LAURA Lumabas ako ng bahay upang magtapon ng basura. Binuksan ko ang lid ng mga drum at inihiwalay ang mga nabubulok sa mga hindi nabubulok. "Laura." "Ay, kabayo!" Halos mapatalon ako sa gulat nang lumitaw sa aking harapan si Hans. Tumingin ako sa likuran niya dahil baka may iba siyang kasama. "Ang aga mo naman dumayo, Hans." Nakangiti kong sabi. Ngunit pansin ko na hindi maganda ang awra nito ngayon. Lubos na seryoso ang kanyang mukha. "Pansin ko na dalawang araw mo na akong hindi kinakausap." "N-Nagkataon lang na marami akong ginagawa kapag bumibisita ka." "May nagawa ba akong mali?" Nang humakbang siya palapit sa akin ay umatras ako. Napakunot ang kanyang noo. "May nagawa nga akong mali para iwasan mo ako ng ganito. Bakit hindi mo sabihin sa akin para maayos natin?” Nag-

