MAHIGIT isang buwan na lang ang hihintayin at idadaos na ang nakatakdang kasal nina Sofia at Brix. Wala silang ginawa kundi ang asikasuhin ang iba't ibang bagay patuon sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib. Everything was going according to plan.
Sofia was very happy with great things that came into her life. She felt blessed. Naipangako rin niyang hindi na niya isusukat pa ang kaniyang damit-pangkasal. Naroon na sa dibdib niya ang takot na muling maulit ang kahapong sinapit. Natatakot siyang hindi matuloy ang kasal niya sa lalaking iniibig—sa lalaking si Brix!
Call it pathetic, pero nahawa na yata siya sa kaniyang yaya Sela sa mga pamahiin nito base na rin sa mga nangyari sa buhay niya.
Napabuntong-hininga siya. Ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang lahat. Ipinagpapasa-Diyos na lamang niya kung makikilala pa ba niya ang lalaking humalay sa kaniya. Kung hindi man niya ito kailanman makilala ay ayos na sa kaniya sapagkat nariyan na si Brix at ang anak niya. Nariyan na si Brix na tinanggap at minahal siya nang buong-buo, at minahal at tinanggap din si Euna na parang tunay nitong anak.
But if she could have the privilege to know the man who raped her ay sisiguraduhin niyang makukulong ito at pagbabayarin sa kahayupang ginawa nito sa kaniya.
"Sweetheart, ang lalim yata ng iniisip mo? Kanina ka pa tahimik," pukaw ni Brix sa kaniya.
Kasalukuyan silang nasa loob ng pribadong opisina ng nobyo. Kakatapos lang nilang makipag-meeting sa wedding coordinator ng nalalapit nilang kasal. They also had prenup shoot earlier this morning kasama si Euna. At ngayon nga ay nakatulog ang anak niya sa kandungan niya. Marahil ay napagod nang husto ang bata.
"Wala," tipid niyang tugon na pilit itong nginitian.
Brix stared at her thoroughly. Tila pinag-aaralan ang bagay na bumabagabag sa kaniya.
Iniiwas niya ang tingin sa mapapangasawa. Ibinaling niya iyon sa anak niya. She fixed few strands of hair scattered on Euna’s cheeks. "Mukhang may gusto kang sabihin, Brix?" pag-iiba niya sa usapan.
Nasilayan din kasi niya sa mga mata ng binata ang tila pagkatuliro. Waring may bumabagabag dito. Kanina pa kasi ito hindi mapakali. Kanina pa ito paroo't parito kung maglakad.
"S-Sofia..." Brix paused. Napalunok ito habang titig na titig sa kaniya. "I-I was the...I-I was..." Tumalikod ito kaniya. Brix gazed outside the fixed window in the office. Nakapamulsa itong tumitig sa labas. Ilang sandali itong hindi nagsalita. Panaka-naka itong bumubuntong-hininga. "N-Napatawad mo na ba ang ama ni Euna?" kapagkuwa'y tanong nito na nagpapatda sa kaniya.
She gaped at Brix. Nakapamulsa pa rin itong nakatitig sa labas.
She asked in mind kung bakit ito nagtatanong nang ganoon? Tila ba importante rito ang magiging kasagutan niya. Naisip na lamang niyang marahil ay gusto nitong malaman sapagkat ikakasal na sila— gusto nitong malaman ang lahat-lahat ng nakakubling damdamin niya.
Marahang naglakad ang binata sa kinaroroonan niya nang hindi pa rin siya tumutugon. Umupo ito sa couch katabi niya. Isinablay nito ang kaliwang braso sa headrest sa likod niya. Hinaplos nito ang buhok ni Euna nang bahagyang kumislot ang bata.
"Sophie, it's okay if you don't like to ans—"
"Kung hindi na ako bibigyan ng pagkakataong makilala siya ay okay lang sa 'kin. Nandiyan na kayo ni Euna, eh." Ngumiti siya rito. Masuyo niya itong hinawakan sa panga. Pumikit siya, at dinampian ng mariing halik sa labi ang binata.
Kapagkuwa'y humiwalay siya rito. Pinaglandas niya ang hintuturo sa mga labi nito, saka napatitig siya sa mga mata ng nobyo.
