Patricia’s Point of View
Madiin ang pagkuskos ko sa mga paa ni Blake, mabuti na lamang at hindi niya napapansin na sinasadya kong diinan iyon para masaktan siya. Makabawi man lang sa pang-aapi niya sa akin ngayon. Paano ba naman kasi, pinaglinis nan ga ako ng van at garahe, pinalabahan niya pa lahat ng sapatos niya, at ngayon naman ay gusto niyang magpa-pedicure! Hindi ko na alam ang role ko dito sa bahay na ito!
“Aray ko naman, Happy! Galit ka ba?” tanong niya saka binaba ang phone na hawak niya.
“Ay sorry sir, dadahan-dahanin ko na lang po, pasensya na kasi medyo nanginginig na po kasi yung kamay ko sa dami kong trinabaho,” sabi ko. Sana makonsensya siya.
“Hindi mo na ba kaya? Pwede ka naman mag-resign,” suhestyon niya. Hindi ko na alam kung seryoso ba siya o sadyang nang-aasar siya. Simula ng makabalik kami galing Pampanga noong may event ay naging ganyan na sila ni Drew. Constantly telling me to quit my job. Pwes, neknek ninyo!
“Kaya ko po sir,” I said then smiled at him. He rolled his eyes in response, sungit!
“Wala naman masama kung aalis ka, hindi na kasi healthy sa banda,” mahinang sabi niya saka ulit naglaro sa phone niya. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Anong kasalanan ko?
Pinagpatuloy ko na lamang ang paglilinis ng kuko niya. Kung ano man ang nasa isip niya, hindi ko na kontrolado iyon. Gagawin ko na lamang kung ano ang nararapat. Ilang sandali pa ay natapos na ako kaya nagpaalam na ako sa kanya para magtungo naman sa kusina. Hinugasan ko ng mabuti ang mga kamay ko, saka nagtungo sa fridge upang magtingin ng iluluto. Sinigang na lamang siguro ang iluluto ko.
“Happy, pagkatapos niyan ay lumabas ka at kuhanin mo ang mga regalo ng fans sa amin na naiwan sa van,” sabi ni Drew.
“Opo sir,” sagot naman saka sinarado ang ref ng masigurado ko ng nakuha ko na ang mga gagamitin ko na sangkap.
Nagsimula na akong magluto, habang nagluluto ay pinagsisilbihan ko na rin si Blake na kanina pa panay ang utos sa akin, katulad ngayon dinadalhan ko siya ng tubig. Bumalik na ako sa kusina pagkabigay ko noon. Bigla kong naalala na may inuutos pa pala si Drew kaya pinahinaan ko ang apoy ng niluluto ko na sinigang saka nagtungo kung nasaan ang van at dinala sa loob ang mga regalo ng fans sa kanila. Kanina lamang kasi ay nanggaling sila sa isang fan meeting and signing event, kaya sandamakmak ang natanggap nilang regalo.
Nasa panghuling mga box at paperbag na ako ng salubungin ako ni Pierce, “Happy yung niluluto mo muntikan ng nasunog kaya pinatay ko na.” muntik pa akong atakehin sa puso noong sinabi niyang nasunog, buti na lamang at pinatay niya iyon.
“Pasensya na sir, natagalan kasi ako sa pagpasok ng mga box na ito dito sa loob,” sabi ko kay Pierce.
“Huh? Hindi naman yan dito, Happy. Talagang iiwan yan sa loob ng van dahil dadalhin pa yan sa Pyramid building para ma-inspect ng mga staff, baka kasi may mga camera o ano,” pagpapaliwanag ni Pierce. Naipikit ko na lamang ang mata ko. So, para saan pa at pinapasok ito ni Drew? Talagang nananadya silang dalawa ni Blake.
“Sige ho sir, ibabalik ko na lang ulit sa van,” sabi ko saka tumalikod.
“Where are you going Happy? Maghain ka na muna ng dinner, gutom na kami,” pigil sa akin ni Blake.
“Yes sir,” wika ko saka binaba ang mga dala ko sa lugar kung saan ko dinala ang iba pang regalo sa kanila. Mamaya ko na lamang iyon ibabalik sa van pagkatapos nilang kumain.
Nag-prepare na ako sa hapag-kainan nang matapos iyon ay tinawag ko na sila para kumain. Paakyat na ako sa taas ng masalubong ko si Lance sa kalagitnaan sa hagdan. “Sir kakain na po,” sabi ko at tumango naman siya saka ako nilagpasan. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Nagtungo ako sa tapat ng kwarto ni Vaughn, kumatok ako ng ilang beses, sa ikatlong pagkakataon ay saka niya binukas ang pinto. “Kakain na po, sir,” sabi ko sa kanya kahit pupungas-pungas ay mukha pa rin siyang modelo. Hindi maipag-kakailang magandang lalake siya.
“What did you cook?” tanong niya saka sinuot ang black sando niya. Wala, sanay na ako sa mga nakahubad na lalaki. Sanay na ako sa kanila dahil sa halos dalawang linggo ko dito sa bahay ay normal na lang sa akin na makita ang abs nila.
“Sinigang na baboy, gusto mo iyon di’ba sir?” sabi ko saka nginitian siya. Napa-ismid lamang siya, nairita na naman siya sa sinabi ko.
Nah, I don’t really like it but since you cook it, I’ll eat,” aniya saka nauna ng maglakad sa akin pababa papunta sa kusina. Natawa na lamang ako.
Kumain na din ako ng mag-umpisa silang kumain pero nasa bar counter ako sa kusina at sila naman ay nasa hapag-kainan. Okay na sa akin yung ganito, at least nakikita ko sila at alam kong ilugar ang sarili ko sa ganitong sitwasyon, I’m their maid and they’re my boss.
Nakaka-ilang subo na ako ng magsalita si Drew, “I can’t see any effort from you Vaughn, you have to take the instruction seriously,” aniya.
“Since when did I follow the instruction?” Vaughn retaliated.
“Then you would have to learn,” wika muli ni Drew.
“That’s ridiculous, why would I stay away from her?” iritadong sagot ni Vaughn.
“Can’t you be a little bit more like Lance? Same instruction but he managed to do it,” si Blake naman ang nagsalita.
“Well, I’m not a coward just like him,” mapang-asar na sabi ni Vaughn saka uminom ng tubig habang nakatingin kay Lance.
I saw Lance clench his jaw and sharpened his gaze to Vaughn.
“Maybe he just values the band more than the chick, don’t you think Vaughn?” Drew taunted Vaughn.
Tumayo naman bigla si Vaughn at hinampas ang lamesa. Naging alarma na din ang iba pa at napatayo, si Pierce ang unang lumapit kay Vaughn para hawakan siya sa balikat. Si Drew naman ay lumapit kay Blake.
“The f*ck did you say?” wika ni Vaugh na bahagyang napataas ang boses, halos umalingawngaw ang boses niya sa buong dorm.
“You’d choose a chick over us and the fact that she’s only here with us for what? 2 weeks? You’ll choose 2 weeks over 5 years of friendship!” sigaw ni Blake.
“F*ck off Blake!” wika ni Vaughn. He is almost on the verge of madness.
“Ano ba tama na yan!” sigaw ni Pierce.
Tinaas ni Blake ang kanyang mga kamay bilang pagsuko, “I’m chill mate”. Samantalang si Vaughn naman ay nag-walkout, sinipa niya muna ang isang upuan bago umalis at magtungo sa labas, sinundan naman siya ni Pierce. Si Blake naman ay nagtungo sa kwarto niya. Nanatili lang ako sa pwesto ko sa bar counter.
Nakita naman ako ni Drew na nakatingin sa kanila, binalingan niya ako, “This is all your fault. Why can’t you just leave?” aniya saka umalis upang sundan si Blake.
Si Lance at ako na lamang ang natira doon. Tumikhim lamang siya saka umalis na din sa hapagkainan. Now what? Ako na lamang ang natira. Why was it my fault again? Dahil ba ito sa pagiging late namin ni Vaughn noong event? Dahil sa issue na kumalat na hanggang ngayon ay pinag-uusapan sa social media? Why was it my fault? Vaughn practically forced me to go with him, hindi ko naman kagustuhan iyon.
Ilang araw pa ang lumipas na walang nagpapansinan sa kanila, kahit na may trabaho sila ay hanggang doon lamang iyon, pagdating dito sa dorm ay para na silang hindi magkakakilala.
Ilang araw din silang panay Pyramid building at dorm lang ang pinupuntahan, maging si Drew ay hindi na rin nakakalabas dahil pinagbawalan muna silang lumabas at magpakita sa media dahil pinapahupa pa ang issue.
Ang issue, nagkalat ang picture namin ni Vaughn sa social media na magkasama sa night market. Ngayon ay napagkakamalan akong nobya ng bokalista ng bandang EVE at hindi pa nakatulong ang mga pangyayari noong mag-umpisa silang mag-perform.
Flashback to the event
Sinalubong agad kami ng mga staff na aligaga sa pag-aayos sa naturang event, sinamahan nila kami papunta sa backstage kung nasaan ang banda. Everyone is so busy na hindi na nila kami namalayang dumating.
“My God, Vaugh! Where the hell have you been? Bakit ngayon ka lang nakarating? This is unacceptable behavior,” sigaw ng manager ng makita kaming papalapit sa kanila. Nananatili naman na tahimik si Vaugh, tila walang pake sa sinabi ng manager niya.
“Pasensya na ho manager, hindi na-“ bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay pinigilan na niya akong magpaliwanag.
“At isa ka pa, I don’t know what you’ve been doing but I’m pretty sure you’re doing a terrible job based on what happened today. You should know better, Happy. You should know better. Makakarating ang pangyayaring ito sa CEO,” aniya sa akin, seryoso at may halong pagbabanta. Alright, I admit I’m at fault too. But he can’t blame it all on me. Sasagot pa sana ako pero humarang na sa harapan ko si Vaughn, ngayon ay natatabunan na ako ng malapad niyang likod.
“Talk to her that way again and you’ll regret it,” he said angrily.
