Chapter 9

2785 Words
Patricia’s Point of View Hindi ako lumabas ng buong gabi na iyon, ni hindi na rin ako nakakain ng hapunan kahit pa panay ang katok ni Lance. Lumabas na lamang ako ng kwarto ng makaramdam ako ng gutom. 3:30am na pala. Medyo na touch naman ako ng may makitang ulam, siguro tinira nila ito para sa akin. Ang sweet din pala ng mga amo ko. Pwera lang si Pierce cause he’s a piece of sh*t. “Pwe!” walang hiya! Kaya naman pala may tirang pagkain dito kasi hindi masarap yung niluto nila. Hindi siguro nila naubos ito? I wonder kung nakakain nga sila ng matino. Sino kaya ang nagluto nito? Sobrang alat, hilaw pa yung gulay, pero halos madurog naman yung karne. At naku naman ang kanin, nagmistulang bato. Nakarinig ako ng footsteps, nanggagaling iyon sa hagdan. Papalakas ng papalakas ang yabag ng mga papa habang papalapit sa kinaroroonan ko. “Happy/Patricia!” sabay namin na bigkas. Great. Just great. Nagmadali akong ayusin ang pinagkainan ko at dinala sa kitchen sink at saka hinugasan. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin habang ginagawa iyon. Bakit ba hindi pa siya umaalis? Habang naghuhugas ako ay nagsalita siya. “Happy. Yung kanina hin--” panimula niya. Hindi ko na siya pinatapos magsalita. “Pierce, tama na. Wag ka ng magpaliwanag dahil malinaw naman sa akin ang lahat,” sabi ko saka nagpunas ng kamay gamit ang towel. “Pero kasi, ang totoo hin--” “Tama na. Hindi ka ba talaga nakakaintindi?” “Happy. You don’t understand. Magpapaliwanag ako. I’m not th--” hindi ko na naman siya pinatapos kasi humarap na ko sa kaniya at nagsalita. “What? Ano ba ang hindi ko alam, Pierce? Everything is clear. You’re Vince,” I said to him. Lumapit ako ng bahagya sa kanya. Natigilan naman siya. “And explain what? Sorry Vince but forgiving you is not on my vocabulary anymore.” “Happy ano ba!” sigaw niya. “Pakinggan mo nga muna ako. Sino ba yang Vince na yan? Jowa mo ba? Whatever. Happy or Patricia, I don’t know anymore. First of all, hindi naman sa akin yung picture na iyon. Napulot ko lang! Kalmahan mo lang Happy,” tuloy-tuloy niyang salita. Napa-awang ang labi ko, what the hell? So, he’s not Vince! I cried myself to sleep tapos hindi pala siya si Vince? “Bakit hindi mo sinabi kaagad?” sigaw ko. Napanguso naman siya na parang maamong tupa. “Adik ka ba? Bigla ka kayang umiyak kanina I mean kahapon, sa tingin mo anong magiging reaksyon ko? I was not able to explain it to you because you won’t let me finish talking. Hays, na-stress ako sa iyo,” aniya. Bakas sa mukha niya ang inis. “Hala, sorry Pierce. Hindi ko naman alam. Saan mo ba kasi napulot iyon at kanino ba talaga iyon?” tanong ko. Umirap lamang siya. “Bakit ko sasabihin? At saka, ako nga muna ang sagutin mo, ano ba ang meron sa picture na iyon. Ikaw ba yon? So, your name is Patricia?” damn, na-corner ako sa mga tanong niya. “Ah iyon ba? Wala sir, hayaan mo na. Tinotoyo lang ako kahapon, wag mong isipin ang mga iyon. Napagkamalan ko lang pala yung nasa picture. Hindi ko kilala yung nasa litrato,” sabi ko. “Hindi ako naniniwala,” mabilis niyang sagot. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko yata siya nauto this time. “Hindi ko rin alam kung sino ang nagmamay-ari noon kasi nga napulot ko lang di’ba? Hindi magiging ganoon ang reaksyon mo kung wala lang iyon sa iyo, alam ko na may malalim na kwento sa likod noon. But I won’t force you to tell it to me either, basta tandaan mo Happy, kapag ready ka nang pag-usapan, nandito lang ako ha!” masaya niyang sabi. Sa wakas, bumalik na ang dating energetic at smiling face na Pierce. