“You are now arriving at the Manila International Airport...”
Malalim ang hugot ko ng paghinga, nandirito na naman ako sa Maynila. I don’t get the hype over this place. Napaka-polluted ng hangin, ang lala ng traffic, idagdag pa ang napaka-init na panahon, malayong malayo sa napapanood sa mga teleserye na akala mo naman sobrang ganda ng lugar. Halos wala na ngang puno dito, panay building at establishments lang ang makikita. Nevermind, nandito ako para magtrabaho, hindi para magmasid sa tanawin.
Okay na sana ang pagpunta ko dito kung vacation trip ang purpose ko but no, matapos ang sandamakmak na pagpapaliwanag ko kay Manuel na ayaw ko sa misyong ito, awa ng Diyos ay hindi ako pinagbigyan. Tinakot pa ako na isu-suspend niya ako sa trabaho for 6 months kung hindi ko gagawin ang misyong ito. Buti na lang at nakumbinse ko pa siyang dagdagan ang sahod ko. Damn this mission. If it weren't for the money, I would not be here.
Ang misyong protektahan ang isang Filipino boy band by all means. Talking about these sh*theads, seriously, gaano ba kasikat ang boy band na iyon at para kailanganin pa nila ng agent na magbabantay sa kanila?
“Excuse me, Miss. Are you ehem miss Happy Reyes?”
Napabalik ako sa katinuan nang may tumawag sa akin na isang lalaki. Nasa late 30’s na siguro siya base sa kanyang itsura. Ineksamin ko siyang mabuti at mukha namang hindi siya gagawa ng masama. Anyway, ito na yata yung manager noong banda na babantayan ko.
And speaking of my code name, hanggang ngayon ay hindi ako maka get-over sa binigay nilang pangalan. Kung sinuman ang nakapag-isip ng code name na iyon ay humanda siya sa akin sa pagbabalik ko sa agency.
“Yes. I am Happy.”
“Wow! You are beautiful just like Mr. CEO said” his initial reaction when he saw me.
Halos wala din naman pinagkaiba ang itsura ko sa mga ordinaryong tao dito sa siyudad. Mga lalake talaga, bolero, hindi mapagkakatiwalaan ang mga sinasabi. At saka how come alam ni Mr. CEO eh hindi ko pa siya nakikita. Manuel. Siguradong pinagmalaki na naman niya, nai-imagine ko tuloy na sinasabi niyang sa kanya ako nagmana.
“……” hindi ako sumagot sa kanya and I gave him a cold stare. Napalunok naman siya ng makitang blangko ang mukha ko.
“So, what now?” nasabi ko na lang kasi mukhang wala naman siyang balak na magsalita hanggat hindi ako nagsasalita.
“Ah hehe. I’m Jeremy Cortez. The EVE’s manager. I’m gonna take you to the Pyramid building first to meet the CEO of the Pyramid Entertainment. He personally requested to meet you upon arriving para maipaliwanag ang mga bagay-bagay then afterwards we’re going to the EVE’s dorm kung saan ka mag-i-stay,” pagsisimula niya ng usapan. I just wish na hindi ko siya masyadong nasindak dahil mukhang nau-utal pa siya sa pagsasalita at halos hindi makatingin ng diretso sa akin.
Siya na mismo ang kumuha ng mga bagahe ko at itinuro ako kung saan nakapwesto ang van na sasakyan namin. We are on our way to meet the CEO ang may pakana ng lahat ng ito.
I don't really remember ang haba ng byahe dahil pre-occupied ako sa pag-iisip kung paanong hakbang ang gagawin ko, ilang minuto pa at nasa tapat na kami ng isang malaking establishment. Hmm. Not bad, kaya naman pala na-afford nila ang pagkuha sa akin. May sinasabi naman pala ang company nila. Not to mention na napakataas ng rate ko. This case is worth 10 million pesos for your information.
“We are now here at the Pyramid Building,” masiglang sabi nang manager ng EVE na nakalimutan ko na naman ang pangalan.
Naglakad na kami papunta sa CEO’s office. Marami ang mga napapalingon sa pagdaan ko. May mga bulung-bulongan pa akong narinig na baka isa daw ako sa mga bagong trainees dito. I was like, the hell? Wala akong balak maging artista o kung ano pa man! Mga marites nga naman. In-ignore ko na lang sila at naglakad ng diretso ang tingin. Pinagbuksan naman ako ng manager at pinauna akong makapasok sa office.
“I’m glad to finally meet you, hija! I’m Stanley Wong, CEO of Pyramid Entertainment” bati sa akin ng CEO ng masilayan ako at tangkang makikipag-kamay sa akin. Pero dahil pinanganak akong maldita ay mariin ko lang tinignan ang kamay niyang naka-abang.
Tila nakaramdam naman siya na ayaw ko siyang kamayan kaya’t binawi niya rin ito agad. “I’ve heard a lot about you, and I must say I am very impressed!” masaya niyang sabi, at saka inimbitahan akong umupo sa sofa na siya kong sinunod. Tinanaw naman niya ang manager na naka-abang sa gilid at saka tumango, signal na siguro iyon para iwan niya kaming dalawa. Nanatili lang ako sa aking posisyon at hindi natitinag. Sigurado, dahil kami nalang dalawa ang natitira ay masasabi na niya ang tungkol sa misyon ko.
“I know na nagtataka ka kung bakit kailangan ko ng tulong mula sa iyo, kung kaya naman namin ang mag-hire na lang ng kahit ilang security guards. To be honest, those boys, they really need help. Someone is trying to kill them, and they are anonymous, ni hindi nga namin alam kung ilan ang gustong magtangka sa buhay nila. And I can’t let that happen. They are the asset of this company. They need someone to protect them at the same time, someone to teach them a valuable lesson. So, I am really hoping na matulungan mo kami. I already talk to Manuel about this matter, and I am sure that he already discussed it with you. My only wish is that you don’t give up on them. They are very stubborn but with the right direction, mababago mo sila. Best of luck, Agent Patricia Montreal,” seryosong kataga ng CEO. Napaisip tuloy ako. Kailan pa naging ganito kaseryoso ang trabaho ng katulong. Someone to teach them a lesson my ass! Edi kumuha sana sila ng tutor, or teacher, guidance councilor or maybe even a psychologist, whatever!
“To be fair Mr. Wong, I will tell you this honestly, I am new to this kind of job. Ngayon lang ako tumanggap ng ganitong klase ng trabaho, and if it weren't for the huge amount of money that I am going to get from here? Hindi ko talaga gagawin ito. Lalo na ito, ang maging katulong, it’s not my forte. And you want me to teach them life lessons too. Sir, I’m afraid I’m not the best choice to do that, you know my background. I’m an agent and if I have to kill someone, I will do it as fast as a snap of my finger. Yes, I could protect them. But please, giving them a lesson is not part of my job,” mariin ko na bigkas.
Ngumisi naman siya. “Okay then. It is what it is.” Sabi niya at saka tumayo at binigay sa akin ang papel at sign pen.
As usual, naging mahabang briefing lang ang usapan. Nag deal lang kami about sa rules. Binasa ko muna ang laman ng contract. It’s a 1-year contract with them. That's quite a long time. Tatagal kaya ako? Or tatagal kaya sila? Hmm. Let’s see.
Ni-ring niya ang company telephone sa gilid niya para kausapin ang manager na naghihintay sa lounge area ng office niya. “Mr. Cortez, samahan mo na siya papunta sa dorm ng EVE” pumasok naman ang manager ng marinig ang utos.
Hindi na ako nagpaalam pa sa kanya at agad tumayo at saka naglakad na palabas ng kanyang office, may mga pinag-usapan pa sila ng CEO bago siya nakasunod sa akin sa sasakyan na siya namang kinagulat niya.
“Paano ka nakapasok sa kotse?” nagtatakang tanong niya habang nanlalaki ang mga mata. Nagkibit balikat na lang ako at saka tumingin sa bintana.
Kung mahaba ang byahe namin kanina, mas mahaba pa ang naging byahe namin ngayon. At mukhang nasa liblib na lugar pa ang kinaroroonan ng bahay ng mga kulugo ko na mga amo. Yeah, ganoon ka-confidential ang tahanan ng mga amo ko. Amo? Urgh, just the sound of it makes me want to vomit, pero anong magagawa ko? Nandito na ako… as their maid.
Habang dumadaldal ang kasama ko dito sa loob ng van, nakatingin lang ako sa labas. Oo, mukhang hindi na siya takot sa akin ngayon dahil nagkukwento na siya sa akin ngayon tungkol sa mga bata niya. I don’t mind, listening to all his whims. Wala namang kwenta ang mga sinasabi ng katabi ko, in the first place, wala rin akong maintindihan sa mga pinagsasabe niya dahil kanina pa masakit ang ulo ko. Hays. I just want some silence please.
“I’m sure you’re going to enjoy your stay here, there’s so many wonderful places here and----” Pinutol ko na ang mga susunod niya pang sasabihin.
“I beg your pardon, Mr. Manager, but I believe I’m here to work and not to tour around here. And one more thing, let me remind you that you’re a manager, not a tourist guide.” Sabi ko with my famous b***h face look.
Panandalian siyang natahimik at mukhang nagulat sa pagka-rude ko. Oh c'mon, now what? Did I scare him that much? And why the hell am I talking in English? Dapat masanay na ako sa tagalog. Galing ako sa probinsya at ang fake background ko kuno ay nagmula ako sa isang mahirap na pamilya. I really suck at this job. Mabuti na lang at medyo slow ang manager nila kung hindi ay nahuli na talaga ako. Hays! You’re in disguise Patricia! Keep that in mind!
“Ahhhm. I’m really sorry Miss Happy. Ehem… by the way Miss Happy. T-these are the profiles of EVE.” sabay abot sa akin ng folder. Why the hell is he stuttering? Seriously, nanginginig pa ang mga kamay niya sa pag-abot sa akin ng folder. Masyado ko yata siyang nasindak. Sorry, I’ll be gentle from now on.
“Salamat sir. Tawagin mo na lang po akong Happy.”
“O-okay Happy” tumango naman siya sa akin. Mukhang mas okay pang dumadaldal siya. I hate it when people are acting weird around me. Ako lang ang may karapatang maging weird.
Umayos na ako ng upo at sinimulang basahin ang nilalaman ng folder dahil medyo malayo pa naman ang biyahe. I need this information para kahit papaano ay may alam ako sa mga babantayan ko. At dito magsisimula ang pagiging agent ko...
Binuksan ko ang folder at tumambad sa akin ang mga pictures at necessary informations nila. So ito pala ang EVE ang mga babantayan ko. Ibato ko kaya ito sa manager nila? Magbibigay na nga lang ng profile, kulang-kulang pa ang details. Bummer! I need more specific info... hmm dibale ako na nga lang ang maghahanap sa tamang information, I have sources anyway.
Vaughn Blanchet, vocalist, 28 years old, Filipino-French raised in Paris, France. Former international model. Licensed pilot. He is the spokesperson and front man of the band.
Blake Simons, bassist, 27 years old, Filipino-American born and raised in the Philippines. Her mother was a former actress in the Philippines. He got a degree in Finance at Wharton Business School. Their family owns a financing company and banks.
Lance Lombardi, lead guitarist, 28 years old, Filipino-Italian. Licensed civil engineer. Migrated to Italy at 10 years old when he was adopted by his aunt.
Pierce Evans, pianist, 26 years old, the youngest member, Filipino-British raised in London. He is a genius, composer, and writer of their songs. Earned his degree at the Julliard School.
Drew Garcia is the drummer, 29 years old, and is the oldest member. He is the only pure-blooded Filipino member. Came from a family of marines, his father is a former marine captain.
Napangisi na lang ako habang tinititigan ang kanilang profile. Interesting. Naalala ko na naman tuloy ang huling pag-uusap namin ng CEO bago ako pumirma ng contract. Hindi ako prepared na may rules pala sila. Natatawa na lang ako pag naaalala ko ang mga nilalaman nito.
Flashback during the contract signing.
Rule #1 – You should protect the group “EVE” at all costs, without the knowledge of the entire band.
Madali lang ito, hindi ba sila aware na ako ang top agent ng agency namin? Even the FBI and CIA are recognizing me. I’m a well-known agent for my skills and accomplishments. Are they looking down on me? Whatever, I should wipe out those impressions about me cause I’m not a weakling.
Rule #2 – Any unexpected events or accidents that will happen to the group under any circumstances is your responsibility.
Seriously? What are they, a baby? I’m a maid for Pete’s sake, not a babysitter to a grown-up man, and why the hell is it my responsibility? Am I their goddamn guardian? This mission already sucks! Bigtime!
Rule #3 – No one in the EVE members should know that you are an agent. They must recognize you only as their maid.
I’m not so good at pretending I admit that cause I hate it. I hate doing it, but I have to be professional. Ayoko lang yung pinu-push ang limits ko. Subukan lang nila akong abusuhin, makikita nila ang impyerno.
Rule #4 – You should follow all necessary commands given by them.
Kaya nga nagdalawang isip akong kuhanin ang trabahong ito kasi ayoko ng inuutusan ako. I used to be a princess back home. Manuel won’t allow me to do any household chores. But don’t get me wrong, I live alone and I do all things on my own. Hindi ako tamad, ayaw ko lang ng inuutusan. Feeling ko ang baba ko pag ganoon. But great right? I have to bear with it cause it’s my job.
Rule #5 – Never, ever, fall in love with any one of them. Having a relationship with the members of EVE is strictly prohibited.
Huh, that’s ridiculous. Ako pa ba? At saka anong kainlove-inlove sa kanila?
“Tsk, tsk, tsk be sure you will be able to do your job, Ms. Patricia. If you break any of the rules… then your job will be over, and you will be terminated.” nakangising pagpa-paalala sa akin ng CEO. Mukhang hinahamon niya ako. I looked at him with a grin on my face.
“Of course, I can. Failure is not in my vocabulary.” pagmamayabang ko.
Tinaas niya ang dalawang kamay niya bilang pagsuko. Pero natatawa pa rin siya. Is he doubting my skills, what the hell is wrong with this man?
“Alright, as you said so, Ms. Patricia. Oh, I almost forgot. Don’t underestimate my boys… you should take some extra care of yourself. I’m telling you… you’ll be living in hell with them. They are all brat kids.” Sabi ng CEO with a warning tone. So, this is his reason kung bakit minamaliit niya ako? Sa tingin niya ay hindi ko sila kayang kontrolin?
Napatawa na lang ako sa sinabi ng CEO. Ako, mag -iingat sa kanila?
“Is that so? Then I would love to be in hell with them. That would be exciting, isn’t it?” Sabi ko and gave him a creepy smile.
Nagulat siya sa sagot ko. Hindi siguro nila ine-expect ang isasagot ko. Hell? Matagal na akong nakatira doon.
Humanda kayo sa akin. Better prepare yourselves cause I’m gonna make your lives miserable. Hahaha. Titino kayo sa akin, tignan lang natin. You’re devils huh? Well, I'll make sure you will all bow to me. I'll be your evil witch maid!
Purgatoryo ba? I dont have to worry, I used to live in hell kaya sanay na ako. Naging tahimik lang ang byahe hanggang sa huminto kami sa isang bahay. Totoo ngang medyo malayo ito sa kabihasnan, though nasa loob naman ng isang village. Anyway, nandito na kami ngayon sa tapat ng dorm.
Tinignan ko ang dorm nila. Hindi na masama, a two-story house for the 5 little devils. The EVE here comes your worst nightmare.
“Happy, this is the EVE’s dorm” sabi ng manager.
“Let me help you with your baggage” pagpapatuloy niya saka dali-daling pumunta sa likod ng van at kinuha ang mga gamit ko.
Apat na malalaking maleta kasi ang dala ko, dalawa para sa mga damit ko and personal stuff and the other 2, I will let your imagination guess kung ano pang laman non. Clue, work related. Ngayon, bahala na si manager magbuhat niyan tutal naman ay nag presinta siya. Nakita ko naman siya na halos hingalin para lang mabuhat ang isang maleta, isang maleta pa lang iyon ha. What a weakling!
Sa wakas, nasa tapat na kami ng pinto. At dahil may kalakasan ang senses ko. Nasa gate pa lang ako, alam ko ng nagkakagulo sa loob. Brats huh? Mabuti na lang may picture yung profile nila na pinakita sa’kin, kaya hindi na ko mahihirapang kilalanin sila mamaya. I have photographic memory kaya makikilala ko sila agad. Makakalimutin lang ako sa pangalan. Minsan... alright, madalas.
“Hehe. I’m sorry Happy. I’m really sorry in advance” sabi niya saka siya ngumiti ng pilit sa akin at nagbuntong-hininga muna bago buksan ang pintuan. Mukhang alam na niya ang maaabutan namin na eksena sa loob.
