Chapter 8

2247 Words
Cylde's POV "Alam mo bang supervisor ko iyong tinatarayan mo kanina?" tanong ko kay Jared nang makaalis si Sir Simon para kunin ang sasakyan niya sa may parking lot. "Ano ngayon?" inis niya pang wika. Teka ba't parang galit din siya sa'kin. May saltik ba siya? Siguro dapat kinilatis ko siya ng mabuti bago ko siya kinuhang babysitter. "May gusto ka ba sa kanya?" tanong nya sa'kin. Kita ko ang inis sa mga mata niya. "Hindi ah! Ano ba iyang mga tanong mo! Tsaka nakakalimutan mo bang ako ang amo mo ha?" nainis narin ako kay Drake dahil sa katarayan nya. Daig pa niya ang babaeng dinudugo. "Then that's good to hear. He looks like he's hitting on you. Huwag mo siyang papatulan dahil mukhang wala siyang sineseryosong babae." he said. "Mas natatakot ako sa inaasta mo ngayon keysa kay Sir Simon." wika ko na lang. Hindi ako pinansin ni Jared bagkus ang atensyon nya ay nasa paparating na sasakyan sa harapan namin. Inihinto ni Sir Raymond ang kotse nya sa harapan namin. Lumabas sya ng sasakyan. At pinayungan niya ako. Sa frontseat sana ako sasakay kaso mabilis pa sa kidlat na nakaupo sa frontseat si Drake at naglock ng pinto. Napanganga ako. At kita ko naman ang inis kay Sir Simon. Dahil hindi nito binubuksan ang front seat kahit na kinakatok nya ito. "Pa-pasyensya na po kayo Sir Simon." "Okay lang." wika nito pero ramdam ko ang gigil nya kay Drake. Sa backseat ako umupo. Sumakay narin si Sir Simon sa driver's seat. Nagmaneho sya ng sasakyan. Itinuro ko sa kanya ang direksyon ng bahay namin. Kalmado parin si Sir Simon kahit na binabara siya paminsan minsan ni Drake. "May gagawin ka ba sa weekend?" tanong nya sa'kin. Nakita kong matalim na tinignan ni Drake si Sir Simon. Bago paman ako makasagot ay nagsalita na si Drake. "Maraming projects at homeworks ang mga bata na kailangang ipasa sa lunes." wika ni Drake. "Ganoon ba. Maybe some other time. Hindi mo naman ako tatangihan diba?" nilingon ako ni Sir Simon. Magsasalita sana ako kaso sumingit na naman si Drake. "Masyado syang busy sa pag-aalaga sa mga bata. At ayaw nilang matagal na umuwi ang mommy nila. Nagta-tantrums sila." Nang maramdaman ko na gigil na si Sir Simon kay Drake. "Dito na lang pala kami sa kanto. May bibilhin pa pala ako sa 7-eleven." wika ko. Bumaba kami ng kotse at nagpasalamat ako kay Sir Simon. Pabagsak namang sinara ni Drake ang pinto ng kotse. "Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho?" tanong ko kay Drake nang makaalis na ang sasakyan ni Simon. Medyo magkalapit kami dahil sya ang may hawak ng payong. "Pa-Pasyensya na. Mukha kasing hindi siya mapagkakatiwalaan, Clyde." wika ni Drake. "Nagtiwala ako sa'yo kahit na nga hindi kita kilala. Kahit wala akong background sa'yo. Sana naman huwag mong bastusin ang mga taong nakapaligid sa'kin." I said. "Sorry." paumanhin nya. Yumuko sya at tila nahiya sa ginawa niya kanina. Bumuntong hininga ako. "Pero salamat at ramdam ko ang pag-aalala mo sa'kin." nakangiti kong wika sa kanya. Jared's POV Napahawak ako sa puso ko. Sa tuwing nakikita ko ang ngiti ni Clyde, ay kakaibang saya ang nararamdaman ko. Na para bang gagawin ko ang kahit ano basta ba hindi lang mawala ang ngiti na iyon sa mga labi niya. Pumasok kami sa 7-eleven dahil may kailangan daw bilhin si Clyde. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang maliit na tarpaulin ng isang energy drink at makita ang larawan ni Drake Montefalcon roon. Agad kong pinatalikod si Clyde. "Drake? May problema ba?" "Ah, pwe-pwedi ba akong magcash advance. Pwedi mo ba ako bilhan ng masters facial wash?" "Ah? Sige." nang makaalis na si Clyde ay agad ko namang tinanggal ang poster sa pader at tinapon sa basurahan. Nagtatakang tinignan ako ng sales lady na andun. "Ma-May punit kasi iyong poster. Kaya tinanggal ko na para di kayo mahirapan." wika ko at naglakad na ako papunta kay Clyde. "Halika na, baka hinihintay na tayo ng mga bata." wika ni Clyde. Lumabas na kami ng 7-eleven. Nang makapasok na kami sa may gate ay bigla na lang siyang nadulas. Nabitiwan ko ang payong at hinawakan ko ang beywang nya. Si Clyde naman ay napahawak sa balikat ko. My heart was pounding so fast. Gusto na ata niyong lumabas mula sa dibdib ko. Bumaba ang tingin ko sa mga labi nya. One of Clyde's asset is her kissable lips. Gusto ko syang halikan ng mga oras na iyon. Gusto komg iparamdam na mahal na mahal ko siya. Na nagsisisi na ako sa lahat ng kasalanang ginawa ko sa kanya. Pero naalala ko may suot pala akong facemask. "Drake, na-nababasa na tayo ng ulan." wika nya. Natauhan ako at agad akong umayos sa pagkakatayo. Pinulot ko ang payong at binigay kay Clyde. "Ma-May bibilhin lang ako sa may tindahan. Ma-Mauna kanang pumasok sa loob." wika ko. Ilang beses kong sinuntok ang dibdib ko. Hindi kasi ito mapalagay at panay lang ang pagtambol ng mabilis. Mukhang mamatay na naman ata ako sa atake sa puso. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon at naisip ko lang ang kamuntikan ko ng paghalik kay Clyde. Paano na lang kung hindi ko napigilan ang sarili ko? Lutang ako ng magising kinabukasan dahil hindi ako nakatulog ng maaga. Masakit pa ang ulo ko. Ganoon paman bumangon ako. "Hachuu!" naabutan ko si Clyde sa may kusina na bumabahing at may suot na facemask. "Okay ka lang ba?" I asked her. Nilingon nya ako. "Ou-hachuuu!" lunapit ako at hinawakan ko ang noo niya. "Mainit ka. Kailangan mo munang magpahinga." "Hindi pwedi, hindi ako pweding mag-absent dahil kakapasok ko pa lang sa trabaho. Iinom lang ako ng paracetamol." wika nya. Hindi ko napilit si Clyde na huwag munang pumasok. Kaya naglinis na lang ako ng bahay at nagluto ako ng umagahan. Ako narin ang nag-asikaso sa mga bata dahil halatang masama ang pakiramdam ni Clyde. Pinabaunan ko sya ng tanghalian. At hinatid namin siya nina Jiro sa sakayan ng Jeep. Kanina pa ako hindi mapakali dahil mukhang masama ang pakiramdam ni Clyde at pinipilit nya lang pumasok dahil bago pa lang sya sa kompanya. Tinawagan ko si Ray na kaagad namang dumating. "Mabuti naman at natauhan ka na. Sasama ka naba sa'kin sa Manila?" tanong nito nang dumating sa paaralan. "Pwedi bang ikaw muna ang magbantay kina Jiro at Riu? Mukha kasing masama ang pakiramdam ni Clyde." "Clyde na naman! Bukambibig mo na parati ang babaeng yan!" wika ni Ray. "Im counting on you to take care of my kids, Ray " wika ko bago tumakbo palabas ng kindergarten. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga pinagsasabi ni Ray dahil nagmamadali ako. Nakailang tawag ako sa number ni Clyde pero hindi ito sumasagot. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ito pero agad ding napalitan ng inis nang makita ko ang boss nya na nakabuntot sa kanya. Agad akong lumapit sa kanila. "Clyde, umuwi na tayo. Pwedi naman syang umuwi diba? She's not feeling well " nainis kong wika kay Simon. "Pero-" tutol ni Clyde. "Ako na ang kakausap sa HR you must take your rest. Namumutla ka na." wika ni Simon. "Sige salamat sir. Kukunin ko lang ang gamit ko." pumasok si Clyde sa loob ng building. "You are crossing the line between you and Clyde. Diba isa ka lang hamak na babysitter ng mga anak nya?" inis na tanong ng Simon sa'kin. "And you are crossing the line also. Diba supervisor ka nya." balik ko namang tanong sa kanya. Mabuti na lang at dumating si Clyde kundi balak ko na talaga syang suntukin. Pumara ako ng taxi at sumakay kami room. Nakita ko pang nakatayo si Simon at nakatingin sa taxing sinasakyan namin. "Kanino mo iniwan ang mga bata?" matamlay na tanong nya sa'kin. "Nasa school sila. Dadaanan ko sila ulit doon matapos kitang ihatid sa bahay." wika ko. "Sige," wika ni Clyde. Mukhang masama talaga ang pakiramdam nya dahil nakatulog sya sa byahe. Gulat pa ako nang aksidente siyang mapahiga sa balikat ko. Nagwawala na naman iyong puso ko. Or mas tamang sabihin ang puso ni Drake. Hinayaan ko na lang na makatulog sya sa balikat ko hanggang sa makarating na kami sa'min. Matapos nyang uminom ng gamot ay nagpahinga na sya sa kwarto nya. Pinuntahan ko naman ang mga bata na pinakain ni Ray sa jollibee na nasa village lang din. Ayaw daw nitong tumambay sa school dahil hindi daw sila magkasundo ni Nancy. "Ang takaw uubusin ata nila ang laman ng wallet ko." reklamo nya pa sakin nang dumating ako. Tinignan ko sina Jiro at Riu na masiglang kumakain. "Salamat Ray ha." "Magmamatigas ka pa rin ba? Alam mo namang mapapahamak sila kapag hindi ka umalis dito." aniya. "Let me remind you. You're not just an ordinary actor Drake. Nangunguna ka sa buong bansa. At marami naring international companies ang kumukuha sa'yo para isama ka sa mga pelikula at commercials. Kilala ka ng marami, ng buong mundo at kapag lumabas ang issue na'to siguradong hihilain ka nito pababa. Mawawala lahat ng pinaghirapan mo ng ilang taon." paliwanag ni Ray. "Should I make a DNA test para malaman talaga natin na anak mo sila or pinikot ka lang ng babae iyon?" "Ano ka ba. Hindi ko sila anak..I mean anak ko.sila. Pero hindi sila anak ni Drake." "Here we go again." I saw Ray rolled his eyes. "Mag-usap na lang tayo bukas. Kailangan ako ni Clyde ngayon." "May sakit po ba si Mommy?" tanong ni Riu nang naglalakad na kami pauwi. "Ou pero aalagaan naman natin siya diba?" Dumaan kami sa palengke. Bumili kami ng prutas at gulay. Pauwi na ako nang bigla na lang natanggal ang lubid ng facemask na suot ko. Nahulog ito sa kalsada. "Tito nahulog po facemask mo." wika ni Jiro. Dahil malapit lang naman ang bahay namin ay hindi na ako nagsuot at nagtuloy tuloy na lang ako sa paglakad. "Magwash muna kayo ng hands at magpalit kayo ng damit. Magluluto muna si Tito ng pang lunch natin." "Opo." Nagluto ako ng sinabawang baka. Ayaw ni Clyde na lumapit sina Jiro at Riu dahil baka mahawa ang mga ito. Kaya ako na lang ang nag-asikaso sa kanya Binigyan ko siya ng pagkain sa kwarto nya at ng gamot. "Are you sure na okay ka lang dito? Ayaw mong magpacheck up?" tanong ko. "Asikasuhin mo na lang ang mga bata." wika niya pa at nagtalukbong na ng kumot. Maagang nakatulog ang mga bata nang gabing iyon. Sinilip ko si Clyde. Nagulat ako nang buksan ang ilaw at nakita siyang nanginginig. Agad akong lumapit sa kanya. "Clyde, jusko ang taas ng lagnat mo." Kimuha ako ng palangga na may maligamgam na tubig at towel. Pinunasan ko ang katawan nya. Hindi ako natulog at binantayan ko lang sya buong magdamag. "Jared, Jared bakit mo nagawa iyon sa'kin..." nanaginip si Clyde. Umiiyak sya. Kinuha ko ang kamay nya at pinisil iyon. "Sorry Clyde, patawarin mo'ko." nagulat ako nang imulat ni Clyde ang mga mata nya. "Jared?" Nilagay niya ang kamay niya sa pisngi ko. " Jared, " akala ko hahalikan nya ako pero nagulat ako ng malakas nya akong sinampal. Pagkatapos noon ay nakatulog sya ulit. "Kahit sa panaginip galit ka parin ba sa'kin Clyde, ang sakit ha." natawa ako. Inayos ko ang pagkakahiga nya. At hinalikan ko sya sa noo. "Matulog ka ng mahimbing babantayan kita mahal ko." This time hindi kita iiwan at mananatili ako sa tabi mo. Clyde's POV Sikat na ang araw nang magising ako. Napabalikwas pa ako ng bangon dahil akala ko may pasok ngayon. Saka ko lang na alala na Sabado pala. Nagulat ako nang makita si Drake na natutulog habang nakaupo sa isang upuan sa gilid ng higaan ko. Binantayan nya ba ako buong gabi? Mukhang pagod na pagod sya. Okay na ang pakiramdam ko at wala na'kong lagnat.Tinitigan ko si Drake. Saan ko nga ba siya nakita? "Moommy! Mommy!" nagulat ako nang marinig ang pagkatok nina Jiro at Riu sa pinto. "Anong nangyayari?" tanong ko nang pagbuksan sila. "Kinukuha ni Tito Vinz ang car!" sagot ni Jiro. "Ano " agad akong tumakbo sa garahe. "Vinz anong ginagawa mo?" tanong ko nang makitang pasakay na sya sa sasakyan. "Hindi mo naman gagamitin ang sasakyan diba? Akin na lang 'to. Total kay Kuya naman ang sasakyan."mayabang na sagot nya. "Hindi mo ito pweding kunin." giit ko. "Anong hindi? This belongs to my brother kaya akin to." naghilaan kaming dalawa dahil pilit kong kinukuha sa kanya ang susi nh sasakyan. Tinabig ako ni Vinz at natumba ako sa sahig. Lahat na lang ba kukunin nila sa"'min? Paano na ang mga anak ko. Wala na ba silang ititira? "Vinz tumigil ka nga. Ano bang pinagagawa mo!" nagulat ako ng hinila ni Drake si Vinz. "G*go, sino ka ba?" inis niyang tanong. "Galing ka sa loob ng bahay?" "Dont tell me na pinatira mo sa bahay nyo ang lalaki mo?" he looked at me and felt disgusted . The way he looked at me and judge me, para akong isang kaladkaring babae lang. "Hindi totoo ang iniisip mo. at pwedi ba may karapatan si Clyde sa sasakyan dahil kay Jared yan!" bulyaw ni Drake rito. "Wow, ha? Para ano? Para pakinabangan nyong dalawa? No way!" Sumigaw ako. This time kailangan ko ng lumaban. Hindi ako pweding tumahimik na lang. "Give me until Monday kapag hindi parin ako natutong magmaneho you can take this car away." Ngumisi si Vinz. "Then mark your word Clyde." anito at inihagis sa'kin pabalik ang susi ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD