao sa camera. Nakakabilib ang ginagawa niya. He's quite, cold sometimes, distant, a very private person. Pero may soft side din pala siya. Umalis na din kami pagkatapos ng paguusap nila ng namamahala, nagpaalam siya sa mga bata at nangakong babalik. Kita ko ang bakas ng lungkot sa mga mukha ng mga bata. As usual, naging tahimik ang byahe namin pabalik ng dorm. Parang may kasama akong multo, siguro ay dapat na akong masanay sa kanya dahil ganyan lang siguro talaga siya, medyo bipolar o sadyang pinipili niya ang mga taong pakikisamahan niya. Hindi ko namalayan, inaantok na pala ako, so far, wala naman warning na may kapahamakan at mukha namang disente si Lance kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong matulog. "Happy, hey," bahagya akong kinalabit sa siko ni Lance, iginala ko ang aking paningin pagkamulat ng aking mata, nasa dorm na pala kami. "We're here," aniya at saka nagtanggal ng seatbelt niya. Nasa kaligitnaan ako ng pagtatanggal ng seatbelt na biglang bumukas ang pintuan sa side ko na siyang kinagulat ko. "Ay kamote!" hiyaw ko. Tumambad si Vaughn na mukhang galit na galit. His face contorted with rage, I could almost feel his deep breaths. Matalim ang mga tingin niya kay Lance. "Sir, bakit po?" I asked. He slowly looked at me, he is so mad right now na para bang konting pagkakamali lang ay tuluyan na siyang mawawala sa katinuan. "Sir Vaughn?" ulit kong tanong. He looked at me intently as he clenched his jaw then he closed his eyes for a while and took a deep breath. Naging malumanay na ang kanyang awra ng magmulat siya ng kanyang mata. Nakahinga na din ako ng maluwag. Mabuti na lang at kumalma na siya. "To my room," aniya sa akin. "Bakit sir?" tanong ko. "I can't find my-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Ito na naman tayo, alam ko na yan. Neck tie na naman. "Sir nasa ikalawang drawer sa kaliwa, nilagyan ko na iyon ng label". Napa-awang naman ang bibig niya sandali at nagsalita ng makabawi, "I mean, my socks. I can't find them," Bahagyang bumagsak ang balikat ko ng marinig ko iyon, pinapahirapan talaga ako ng lalaking ito? Ano na naman kaya ang maiisipan niyang ipahanap sa susunod. "Sige sir, hahanapin ko po," sagot ko na lamang at akmang bababa na sa sasakyan ng marinig kong nagsalita si Lance. "Can't you find them on your own?" Bumaling muli si Vaughn sa kanya. Sh*t, they're starting again. "No," Vaughn answered while grinning at Lance. Mukhang pino-provoke niya ang isa. This is not good. "Then you're stupid and lazy as f*ck," Lance said. Damn. When did he become so savage? "Thank you for pointing that out, I got to know a new quality about myself." nakangising sagot sa kanya ni Vaughn. Grabe, napaka mapang-asar ng tingin niya kay Lance. Sanay na sanay talagang makipag-away, ako na ang nahihiya sa inaasal niya. "Sir tara na ho ng matapos na, medyo late na kasi magluluto pa ako ng hapunan." singit ko sa dalawa. Kailangan nilang tigilan ang isa't isa. Baka kung saan pa mapunta iyon. Hinawakan ko sa siko si Vaughn at saka hinila, sumunod naman siya kahit na nakatingin pa rin siya kay Lance na nasa sasakyan pa din. Ang kulit din nitong si Vaughn e. Binitawan ko na lamang siya ng makarating sa entrance ng bahay at siya na mismo ang nanguna sa loob. Naabutan ko naman na nasa living area sina Pierce, Blake at Drew. "Yow Happy! Bagay mo naman pala ang maging kulot eh, pareho na tayo!" bati sa akin ni Pierce. "True, our prank is actually a blessing in disguise, right Drew?" sabi naman ni Blake, inirapan ko lamang siya. Pinulot naman ni Vaughn ang isang throw pillow sa sofa at binigwasan si Blake. "Easy man, look, okay naman eh!" sigaw ni Blake habang iniiwasan ang paghataw sa kanya ni Vaughn. "Do it again and you'll see," banta sa kaniya ni Vaughn at saka naglakad paalis. "Anyway, Happy sorry sa nangyari, I just want you to know that... it was all Blake, siya ang may pakana niyan." sabi ni Drew. "Hala! Bakit ako na lang, ikaw nga nagsabi eh," pagmamaktol ni Blake. This time, siya naman ang bumato ng throw pillow kay Drew, napatawa na lamang si Drew. Bahala silang magbatuhan ngayon. "Seriously Happy, we're sorry," Drew said. Tinanggap ko naman ang apology nila, ano pa nga ba ang magagawa ko di'ba? Nakipag-fist bump na lamang ako sa kanila. Tanda na okay na ang lahat sa akin, pagkatapos noon ay nagtungo na ako sa kwarto ni Vaughn, kumatok na lamang ako at pinapasok naman niya ako. Sinimulan ko ng hanapin ang nawawala niyang medyas kuno. Siya naman ay nakaupo sa edge ng kama niya, nakasandal dalawang kamay sa likod sa kama habang nakatingin sa akin. Weird. "Sir ito oh! Lagyan ko na lang kaya ng label lahat sir?" sabi ko sa kaniya at humarap saka tumayo