At ang tumambad sa amin… Nagliliparang medyas, papel, tsinelas, bote ng mineral, bola ng volleyball at soccer, stuff toys, figurines, junk foods, pillow at boxers? Pati ba naman yun?
May dalawang nagbabatuhan habang nagtatakbuhan. Ang isa naman ay kumakain habang nanunuod sa TV. May isang naglalaro ng Xbox habang may ka videocall sa cellphone. Ang isa naman ay nakatulog sa mahabang sofa.
Ito ba ang EVE, ang sikat na banda? Nandito pa lang sa bungad, parang ayaw ko ng pumasok. Sari-saring amoy, sari-saring… Napaka-ingay, napaka-gulo, napaka-kalat, napaka… this is the worst! I thought this would be easy because their ages are 26-29, then why the hell are they acting like this? Mas malala pa sila sa mga bata. Is this for real?
Nakanga-nga pa rin hanggang ngayon ang manager nila. Tinignan ko naman siya ng patigilin-mo-sila-look mukhang naintindihan naman niya kaya sumigaw siya.
“Tumigil na kayo!”
Mukhang naging epektibo naman kasi tumigil sila. Tumingin sila sa amin, pero nagbalik din agad sila sa mga ginagawa nila. Yung tipong, parang wala lang nangyari. Ang babastos napaka walang modo. Lahat na ng negative attitude, pinakyaw na nila.
Nagsisigaw ulit ang manager nila. Halos lumabas na nga yata ang lalamunan niya. Wala pa rin silang reaksyon, parang wala silang naririnig. Now I know kung bakit tinawag silang mga demonyo. I smirked, mabuti na lang at handa ako, ngayon pa lang ay puputulin ko na ang mga sungay at buntot nila. How about, I give them a good impression. Amazing idea, right?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga nakikita ko. May nakita akong vase, kinuha ko iyon at... Craaaaaacks!
Natigilan silang lahat at napatingin sa nabasag na vase na binato ko sa pader tapos bumaling silang lahat sa akin. Mababakas sa mga mukha nila ang gulat. Ilang sandali pa ay naging mala dragon na ang mga titig nila sa akin. Those evil stares huh? You think matitinag ako dahil diyan?
I still composed myself to give them a cold look. Naging blangko lang ang ekspresyon sa mukha ko. Ayaw ko na mabasa nila ang kung ano mang nararamdaman ko, I’m not going to be that transparent. That's my defense mechanism.
Tumayo silang lahat at lumapit sa amin. Humalukipkip lang ako, hindi ako nagpatalo ng p*****n ng tingin sa kanila. Tinuro ako noong nanunuod ng tv kanina. Vaughn. No wonder siya ang may pinakamadaming endorsement, he is very good-looking. Sharp and rugged facial features plus the charisma, bagay na bagay nga siyang maging vocalist at front man. Kahit na matangkad na ako ay tinitingala ko pa rin siya, he's 6'2 at least na bumagay sa katawan niyang athletic, na kitang kita naman sa hubog na nasa tamang kinalalagyan ang hulma ng kanyang muscles. He's wearing a black sando and grey sweatpants at saka naka flip flops. When did flip flops became so fashionable?
“Who the f*ck are you?” malamig niyang sabi. Cold guy huh? Well, I’m colder. Hindi ko siya sinagot bagkus ay nakipagtitigan lang ako sa kanya. He has this intimidating eyes pero di ako nagpatinag.
“Eh, calm down Vaughn. Siya ang magiging bagong maid ninyo. Her name is Happy Reyes! Don’t worry, we did a background check on her and she passed” sabi ng manager nila. Naka-emphasize talaga yung bago, I wonder kung pang-ilan na nila akong maid. Nevermind. I’m sure, ako na ang magiging pinaka memorable, because I’m gonna make their life miserable.
“Who the f*ck would name their child Happy?” muling tanong ni Vaughn na nakakunot pa rin ang noo na nakatitig sa akin, napakamot na lang sa ulo ang manager nila.
Bigla namang may lumapit sa akin, yung isa sa mga nagtatakbuhan kanina. Blake. Totoo nga, sobrang tangkad niya, let's say 6'3" at talaga naman na mapapansin ang defined muscles niya at mas nangingibabaw ang dugong banyaga niya at kung ihihelera sa mga Hollywood actors ay lelebel siya. Inikutan ako ni Blake na para bang ineeksamin ang buong katawan ko at pagkatao ko. He's wearing a red printed shirt and black short, naka-tapak lamang siya yet he's towering over me.
“Hmm. Hindi na rin masama. Pwedeng-pwede ka na…” then mas lumapit pa siya sa akin hanggang sa tumapat siya sa tenga ko. “…kung tatagal ka”. Is he really asking me that? Baka magsawa pa kayo sa akin dahil kahit maumay kayo, hindi ako aalis at hindi ninyo ako mapapaalis. Patagalan pala ha, matira ang matibay kung ganoon.
“Take it easy man. Wag mo siyang takutin…” Sabi noong lalaking kanina ay naglalaro ng Xbox tumingin siya sa akin at nagsmirk. Drew. The only pure Filipino member pero hindi padadaig pagdating sa looks. Honestly, iba pa din ang Pinoy sobrang nakakadagdag ng appeal ang tanned skin niya plus his soft feature, parang sobrang amo niya, but no. I think he's 6'1" at halatang gym enthusiast siya dahil muscular siya. I gave him my coldest stare. Huh ako, aayaw? Let’s see. Wag kang magsasalita ng tapos dahil hindi pa nga tayo nagsisimula.
“Stop it guys… Let’s show her that we are harmless” sabi noong isa pa sa mga nagtatakbuhan, si Pierce. Tamang tama na siya ang pinakabata dahil siya din ang may pretty boy look, sobrang young and fresh ng aura niya, tipong makikita mo pa lang pero alam mo ng amoy johnsons baby powder siya. Matangkad din naman siya siguro ay 6 feet, tisoy at kulot. Pasok sa standards ng mga teens. Nakasuot siya ng bulaklaking polo at boxer briefs lamang, anoong trip niya?
Nagtawanan ang grupo dahil sa sinabi ni Pierce. What's so funny? Pasabugin ko na kaya ang mga bunganga nila ng matigil na.
“You can still back-out” sabi naman noong natutulog sa sofa kanina. It’s Lance. Para siyang 80’s band member dahil mahaba ang buhok niya na nakaponytail ngayon, but what makes him different is that he’s so handsome. Kung wala si Vaughn ay tiyak na siya ang magiging front man. Magkasing taas lamang sila ni Vaughn, same body type din. He's wearing a black tshirt and sweatpants. Iba ang aura niya sa naunang mga miyembro, something is so mysterious with him. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin na para bang isa akong puzzle na hindi niya mabuo.
“Ano ba, tama na nga yan. Magsi-ayos na nga kayo…” sabi ng manager nila. “Padaanin nyo kami, dadalhin ko pa siya sa kwarto niya at ng makapagpahinga na siya. Wala na munang mag-uutos ha, bukas na” Hinawi ng manager ang mga myembro na nakaharang, nakaharang kasi sila sa harap namin diba?
Sumunod na lang ako sa manager nila. Ramdam ko pa rin ang tingin nila sa akin. Nice introduction huh? Well, hindi nyo ako masisindak sa ganyan nyo. Not enough, still not enough to turn me down.
Pinakita sa akin ni manager ang kwarto ko. Not bad, okay na rin, iaayos ko na lang siguro ito. Ilang oras na ang nakalipas. Hindi naman talaga ako nagpahinga. Pagkatapos akong ihatid ni manager sa kwarto ko, nagmasid muna ako. Pinakiramdaman ko ang paligid.
Ang miyembro ng EVE, nasa living room pa din sila. Hindi ko muna inayos ang mga gamit ko, baka kasi mahalata nila.
EVE. Mali kayo ng taong binabangga. Kung akala nyo ay basta-basta lang akong tao, pwes nagkakamali kayo. Bago ko pa maisip ang masasamang plano sa kanila ay tila isang konsensya ang narinig ko, boses ni Manuel.
“Remember Patricia… You need to act weak.
You need to act weak
act weak
WEAK!!!”
Damn! Oo nga pala, kailangan ko na umarte bilang isang maid. Aargh! As much as I want to discipline them and beat the hell out of them, hindi pupwede. Kailangan ko nga palang magpanggap bilang isang probinsyanang katulong. Kailangan kong ibahin ang impression nila sa akin. I looked fierce kanina so I need to change that personality.
You can do this Patricia. You need to act weak!