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kaniya. Matapos ang pag-uusap namin ay nagtungo na kami sa kani-kanilang kwarto. Pero hindi pa rin mawala sa isipan ko ang huli niyang sinabi bago skami maghiwalay ng landas. “Oh, and one more thing, when I found the photo in the practice room, I was with Lance and Vaughn.” I need to figure out kung sino ba sa kanilang dalawa si Vince, for now, I need to be careful. Kailangan hindi nila malaman na nagmamanman ako. Hindi na ako nakatulog pa bagkus ay bumaba na lamang ako saka nagluto ng breakfast at naglinis sa dorm pati na rin sa bakuran. Alas siete y media na ng mapag-isipan ko ng umakyat para sana gisingin sila kaso naabutan ko silang nagkukumpulan sa tapat ng pintuan ko. “Oh ano, sinong kakatok?” tanong ni Blake. Walang umiimik sa kanila. “Ikaw Pierce!” turo ni Drew kay, Pierce. “Bakit ako?” reklamo naman ni Pierce. “Dahil ikaw ang bunso at inuutusan ka ng mas nakakatanda sa iyo!” sabat naman ni Pierce. “Eh bakit hindi yung pinakamatanda!” reklamo ni Pierce saka tinuro si Drew. “Ako na ang magbubukas,” Si Vaughn naman ang nagsalita. Pipihitin na sana niya ang doorknob sa pintuan ko kaso napatigil magsalita ako mula sa likuran nila. “Uy, mga sir anong ginagawa nyo diyan?” tanong ko. Nagulat naman sila ng lumingon sa akin, hindi inaasahan na kaharap nila ako ngayon. “Bakit nandiyan ka? Diba dapat nasa loob ka ng kwarto? Halika dito, pumasok ka sa loob at saka kami kakatok,” hinila ako ni Blake pagkasabi niya noon at saka ako pinapasok sa loob ng kwarto at sinara din niya agad ang pintuan. Huh? Kumatok sila mula sa labas at pinagbuksan naman sila kahit na punong puno ng pagtataka ang mukha ko ngayon. Ano ba ang trip nila? “Oh Happy, kakain na. Tara na sa baba!” salubong ni Blake sa akin. Napa-facepalm na lang ako. Seryoso ba siya? “Huh, sandali lang ho sir. Ano ba ang ginagawa ninyo? Nakahithit ba kayo ng katol?” tanong ko saka isa isa silang tinignan. “Eh kasi naman, gigisingin ka sana namin kaso gising ka na pala” sagot ko naman Pierce sa akin. “Hahahaha. Ano ba naman kayo, bakit ako pa ang gigisingin ninyo eh ako nga ho ang maid ninyo. Malamang mauuna po akong magising sa inyo. Hahaha. Tara na nga sa baba. Nakapaghanda na po ako ng breakfast,” masiglang sabi ko. Bumaba na kami upang mag-umagahan,nagpunta na sila sa kani-kanilang pwesto. Ako naman ay sa bar counter na lamang ulit kumain. That’s my place. “Pansin nyo. Biglang umiba si Happy?” “Bipolar?” “Baka naman may multiple personality disorder siya” Yan ang mga naririnig ko na side comments nila habang kumakain. Hindi ba sila aware na malapit lamang ako sa kanila at rinig na rinig ko ang mga sinasabi nila? Natatawa na lamang ako habang pinapakinggan sila. Buong araw na nanatili sa dorm ang grupo, ako naman ay namalengke, pag-uwi ko ay nagmistulang haunted house and dorm sa sobrang tahimik. Nakakapagtaka naman. Tahimik lang ang buong grupo ngayon. Parang hindi ako sanay na hindi sila nag-uutos. Kahit na buwis-buhay yung pinapagawa namimiss ko yun. Dapat nga magpasalamat ako dahil hayahay ang buhay ko ngayon. Lumipas ang mga oras. Gabi na pala. Kinakabahan talaga ako sa pagiging tahimik nila. Sigurado nanumbalik na naman ang mga trip nila Drew at Blake. “Happy halite laro tayo,” sigaw ni Blake mula sa living area, ako naman ay nasa kitchen naghuhugas ng mga pinagkainang plato. “Sige, anong laro ba?” tanong ko, saka nagpunas ng kamay. Mabuti na lamang at natapos ko ang gawain ko. “Spin the bottle,” Sagot ni Drew. “Boring yan,” sagot ni Pierce habang nakapangalumbaba. “Sasali ka o sasali ka?” pagbabanta sa kanya ni Drew. Pierce just rolled his eyes at him. “Guys. Magform tayo ng circle,” pag-aannounce ni Blake. “So ganito, iibahin natin ang rules. Hindi natin lalaruin yung usual na truth or dare. Boring yun. Hindi rin dare or dare, ayokong mapagod. Maglalaro tayo ng truth or truth!” paliwanag ni Blake. “Another twist. Kung sino ang matapatan ng bottle ay tatanungin siya ng lahat. Starting from the person on their right. You can ask anything. Pwedeng hindi sumagot ang taya sa isang tanong pero iinom siya ng 1 shot of tequilla. Hanggang 2 beses lang pwedeng humindi,” dagdag na paliwanag ni Drew. Okay, sounds fun and easy. Nagsimula na kaming maglaro. Naunang natapatan si Pierce. Matapang niyang sinagot lahat ng tanong. Very common naman yung tinatanong nila, parang sinasadya nilang dalian yung mga tanong. Ganoon din noong tumapat kay Blake ang bote. Pati kay Vaughn at Drew. Paulit-ulit lang yung mga tanong nila. Yung mga tanong ko lang yata ang naiiba. May mali talaga dito. Ng tumapat kay Lance ang bote, isa-isa na silang nagtanong. Syempre, ganoon din yung mga tanong nila. “Uy ikaw na magtatanong” kinalabit ako ni Pierce na katabi ko ngayon. Nasa kanan ko siya, sa kaliwa naman ay si Blake. “Ah sir Lance,” sandali ano ba ang itatanong ko? “Have you ever been in a serious relationship before?” tanong ko. “Nope. Not yet,” matipid niyang sagot saka siya tumingin sa akin, “hinihintay ko pa kasi siya,” pagpapatuloy niya sa sasabihin. Natahimik naman ang lahat. “Sino ba yung sinasabi mo?” tanong ng katabi niyang si Drew. “Wait for your turn Drew, ako pa lang ang mag-tatanong” reklamo ni Blake. Nagpatuloy pa rin ang pagtatanong nila kay Lance, pagdating ng turn ni Drew ay iyon pa rin ang tanong niya. “Lance, sino yug hinihintay mo?” tinitigan lang ni Lance si Drew. Lahat kami ay nakatutok sa kanya, maya-maya pa ay sumagot na siya. “Shot,” iyon lang ang sagot niya. Ibig sabihin ayaw niyang sabihin. “Oh, spin na ulit,” sigaw ni Pierce sabay bato ng mani kay Lance, siya kasi yung magi-spin. In return, binato siya ng ice cube ni Lance. Ang sweet nila di’ba? “Nice, Happy ikaw na!” excited na sabi ni Blake. Syempre nasa kanan ko si Pierce kaya siya ang unang nagtanong. “I already read your resume it says you came from a poor family and yet you act like a noblewoman. Tell me, mahirap ka ba talaga o nagpapanggap ka lang?” gustong gusto ko ng isagot na nagpapanggap lang ako. Ngayon ko lang narealize na keen observer pala si Pierce. “Kung ano yung nabasa mo, iyon na yon,” sagot ko. Pwede naman sana akong gumawa ng kwento na. Mayaman kami dati tapos naging mahirap and then bla bla bla. Dahil sa kahirapan, di na nag-aral at nagtrabaho na lang hanggang napapadpad sa Manila. Pero it will only lead to conflicts, kung ano ang naka-saad sa profile ko, I need to stick with it. “Kailan mo ba balak lumayas dito?” tanong ni Drew at saka umirap, “Kidding, virgin ka pa ba?” halos matameme ang lahat sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote niya, bakit niya iyon naisipang itanong. Can I kill him now? Parang mas gusto ko siyang tadtarin na lang ng bala kaysa sagutin ang walang kwenta niyang tanong. “Oo naman sir! Anong akala mo sa akin, kaladkaring babae?” sigaw ko. Pinakalma naman ako ni Pierce. “Tell me about your first heart break,” simpleng sabi ni Lance ng time na niya para magtanong. “Tanong ba yun?” reklamo naman ni Pierce. “What? It’s truth or truth, right?” sagot ni Lance. “Shot,” mabilis na sagot ko naman. Kung hindi ako mag-iingat, baka maungkat pa ang nakaraan. “You’re fist love, what’s his name?” tanong naman ng katabi niya na si Vaughn. Nakatutok ngayon silang lahat sa akin. “Shot,” matipid kong sagot. “Tell us the story about you and him.” Sabi ni Blake. “You can’t pass na ha, nag-shot ka na 2 times,” paalala naman ni Pierce. “Matalik ko siyang kaibigan, bata pa lamang kami. Nagtatrabaho ang mga magulang ko sa pamilya nila, kaya madalas kaming magkalaro. Makalipas ang ilang taon, siya na din ang naging first crush ko, first accidental kiss, and first heart break,” matipid kong kwento, sana may naintindihan sila. “Wow, so that is why you’re a virgin, you never really had a real