MAG-ISANG nagtungo sa Hacienda de Santiago si Sofia. Kahapon pa siya dumating. Ipinagbilin lang muna niya kay yaya Sela si Euna. Gusto niya kasing mapag-isa para makapagmuni-muni. She wanted to embrace the silence of the nature. It calms her mind. It helps her think properly on what should be the right thing to do. Mamayang hapon na ang nakatakda nilang pag-iisang dibdib ni Brix. Subalit magpahanggang-ngayon ay tila tuliro pa rin ang utak niya. Tila hindi pa rin siya makapag-isip nang maayos, ng mga dapat niyang gawin at piliin. Iyak lang siya nang iyak n'ong gabi matapos siyang kausapin ng binata at makapagpaliwanag ito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin lubos na maisip ang katotohanang isiniwalat nito. Hindi niya alam kung kanino ba siya magagalit—kay Brix ba na ang kasalanan lang