“Woah, woah, Vaughn. Calm down man,” inakbayan na siya ni Pierce para kumalma siya.
Kung kanina ay nagagalit ang kanilang manager, ngayon naman ay nababalot siya ng takot. Napansin naman iyon ni Drew kaya siya na ang nagpaliwanag sa manager at humingi ng dispensa sa inasal ng isa. Ilang minuto pa ang pinalipas ni Vaughn saka siya pumayag na i-retouch ang kanyang mukha at pananamit. In 5 minutes ay sasalang na sila upang mag-perform. Naka-pwesto na ang lahat bago patayin ang ilaw para makapag-simula sila.
Naunang magpasiklab ng beat si Drew, hudyat na nasa entablado na ang bandang EVE, sunod naman ay nagpakita ng nakaka-amaze na paggitara si Lance, hanggang sa sumunod na rin si Pierce at Blake. Isang minuto ang itinagal ng pag-intro ng bawat isa hanggang sa bigla na lang huminto silang lahat. Si Vaughn naman ang nagpakita ng kanyang talento ng kantahin niya ang unang verse ng kanilang kanta. Nakakakilabot ang galling nila. Mas lalo pang nakakamangha na lahat ng naroon sa audience ay humihiyaw sa sobrang excited. That’s when I realized, EVE is not just any ordinary band, they are the best in the country, and I am just their maid.
Nasa bridge na sila ng kanta ng biglang mag-impromptu si Vaughn. Tumingin siya sa akin sa gilid saka ako tinuro, “This is for you, Happy,” aniya saka pinagpatuloy ang pagkanta sa last chorus part. What the hell?
Well after that incident ay marami na nga ang nagbago, particular na ang pakikitungo sa akin ni Drew at Blake, lalo na si Lance. He became so distant. I just hope na manumbalik na sa dati ang lahat.
Pawis na pawis ang katawan ko ng matapos sa lahat ng gawain, inabot na din ako ng alas onse ng gabi. Umupo muna ako sa silya na nasa labas upang makapagpahinga. Pinasadahan ko ng hilot ang aking magkabilang balikat.
"Patricia," napatigil ako ng marinig iyon at alam ko na kaagad na si Lance iyon.
"Ikaw pala yan sir, bakit ho? May iuutos ka po ba?" sabi ko saka tumayo. umiling naman siya.
"I just want to apologize," aniya.
"Para saan po," nagtatakang tanong ko.
"For every thing," sambit niyang muli, akala ko hanggang doon na lamang ang sasabihin niya pero nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"I just want you to know that I'm not a coward. I could pursue you anytime if I want to, it's just... I, I had my reasons, and it would be better this way," aniya saka ako iniwan. Why do I feel like I lost something so valuable after our conversation? Bakit nakakaramdam ako ng panghihinayang? I should be professional, dapat ay hindi ako makapag-build ng anumang koneksyon sa kanila. I took a deep breath bago pumasok sa loob at sinara ang dorm. This too shall pass.
It was Tuesday afternoon ng samahan ko sila sa studio para mag-record. Madaming ginagawa pero wala naman akong magagawa kundi sundin ang mga iyon. Konting tiis na lamang, sa isip-isip ko.
Napatingin ako sa relo ko saka sa paparating na miyembro ng banda. Natapos na sila sa pagrecord at dahil isa akong dakilang P.A. dinalhan ko sila ng tubig ang iba naman ang gusto ay gatorade. Bumalik ulit kami sa practice room nila para makapagpahinga sila. Mabuti na lamang at may mga sofa na pwede nilang higaan.
Umalis naman ang iba at nagpaalam na mag-banyo. Kalaunan ay nakaramdam din ako na naiihi na ako, kaya nagtungo ako papuntang comfort room. Madali lang naman iyon hanapin. Pagkatapos kong umihi ay naglakad na ako pabalik pero nadatnan ko ang isang lalaking nakatalikod sa akin sa hallway. Nakatindig lang ito sa gitna ng daan.
Sandali parang kilala ko ito? Nang makatapat ako sa kanya ay nakumpirma ko na isa siya sa mga amo kong demonyo. Napansin ko na may hawak siyang papel. Hindi. Hindi langito basta papel, isa iyong litrato. At base sa itsura nito ay may katagalan na ang litratong hawak niya.
Hindi yata niya naramdaman ang presence ko dahil nakatitig pa rin siya sa litrato. Nanginginig pa ang mga kamay niya sa paghawak nito. Medyo lumapit ako para tignan iyon.
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. The girl in the picture was me. That was me when I was like 9 almost 10 years old, nene pa. How come meron siya noon? Iisang tao lamang ang may kopya ng litratong iyon, si Vince. Ang taong pinakasusuklaman ko. Ang sumira sa buhay ko.
I stiffened for a moment but I managed to ask him. Nakaramdam na yata siya na nandito ako, kaya napaigtad siya at tinago niya sa likod niya ang litrato. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at medyo napaatras pa siya.
“Bakit nasa iyo ang picture ko?”
This can’t be. It can’t be him. Why, of all people?
“Pierce?”