Kilig Moments❤️
Nagising ako sa mahihinang yabag na naririnig ko sa aming kwarto kaya dahan dahan kong minulat ang aking mga mata para lang mapatda sa aking nakita.OMG katabi ko si Matt at malaya itong nakayakap sa akin.
Mabilis akong bumangon at nagulat kay Tita Matilda na nag lilinis na nag kalat namin ni Matt kagabe. s**t! Mura ko sa isip ko dahil sigurado akong nakita kami ni Tita Matilda na magkatabi sa higaan ko nakakahiya dahil baka iba ang isipin nito tapos ay pareho pa kaming naka inom.
Napalundag naman ako nang magsalita si tita matilda.
"Kaye hija gising kana pala I'm sorry kong maingay akong mag linis."
Nakangiti ito sa akin na parang walang problema sa kanya na magka tabi kami ng anak niya matulog. Ginantihan ko siya nag nahihiyang ngiti bago magsalita"hindi po tita ok lang kakahiya nga po kayo pa ang naglilinis ng kalat namin" at mabilis akong nagtungo sa lamesa para tulungan si Tita na ligpitin ang mga kalat namin ni Matt.
Mabilis naman akong pinigilan ni Tita at pina upo sa sofa.
"Ok lang hija ako na rito maupo kana lang dyan at mukhang hang over ka pa."
Humawak ako sa noo ko bago ako nagsalita" Tita I'm sorry po kasalanan ko to kasi niyaya ko si Matt uminom kagabe ayaw naman niya kaso pinilit ko po siya."
Tumingin si Tita sa akin ng makahulugan at ngumiti.
"Kaye you don't have to explain yourself hindi na naman kayo mga minor para pag bawalan uminom."
Pagkasabe noon ni Tita ay nag patuloy ito sa pag lilinis nang kalat namin nakakatuwa lang na sobrang bait ni Tita sa akin lahat siguro ng kalokohan ay kaya nito kaming pag takpan ni Matt.
Sumandal ako sa sofa at malayang ipinikit ang mga mata ko kumikirot kasi ang ulo ko dala pa rin siguro nang alak. Ilang minuto na kong nakapikit nang marinig ko ang boses ni Matt.
"Good morning Mom Good morning Sweetheart."
Mabilis itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo bago umupo sa tabi ko at umakbay, ako naman ay natameme sa ginawa ni Matt baka nga para na kong kamatis sa sobrang init ng pisngi ko. Nakakahiya kay Tita Matilda baka kong ano pa ang isipin nito lalo na at naabutan niya kaming magkatabi.
Nakangiti pa din si Tita Matilda sa akin parang balewala lang sa kanya ang ginawa ni Matt. Dahan dahan namang pinisil ni Matt ang balikat ko nang ilang sigundo na ang naka lipas ay di pa din ako nag sasalita tumingin ako kay Matt at saka pa lang ako naka pag salita.
"G-Good Morning" Bullshit bakit ako nauutal mura ko sa isipan ko pumikit ako at napahawak sa noo ko lalo yatang sumasakit ako ulo ko.
Hinapit ako ni Matt sa aking bewang sa gulat ko ay mabilis akong tumayo pero sumabit ang paa ko lamesa namin dahilan para ma out of balance ako. Ma agap naman akong nahawakan ni Matt sa aking bewang kaya hindi ako nabarog.
"s**t! Kaye ok lang ba? Nahihilo ka pa rin ba?"
Sunod sunod na tanong sa akin ni Matt. Si Tita naman ay naka tingin sa aming dalawa bakas sa mukha nito ang pag aalala. Nang hindi pa rin ako nag salita ay mabilis akong binuhat ni Matt. Sa gulat ko ay napasigaw pa ako.
"Ayy! Ano ba Matt ibaba mo ko Ok lang ako nasabit lang ang paa ko sa lamesa kaya na out of balance ako." Pero di pa din ako binaba ni Matt. Bagkus ay nag lakad papunta sa higaan ko para ihiga ako.
Nang makarating kami sa kama ko ay dahan dahan ako nitong ibinaba at kinumutan.
"Magpahinga ka muna sweetheart dadalhin ko nalang dito ang breakfast natin."
"Matt I'm fine you don't have to worry sumabay na lang tayo sa kanila ng breakfast baka mag alala pa ang parents ko."
Mabilis naman akong umupo sa kama ko at tinanggal ang kumot, tumayo ako at ngumiti sa mag ina ok lang naman talaga ako masakit ang ulo ko pero hindi naman ako nahihilo kaya kong maglakad i can manage my head ache. Ngumiti ako at nagsalita.
"See I'm fine" umikot ikot pa ko para makumbinsi ko sila huminga ng malami si Matt bago ngumiti hinawakan ako sa balikat at marhang hinaplos ito. OMG ramadam na ramdam ko ang elektrisidad na hatid ng paghaplos niya sa balikat ko at ang puso ko sobrang bilis nanaman ng t***k.
"Ok Sweetheart mauna kana maligo"
Naka ngiti pa rin si Tita Matilda sa aming dalawa ako naman ay nag tungo sa kabinet ko para kumuha ng susuotin ko. Nagtungo na ko sa banyo para maligo.
Pagkalabas ko ay malinis na ang kwartong inu ukupahan namin ang higaan namin ay malinis na din na abutan ko si Matt na nag hahalungkat sa kabinet niya siguro ay naghahanap ng masusuot niya.
"Matt I'm done it's your turn"
"Yeah wait for me Sweetheart mabilis lang ako."
Pagkasagot sa akin ay nagtungo na ito sa banyo ako naman ay umupo sa kama ko para mag suklay. Kinuha ko ang phone ko para mag bukas ng social media habang hinihintay ko si Matt maligo.
20 minutes lang at lumabas na si Matt sa banyo nag angat ako ng tingin dito he is wearing a Blue sweat short ang White T-shirt bagay na bagay sa kanya ang white T-shirt na dedepina nito ang mga mucles niya.
Natigil lang ako sa pag titig sa kanya nang nagsalita ito.
"Sweetheart baka matunaw ako sa ginagawa mong pag titig sa akin."
Ako naman ay napahiya at tumayo na God nakakahiya ako halatang halata ako sa pag titig sa kanya. Bago pa siya ulit mag salita ay iniba ko na agad ang usapan.
"Ok kana let's go baka hinihintay na tayo ng parents natin." Lumapit naman sa akin si Matt at niyakap ako nang mahigpit.
"Are you sure ok kana Sweetheart"
Ako naman ay nagulat sa ginawa ni Matt pero kalaunan ay ginantihan ko din ang yakap niya bago nag salita.
"Yes i'm fine Matt." Umalis ito sa pagkaka payak sa akin at nakangiting nakatitig sa akin medyo na iilang ako sa mga titig niya kaya ako na mismo ang nag alis ng tingin ko sa kanya. Tumingin lang ulit ako sa kanya ng tawagin niya ako.
"Sweetheart"
Ako naman ay tumingin ulit sa kanya at sumagot. "Bakit may dumi ba ko sa mukha" tanong ko sa kanya dahil di ma alis ang titig niya sa akin. Tumawa ito ng malakas dahil sa pa mimilosopo ko sa kanya.
"Sweetheart pwede ba nating ulitin yung ginawa natin kagabe?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya What the hell is he saying? Anong ginawa namin kagabe? Alin yung pag inom namin? Ang na aalala ko lang ay pumasok ako sa banyo pero hindi ko na kayang tumayo kaya binuhat niya ako papunta sa kama ko and the rest is black out na. Pumikit ako para isipin ang nangyare kagabe pero wala akong ma alala bukod sa mga nabanggit ko. s**t! May nangyare kaya sa amin No! hindi! parehong kumpleto ang suot namin pagkagising ko at wala akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko. Kumikirot na ang ulo ko sa pag iisip. Natigil lang ako sa pag iisip ng magsalita si Matt.
"So you didin't remember what happen last night."
Tumingin ako kay Matt at sumagot "hindi ko ma alala ang nangyare kagabe what happen last night Matt?"
Tatawa tawa itong nakatitig sa akin ako naman ay panay ang isip sa nangyare teka hindi kaya wina walang hiya lang ako nito.
"Wala Sweetheart binibiro lang kita"
Sabay malakas na tawa nito so tama ako wina walang hiya lang ako nang isang ito pero kinabahan pa din ako kasi baka kong ano ano na ginawa ko kagabe nakakahiya.
Napa iling na lang ako sa ginagawa nitong pag tawa sa akin pero ang mas ikinagulat ko ay ang sunod niyang ginawa hinawakan niya ang makabilang pisngi ko at saka niya ako hinalikan naglapat ang aming mga labi hindi ako makagalaw samantalang si Matt ay nakapikit pa.
Ilang sandali pa at ito na rin ang kusang nagbitaw sa aming mga labi hindi ako makagalaw dahil sa gulat at pati na din sa lakas ng t***k ng puso ko.
Naka galaw lang ako sa kinatatayuan kong nang hilahin ako ni Matt at yayain akong lumabas na para sa almusal.
"Let's go sweetheart baka hinihintay na nila tayo."
Wala pa din akong mabuong salita kahit na asa gitna kami ng almusal tango lang ang naisasagot ko sa mga tanong nila. Hanggang magtanong si Tatay.
"Kaye anak may problema ba bakit ang tahimik mo yata."
Tumingin ako at ngumiti bago ako sumagot."wala po ok pang po ako Tay"
Samantalang si Nanay ay nagsalita din.
"Naku Darling baka napuyat lang yang si Kaye."
"Kaye anak diba sinabi ko sayo na wag kang magpagod pano ka mag eenjoy ngayon kong lungkugin ka."
Hindi pa din talaga nagbabago si Nanay."Nay hindi po ako nag puyat ma aga nga po ako natulog kagabe tsaka ok lang po ako." Sagot ko naman kay Nanay.
Si Tito Theo naman ay panay ang tingin sa anak niya parang may gustong itanong pero nanatili lang tahimik.
Si Matt naman ay busy sa pag lalagay ng pagkain sa pinggan ko pinigilan ko na nga ito dahil sa dami ng nilagay niya baka di ko na maubos. "Ok na sobrang dami baka di ko maubos sayang naman."
"Dapat madami kang kainin Sweetheart para makabawi ka sa pagod."
Nagtinginan kami kay Tatay dahil nabulunan yata ito sa narinig kay Matt. Samantalang si Tito Theo nama ay walang tigil sa pag tawa. Nagtinginan ang mga ama namin at saka nagpatuloy sa pagkain.
Si Tito Theo naman ay tumatawang nagtanong kay Matt.
"Matt Anak masyado mo yatang pinagod si Kaye kagabe" habang walang tigil pa din sa pagtawa.
Ako naman ay pinamulahan na sa sinabe ni Tito Theo kaya napatungo nalang ako sa hiya.Shit! Nakakahiya baka naikwento ni Tita Matilda na nahuli niya kaming magkatabing natutulog.
"Yes Dad napagod nga po kame ni Kaye ka suswimming kaya ma aga din kaming naktulog." Sagot naman ni Matt sa Dad niya.
"Stop teasing them they are old enough for your jokes" sagot naman ni Tita Matilda sa asawa niya.
Pagkatapos naming kumain ay nagkayayaan ang mga magulang namin na mag swimming. Hindi naman nila kami inabalang tanungin kong sasama kami sa kanila.
Naiwan kaming dalawa sa resto dahil nag order ako ng halo halo feeling ko kasi kailangan kong kumain ng malamig para maibsan ang hang over ko.
Nakahawak ako sa aking noo at naka pikit, hindi ko yata kayang mag enjoy nanlalambot ako sa sakit ng ulo ko.
Dapat talaga ay di na ko uminom hay talaga namang taksil ang alak masarap sa pakiramdam pag lasing ka pa pero pag kalipas ay eto na ang pakiramdam.
Minulat ko lang ang aking mga mata nang dumating ang halo halo na inorder ko mabilis ko itong naubos, samantalang si Matt naman ay nakatingin pa rin sa akin.
"Matt let's go sa room gusto kong humiga" ngumiti ito sa akin at tumayo na rin. Naglalakad na kami sa hallway nang mag salita si Matt.
"I'm sorry Kaye kasalanan ko to dapat ay pinigilan kitang uminom."
"Wala kang kasalanan ako may gustong uminom." Totoo naman na guguilty siya kasi masama ang pakiramdam ko samantalang ako naman talaga ang bumili ng alak at nag pumulit uminom.
"Gusto mo bang mauna na tayong umuwi sa kanila para derideritso na ang pahinga may pasok na tayo bukas."
"Matt baka magalit sila sa atin nandito tayo para sa family bonding mag papahinga lang ako ng konti tapos ok na ko."
Hindi na ito nag salita pag karating namin sa kwarto ay mabilis akong humiga at pumikit.Shit! Nilalamig na ko sa sobrang sakit ng ulo ko. At unti unti na kong nilamon ng antok.
Nagising ako sa malakas na alarm ng phone ko isinet ko nga pala ito kanina para magising ako bago mag tanghalian.
Dahan dahan akong bumangon sa higaan ko. Inikot ng paningin ang kwartong inu ukupahan namin wala si Matt siguro ay sumunod ito sa mga magulang namin para mag enjoy at maki baonding.
Ok na ang pakiramdam ko hindi na masakit ang ulo ko. Kumuha ako ng damit ko at naligo. Pagkalabas ko ng banyo ay na abutan ko si Matt nakaupo sa sofa at nanunuod ng Tv.
Mabilis itong tumayo at lumapit sa akin bago nagsalita.
"Sweetheart ok kana ba masakit pa ba ang ulo mo?"
Ngumiti ako dito at saka sumagot" oo ok na ko hindi na masakit ang ulo ko"nakikita ko pa rin ang pag aalala sa mukha niya na parang hindi pa din naniniwala sa sinabe ko.
Kaya naman niyakap ko siya at saka nag salita "I'm perfectly fine SWEETHEART don't worry please."Ginantihan naman ako nito ng mahigpit na yakap bago nag salita.
"I LOVE YOU KAYE"
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at mabilis kong inilapat ang labi ko sa labi niya habang sinasabe ko ang mga katagang ito.
"I LOVE YOU TO MATTEO"
--------------------