mula sa pagkakaluhod. "No," sagot niya. Siya talaga ang pinaka-suplado sa kanilang lahat. "Hala sir bakit?" tanong ko. May point naman ako, aba nakakapagod din naman mag-akyat baba para lang maghanap ng mga gamit niya which is napakadali lang naman hanapin, kahit siguro bata kayang gawin iyon. "Then I'll have no reason to send you here anymore," "Huh," naguguluhan kong sabi. Hindi ko alam ang pino-point out niya. Bakit naman walang dahilan para pumunta ako dito, eh what if palinisan niya ito or may ipapa-ayos siya. Wait, now I remember. He's a clean freak! The cleanest and neatest member of the band. At higit sa lahat, may arrangement ang lahat ng gamit niya, so imposible ngang makalimutan niya kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Then bakit niya pa ako pinapapunta dito sa kwarto niya para maghanap? I feel stupid on that part. "Can you stay..." salita niyang muli habang nakatitig pa din sa akin. Umayos siya ng upo at saka tinuloy ang sasabihin. Hindi ko maintindihan nag body language niya, kanina lamang ay parang defensive siya, almost ready to attack anyone pero ngayon, he's like letting his guards down. "Can't you stay away from him?" Pagkasabi niyon ni Vaughn ay kumatok ng napakalakas sa pintuan si Pierce, "Happy! We need you! Kuya Drew messed up the food!" sigaw niya. Napabalik ako sa katinuan ng sabihin iyon ni Pierce, nawala sa isip ko ang sinabi ni Vaughn. "Ano nga ho ulit iyon sir Vaughn?" baling ko kay Vaughn. "Nothing. Just go downstairs and fix their mess," sabi niya lamang at saka nauna nang umalis. What happened to him? Back to being cold? Nevermind. Baka tinotoyo lamang siya. Sinunod ko na lamang ang utos niya at naabutan sa kitchen ang nagkakagulo na nga sila doon. Pinatigil ko naman sila at kinuha ang sandok mula kay Drew. Pierce is right, the food is messed up. Ginawa ko na lamang ang lahat ng aking makakaya para maremedyo iyon at ng makuntento ay inihain ko na iyon sa kanila. Laking pasasalamat naman ni Pierce na nagawan ko ng paraan na pasarapin ang ulam. "Oo nga pala Happy, I forgot to tell you na sasama ka pala sa amin bukas sa Pampanga. We'll perform there," wika ni Drew. "Yeah, wala kasi yung P.A namin tomorrow, so we decided na ikaw na lang ang isama. That's fine with you, right Happy?" sabi naman ni Blake na kumikindat-kindat pa sa akin. Ano na naman ba ang balak nila? I have a bad feeling about it. "Opo sir," sagot ko naman. As if I had a choice? "Nice, nice! It'll be fun," ngayon ay nakangiting aso na naman si Blake. I knew it! May iba na naman silang balak, well if that's the case, then go! Hindi ko sila uurungan! "Blake," may halong pagbabanta sa boses ni Vaughn. "Jeez, easy man! I was just bluffing," pagmamaang-maangan ni Blake "or not," aniya saka tumingin sa akin. Naningkit naman ang mata ko sa kanya na kinatuwa niya kaya humagalpak siya sa tawa. Crazy. Pagkatapos ng hapunan ay nagpunta na rin sila sa kani-kanilang mga kwarto para magpahinga, maaga pa ang byahe namin bukas. Ako naman ay nagligpit ng kanilang mga kalat, ang hirap pag panay lalake ang kasama sa bahay, talaga namang disaster. Sinadya pa yata nilang magkalat ng sobra. Napabuntong hininga na lamang ako, Hindi na ako makapag-hintay na matapos itong kontrata ko sa kanila. It feels like prison in here. Nagpapatay na ako ng mga ilaw ng maramdaman kong may nakamasid sa akin, is this the same person who always sneak out to observe on me? Bahala siya dyan, nasa kitchen na ako para patayin ang ilaw, pagkapindot niyon ay tumalikod na ako at pagbaling ko sa likod ay tumambad sa akin si Lance, he's standing right in front of me. I expected it already pero nagkunwari na lamang akong nagulat. "Ay sir Lance, ikaw pala," sambit ko. Mabuti na lamang at nakabukas pa ang ilaw sa living area kaya naaaninag ko pa siya. "I forgot to thank you for accompanying me today," aniya. "Ahh yun ba? Walang anuman po sir, salamat din po sa pagsama sa akin sa hospital at salon," sabi ko naman. Ilang segundo pa ay hindi pa rin siya gumagalaw, akala ko tapos na ang usapan may sasabihin pa kaya siya? "May kailangan pa ho kayo sir?" basag ko sa katahikan. He's acting weird. Nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa magkabila niyang bulsa saka sumagot sa akin. "Nothing," Tumango na lamang ako at tumalikod na rin naman siya ngunit bago pa siya makalayo ay muli siyang humarap sa akin "Thank you again, Patricia" Napa-awang ang labi ko sa huli niyang sinabi, natulala na lamang ako sa kanya habang naglalakad siya papalayo. Realizing that I'm doomed, napahawak ako sa dibdib ko. Sh*t, this can't be. Papaano niyang nalaman ang tunay kong pangalan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD