Jared's POV Di mapagsidlan ng saya ang puso ko habang tinitignan si Clyde na abutin ang pangarap nya. Kausap nya ang Head Writer ng Teleserye. Kasama nya ang iba pang mga writers at mga staff. "Di ko akalain na may pambihirang talento pala si Clyde na tinatago." wika ni Ray sa'kin. "Ako rin. At natutuwa akong makita sya ngayong unti unting inaabot ang pangarap nya." wika ko. "Talaga bang hindi mo sasabihin kung sino ka?" tanong ni Ray sakin. "Siguro aaminin ko iyon kapag malapit nang maubos ang oras ko dito sa mundo. Ayaw kong bigyan ng sama ng loob si Clyde ngayon. Lalo na ngayong mukhang masaya sya." Nakita ko ang ngiti sa mga labi ni Clyde. Ngayon ko lang sya nakitang ganoon kasaya. "Kumusta?" tanong ko sa kanya matapos nilang mag-usap. "Pipirma na ako ng kontrata bukas.