"Pero kung makilala ko siya ay sisiguraduhin kong magbabayad siya at magdurusa sa nagawa niyang katarantaduhan!" dugtong niya. Nabuhay na naman ang galit sa puso niya nang maalala ang rapist na iyon. "Ilang ulit akong nagmaka-awa noon pero hindi niya 'ko pinakinggan kaya hindi ko rin siya pakikinggan! I will never forgive that kind of man who doesn't have a heart!" she stiffly said. "Why ask, Brix?"
Umiling ito, saka ngumiti. Ngunit ngiti iyong tila hindi umabot sa mga mata nito. Blangko ang ekspresyong napatitig ito sa puting pader.
"Wala, naitanong ko lang," mahina nitong tugon. Tumayo ito. He headed towards the fixed window. Muli ay nakapamulsa itong napatitig sa labas.
Napatango-tango na lamang siya sa tugon ng katipan. But deep inside she was curious—she was curious why he was acting that way.
Sakto namang kumatok ang sekretarya nito, at may pinapirmahan sa binata. Nagising na rin si Euna kaya napagpasyahan nilang umuwi na. Hinatid sila ng binata, at habang nasa daan ay kapansin-pansin ang pananahimik nito. Naisip na lamang niyang marahil ay napagod ito sa buong araw na naging abala sila.
___
"SOFIA?"
Napahinto si Sofia sa kakapili ng long sleeves para kay Brix. Kasalukuyan silang nasa Mall of Asia ng fiancee. Saglit itong nagpaalam sa kaniya na pupunta muna ng rest room.
Napabaling siya sa may-ari ng boses na tumawag sa kaniya. "Jeremy!" gulat niyang bulalas. She wasn't expecting na magkikita pa sila nito. She was surprised. Huli niya itong nakita ay noong nagpunta ito sa mansyon nila para lang sabihin na hindi na matutuloy ang kasal.
Ngumiti ang lalaki. "It has been a long time. How are you? How's life?"
She smiled back. Kinapa niya ang sariling damdamin. Wala na siyang maramdaman dito. Wala na iyong sakit ng pag-abandona nito. Wala na iyong sakit ng pagtalikod nito at pang-iiwan nito sa kaniya.
Upon staring at Jeremy ay napagtanto niyang purong kaibigan na lang ang turing niya rito—iyon ay kung ikonokonsidera rin siya nitong kaibigan.
She was already at ease upon seeing her ex. No more heartaches, no more bitter past memories. Ni kilig o kakaibang damdamin ay wala siyang makapa. She completely moved on.
"I'm doing good, Jeremy. Ikaw?" nakangiti niyang tugon.
"Okay lang din. I already have two kids," anito.
Napatango-tango siya. Hindi na siya nagulat sa sinabi nitong iyon sapagkat matagal na itong nakapag-asawa. Six months after na tinalikuran siya nito ay nabalitaan na lamang niyang may pinakasalan na ang lalaki.
"How about you, Sofia?" tanong nito.
She was about to answer, ngunit napatigil siya nang mamataan si Brix na papalapit sa kinaroroonan nila.
Agad siya nitong inakbayan nang makalapit. Pinisil pa nito nang bahagya ang nasisilayan niyang balikat. Nakasuot kasi siya ng white off-shoulder dress na below the knee ang haba kaya naman litaw na litaw ang kaputian niya. Pinarisan lang niya iyon ng doll shoes na kulay krema naman.
"Sweetheart, may nakita pala akong dress sa isang botique na babagay kay Euna. Bilhin natin mamaya." Pormal ang mukha nito nang magsalita. Bumaling ito kay Jeremy. "Tol, kumusta?" Tinapik nito sa balikat ang lalaki.
Magkakilala rin kasi ang dalawa sapagkat magkababata rin ang mga ito. Nagkasabayan pang manligaw sa kaniya noon.
"Ayos lang, tol," ani Jeremy na gumanti ng tapik. "Oh, paano? Mauna na ako sa inyo. Baka hinihintay na ako ni Misis. Mamaya mabatukan na naman ako n'on." Napakamot ito sa batok.
Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. "Sige, Jeremy. Ingat." aniya, habang si Brix naman ay tinanguan lang ang lalaki.
Inihatid nila ito nang tanaw habang papalayo.
Samantala nang balingan niya ang katipan ay napakapormal at seryoso pa rin ng mukha nito.