Clyde's POV Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit sakin ni Miss Ingrid. Kung titigan nya ako ay parang sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. Parang gusto niya akong kainin ng buo. Kaya lumayo ako sa kanila at naglibot libot. Namangha ako sa dami ng libro sa public library. Hindi ko inaasahan na lalapitan ako ni Ingrid. Ang Sabi nya sakin ay nauuhaw sya kaya kumuha ako ng tubig at ibinigay ko iyon sa kanya. Laking gulat ko na Lang ng buhusan nya ang kanyang sarili ng tubig at nagsisigaw na siya. Pinaratangan pa niya akong nagtapon ng tubig sa kanya. Kung ano ano na lang ang pinagsasabi niya tungkol sakin. At agad namang naniwala ang media. Sa huli ako pa iyong lumabas na masama. Hindi ko kinaya ang lahat ng panghuhusga nila sakin kaya tumakbo ako at lumabas sa lugar na iy