boyfriend. Just a simple childhood crush,” komento ni Drew. “Yeah, imagine. First heartbreak and I was thinking like, maybe she came from a long-distance relationship or some long-term relationship, and there she was, talking about a boy he met like 20 years ago,” Sabi naman ni Blake. “She’s NBSB bro, what do you expect?” Sabi ni Drew saka umiling. Wow, I’m here! Can’t they keep their opinions to themselves? “What if he returns, will you take him back?” tanong ni Lance na mariin na nakatingin sa akin. “Hindi. Sana nga wag na siyang bumalik, dahil wala naman siyang babalikan. Okay na ako,” sagot ko sa kanya. Pagkatapos ng tanungan ay pinagpatuloy na lamang namin ang pag-inom hanggang sa maubos ang bote ng tequilla. Napakabilis lamang pala malasing ni Pierce, kaya naman binuhat na siya nina Drew at Blake papunta sa kwarto niya dahil knock out na siya sa sahig. Umalis na din si Vaughn at Lance. Nagpaiwan lamang ako para iligpit ang mga kalat namin sa living area. Nang matapos mag-ligpit ay naisipan ko na lumabas. Kailangan kong magpahangin, sumabay sa init ng ulo ko yung init na nararamdaman ng katawan ko dahil sa alak. Naglakad ako patungo sa garden. Naglaan ako ng ilang minuto doon. “Patricia,” hindi ko namalayan may tao na pala sa harap ko. It was Lance. Muntik ko ng makalimutan na oo nga pala, alam niya ang pangalan ko. But the thing is, inaalam ko pa ang tunay na rason kung bakit, I’m still considering the chances na siya ay si Vince. I know sinabi na niya na accidentally niya lang nalaman ang pangalan ko, but what if he’s lying? “Bakit sir Lance?” tanong ko. “We need to talk,” sabi niya saka unti-unting humakbang para makalapit sa akin. “Sige po sir, ano po ba yung sasabihin nyo?” “Paano ba ako magsisimula?” bulong niya sa sarili niya. Adik yata ito, kinakausap ang sarili niya. “You need to know something” sabi niya sa akin. Tumaas naman ang isang kilay ko. “Ano iyon sir?” tanong ko. Nagsisimula na akong kabahan sa sasabihin niya. “Patricia, I like you.” Literal akong napanganga sa sinabi niya. Mukhang hindi pa nagsisink-in sa utak ko ang sinabi niya kaya natulala pa ako ng bahagya. “Hey! Say something,” hinawakan niya ang braso ko at bahagyang niyugyog para matauhan ako. “Ah, O-okay sir,” iyon lamang ang nasabi ko. I am so confused right now. “That’s it?” tanong niya. “Huh?” balik kong tanong sa kanya. Honestly, this is the first time na may nag-confess sa akin. Vince is not counted since mga bata pa lang naman kami noon at hindi pa ganoon kaseryoso ang mga bagay-bagay. “I know these past few weeks are tough for you, and I do apologize for not standing up for you. It took me some time to realize that I should fight for you. You’re worth it Patricia and I will wait, no matter what, kahit sino pa ang makabangga ko,” he said then smiled at me sweetly. Ngayon ko lamang nakita ang mga ngiti niyang iyon. He smiled genuinely and it was the most satisfying scene I have seen. Nang hindi ako nag-response ay pinitik niya ang ilong ko. Then he patted my head, “You’re in shock, go upstairs at matulog ka na,” tumango lamang ako. Para akong isang bat ana sumusunod sa magulang. He bewitched me! Ng makabawi ako sa gulat mula sa pagtatapat sa akin ni Lance ay nagdesisyon na akong bumalik sa loob ng dorm. Nagpawian pa si Lance sa labas dahil magpapababa daw muna siya ng tama. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng aking kwarto ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Si Lance na naman ba? Ang bilis naman niyang nakasunod sa akin, lumipad ba siya? “Patricia,” sambit ng lalaki sa likuran ko. I looked back and saw a man standing firmly, it was not Lance. Lalong dumami ang tanong sa isipan ko. Why does he know my name? “Vaughn?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD