Chapter 96 Jeisen Jee POV Magsasalita na sana ang waiter pero sumenyas ako sa kanya na ipamigay na ang mga dala niya. Kailangan kong makaseguro sa isang inomin na 'yon. Pero bago 'yon. Kailangan ko munang samahan ang dalawang ito para 'di sila magduda o magtanong sa 'kin. "Kanina pa kayo?" tanong ko sa kanila habang inaayos kunyari ang camera. "Kumukuha lang ako ng mga litrato." "Hihi. Alam namin, flower girl, " sagot ni Shasha sakin at hinawakan ako sa braso. Ganun din ginawa ni Donna. "Kakaka. Ang dami mong pinag kakaabalahan, Jeisen," segunda naman ni Donna. "Bestfriend time muna tayo. Kaka. Si Aicel puntahan natin." "Oo nga. Patapos na ang drama ni flower girl Aicel. Grabe. Nakikinita ko na nga mga flower girls ang puting katas na talagang iginiling at kayod ni flower girl ng

