Childhood
"Kayeéee"
Nagising nanaman ako sa sa malakas na sigaw ng Nanay ko, hay 6 am palang masyado pang ma aga para masigawan ako.
Mumukat mukat akong bumangon at binuksan ang pinto, "Nay ma aga pa naman po bakit sumisigaw kana agad" pag mamaktol ko sa Nanay.
"Anak asa baba kasi si Matteo may lakad pala kayo bat di ka bumangon ng ma aga nakakahiya sa tao,hala bilisan mo at mag ayos kana ng maka alis na kayo".
Bilis bilis kong sinarado ang pinto ng kwarto ko at nag madali sa paghanap ng damit na susuotin ko, naku bakit sobrang aga naman yata ako sunduin ni Matt expected ko is 8:00 am or 9:00 am pa ko nito susunduin, nag maka hanap ako ng susuotin ay bilis bilis akong pumasok sa cr para maka ligo na.
Ligong uwak nlang ang ginawa ko sa pagmamadali dahil nakakahiya naman kong mag hihintay ito ng matagal at sigurado akong malalagot ako kay nanay pag nag patumpik tumpik pa ko.
25 minuto at natapos ako sa paghahanda, pababa na ko sa hagdan ng makita ko si Matt sa sala naka upo sa sofa, tumayo ito nang nakita ako na pababa na nang hagdan at ito nanaman ang puso kong hindi mag kamayaw sa lakas nang t***k bago pa ako maka apak sa huling baitang ng hagdan ay nakalapit na ito sa akin.
"Good morning Kaye naabala ko ba ang tulog mo sabay tawa".
Napapahiya naman akong ngumiti, "hindi kanina pa kong gising di lang ako nababa kasi ma aga pa naman...pagpapalusot ko pa, nga pala bakit ang aga mo naman yata akong sunduin."
"Ahh medyo nakakahiya nga kaso kinukulit ako ni mom na agahan ko raw ang pag sundo sayo para mahaba ang bonding time ninyong dalawa".
Napangiti nalang ako sa sinabe ni Matt miss ko na rin kasi si tita Matilda medyo matagal na din ang huli naming bonding kaya siguro masyado akong na miss.."ay sige breakfast muna tayo bago tayo umalis" at sabay kaming nag tungo sa dinning area.
"Ohh Kaye paupuin mo na si Matt nang makapag almusal na kayo at ng maka lakad na kayo".
"Thank you tita".
Saad naman ni Matt sabay upo sa tabi ko madali naming natapos ang agahan.."Nay aalis na po kame ni Matt."
"Tita aalis na po kame thank you po ulit sa breakfast"
"Sige ingat kayo sa bayhe".
Sagot naman ni Nanay wala si Tatay umalis daw ng ma aga dahil may ka meeting itong importante.
Pagkalabas namen sa bahay ay agad kong binuksan ang pinto ng kotse ni Matt para makasakay na nagulat nalang ako nang mag dampi ang aming mga kamay, nagkasabay kame sa pag hawak sa pinto ng kotse at ayan nanaman ang puso ko sobrang bilis nanaman ng t***k hahihiya kong binitawan ang pinto ng kotse at ngumiti nalang dito.
"S-Sorry Matt"sabay ngiti feeling ko parang kamatis na nag mukha ko kaya naman pumasok na agad ako sa sasakyan , mabilis namang naka ikot si Matt papaunta ng driver seat.
"Are you ok parang namumula ang mukha mo masama ba paki ramdam mo"?
Agad naman akong umiling at sumagot. "Nope medyo mainit lang Matt "sabay paypay ko sa mukha ko, agad naman nilakasan ni Matt ang aircon hay ano ba kaye mahahalata ka pag palage kang ganyan.
"Ok na ba kaye mainit pa ba"?
Tanong ni Matt habang nasa byahe na kame patungo sa bahay nila," a-ahh ok na Matt salamat." Kwentuhan at tawanan ang namayani sa amin namiss ko din talaga ang ganitong bonding namin simula kasi ng nag ka nobya si Matt ay di na kame masyadong nakakasama o mas ok sabihin na umi iwas ako dahil ayoko namang masabihan ng mga tao na third wheel at ayoko din tlaga silang makitang mag kasama dahil nasasaktan ako.
Napabalik lang ako sa katotohanan nang tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay nila. Mabilis na bumama si Matt para pag buksan ako ng pinto nahihiya naman akong lumabas at ngumiti, hinawakan niya ang kamay ko at iginiya ako papunta sa loob ng bahay halos wala na kong marinig dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.
Papasok palang kame sa pinto ng bahay nila ay sinalubong na agad kame ni tita matilda naka ngiti ito habang sa kamay namin ni Matt nakatingin nahihiya kong binitawan ang kamay ni Matt pero mas lalo lang yatang bumilis ang t***k ng puso ko nang akbayan naman ako nito.
"I'm glad you came hija".
Sabay yakap sa akin ni tita Matilda.
Of course tita hindi yata kita kayang matiis at medyo matagal na din po tayong hindi nag kikita.
"Let's go inside para maka pag breakfast na kayo"
Nag katinginan kame ni Matt dahil naka pag breakfast na kame sa bahay pero kinindtan ko ito na umayon nalang sa mommy niya para di mag tampo ,"sige po tita medyo gutom na po yata si Matt"sabay akbay ko sa mommy nito.
Matiwasay kaming kumain kahit medyo busog na ako ay pinilit ko pa din kumain ng madami kasi baka mag tampo pa si tita,pagtapos naming mag breakfast (2nd breakfas na actually)ay nagtungo naman kame sa sala para doon ituloy ang kwetuhan habang si Matt ay umakyat sadali ng kwarto niya..
Nakangiti si tita habang nag kukwento nang mga nangyare sa kanya tawanan ang namayani sa kwentuhan namin.
"By the way Kaye kamusta kana? parang lalo ka yatang gumaganda, do you have a boyfriend?May nag papatibok na ba sa puso mo hija"?
Sunod sunod na tanong ni tita
ngumiti ako at sumagot. "I don't have
boyfriend tita si Matt lang po kasi ang nag papa t***k ng puso ko...
gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko na lang."
"May mga nanliligaw po pero wala pa po yun sa isip ko."Tumawa ng malakas si tita at mapanuri akong tinitigan ibinaba ko ang tingin ko sa cookies na naka hain sa center table para di niya mabasa ang mga mata ko..hinawakan ni tita ang kamay ko at nag salita..
"Kaye alam kong may nag papatibok na dyan sa puso mo nararamdaman ko at nakikita ko sa mga mata mo".
Napa kunot ang noo ko sa sinabe ni tita, so alam niya na may mahal na ko?alam kaya niya na si Matt yun? Napatigil lang ako sa pag iisip ng tumawa nanaman si tita at nag salita.
"Yes hija i' know you loved him..at alam ko rin na matagal mo na siyang mahal ,kaya nga nong nag ka nobya si Matt ay galit na galit ako kahit wala namang ipinakitang masama si Max, kasi naisip kita Kaye alam kong masasaktan ka pag nalaman mo na may nobya na ang anak ko ayokong maramdaman mo ang sakit na yun dahil para na rin kitang tunay na anak
ayokong maranasan mo ang mga sakit na yun dahil alam ko ang pakiramdam non..I'm sorry hija kong pwede ko lang sanang utusan ang puso ni Matteo na ikaw nalang at wag nang mag hanap ng iba sana ay di mo nraranasan ang sakit na yan sa puso mo".
Unti unting pumatak ang luha kong kanina ko pang pinipigilan at mabilis ko itong pinahid totoo ang sinabe ni tita sobrang sakit talaga na makita mo ang taong mahal mo na may kasamang iba pero tama din siya na di naman pweding utusan ang puso para ako nalang.
"Yes tita i' loved him since mga bata palang po kame akala ko noon crush lang ang nararamadan ko sa kanya dahil sobrang bait at lambing niya ini isip ko din na baka sa akin nahanap ni Matt ang pagkakaroon nang kapatid."
Dahan dahan akong tumungo para pahidin ang luha sa mga mata ko.."pero nagkakamali ako dahil di lang po pala crush ang nararamdaman ko sa kanya as in mahal ko talaga siya, alam mo po tita pag magkasama kame sobrang bilis ng t***k ng puso ko yung parang wala na kong naririning kung di ang t***k nito sabay turo ko sa dibdib ko."
Palage din akong nag dadasal na sana pareho kami ng nararamdan para ako nalang.
"Kaya nga po nang nalaman ko na may girlfriend na siya ay inu unti unti ko ang pag iwas sa kanya dahil habang nakikita ko sila na magkasama at magkahawak pa ang kamay, alam mo po yun yung parang unti unti kang pinapatay dahil sa sobrang sakit sa dibdib yung feeling ko hindi na ko makahinga sa sobrang sakit, minsan nga po na isip ko na lumipat ng ibang school next sem para maka iwas ako sa kanila para maibsan naman ang sakit na nararamdan ko-."
Di ko na naituloy ang sasabihin ko nang nag salita si Matt ni walang nakapansin sa aming dalawa ni tita na nakalapit na ito.
"Mom what is it? Bakit umi iyak si Kaye ano ba sinabe ninyo sa kanya?"
Nagulat nalang ako sa mabilis na pag lapit sa akin Matt at lumuhod sa harap ko para pahidin ang luha sa mga mata ko.
My God sobrang bilis na naman ng t***k ng puso gustong gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa magsasalita na sana ako nang biglang nag salita si tita matilda.
"Hey Matteo Anak napaka OA mo naman you know girl's talk medyo nadala lang si Kaye sa mga pinag daan ko diba hija"
Ngumiti ako ag nag salita "oo nga ang OA mo sa moment namen ni tita may nai kwento lang si tita na naka relate ako"sabay tawa kahit ang totoo ay sobrang sakit na ng dibdib ko nag pa alam ako kay tita na mag ccr muna para maibsan ang sakit na nararamdaman ko para maka layo ako sa kanya kahit saglit lang pero mabilis ako nitong pinigilan.
"Kaye ano ba talaga ang problema mo bakit di mo nalang sabihin sa akin para matulungan kita ..Just tell me the f*****g problem"!
Nararamdaman ko nanaman na muling papatak ang luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko ito at baka makahalata na talaga ito na may problema nga ako sa kanya.
Pinilit kong ngumiti at mag salita ng ma ayos "Matt can' you stop asking non-sense questions, wala akong problema ok I'm perfectly fine,"napansin ko na nka bihis ito kaya napatanong ako kong saan ito pupunta ,"where are you going may lakad ka?"hindi agad ako nito sinagot.
"Are you sure na ok ka lang".
Pumikit ito at hinawakan ang kamay ko, "Yes I'm ok promise"sabay pisil ko sa kamay nito na nakahawak sa akin.
Tumingala ito at ngumiti..
"Basta kong may problema ka gusto ko,sasabihin mo sa akin para di ako nag aalala sayo".
"Ok po Sir"sabay saludo ko pa dito na parang sundalo.Natatawa ako nitong tiningnan at tumayo, medyo nawala ang kaba ko nang makita ko siyang ngumiti.Tiningnan ko naman si tita, kinukumbinsi ko ito na ayos lang ako
sabay tanong naman ito sa anak..
"Anak may lakad ka ba? Akala ko sasamahan mo kame ni Kaye mag shopping?
"Ahh wala mom nagbihis na ko para maka alis na sana tayo kaso di ka pa yata ready".
"Ohh I'm sorry Anak masyadong napasarap ang pag kukwento ko kay kaye kaya nakalimutan kong mag ready, ikaw na muna ang bahala kay Kaye magreready lang ako. Kaye maiwan muna kita."
Nginitian ako ni tita at saka tumalikod sa amin.Naiwan kaming dalawa ni Matt sa sala nag paalam ako kay Matt na mag ccr lang saglit"mag ccr lang ako" agad naman itong pumayag.
Habang papalayo ako sa kanya ay unti unti akong naka hinga ng maluwag , pagkapasok ko sa cr ay humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko medyo namumula pa din ang mga mata, naghilamos ako at inayos ang sarili at nang makuntento ako ay huminga ulit ako ng malim bago lumabas ng Cr.
Nang makarating na ko nang sala ay nakita ko si Matt at si tita na nag uusap, parang mahalaga ang pinag uusapan nila kaya tumighim ako para makuha ko ang atensyon ng mag ina..
"Andyan ka na pala Kaye. Let's go na para mahaba ang bonding natin"..
Ngumiti ako at sumunod na sa mag ina, medyo naiinis ako dahil kasama pa talaga si Matt di ko naman pweding sabihin na ayaw ko siyang kasama at nakakahiya rin kay tita..
"Kaye hija sa shotgun seat kana lang
dito nalang ako sa likod".
Sabay ngiti sa akin ni tita, nagmakapasok sa loob ng sasakyan ay siya naman titig sa akin ni Matt medyo natulala ako sa pag tama ng mga mata namen nagulat nalang ako nang nagsalita ito.
"Kaye Fasten your seatbealt ng maka alis na tayo"
"A-ahh ok I'm sorry "sabay kabit ko ng seatbealt ko habang nasa byahe ay naiilang ako sa kanya ngayon nalang ulit kame makakapag bonding ng ganito na miss ko to dahil lagi namen tong ginagawa dati medyo naging busy na kasi ngayon si Matt kay Max kaya hindi na rin ako nakiki pagbonding dito.
Nakarating kami sa Mall na gusto ni tita, nangmakapasok ay sa department store agad ito nag punta dahil may mga gusto itong bilhin dito habang namimili si tita ng mga gusto niya ay nag salita naman si Matt sa tabi ko.
"What do you want' Kaye just tell me i'll buy it for you".
Hinampas ko ito sa balikat at ngumiti medyo nagiging komportable na ko ulit kay Matt dahil na din siguro wala si Max, sabay biro ko pa dito."What do you think of me a poor girl i have my cards and i have money to buy anything i want."Totoo naman kasi may pera naman ako at may cards din na binigay sa akin si tatay para pag may gusto ako ay mabibili ko..
Tumawa ito ng malakas at nag biro.
"Di ikaw na ang Rich kid my pera na may cards pa hahahaha"
Malakas kaming nag tatawanan ng kinulbit ako ni tita.
"Kaye, Matt wala ba kayong gusto just get what you want and i'll pay it don't
worry guys it's my treat.
Lalo lang kaming nagtawanan ni Matt dahil wala kaming naisagot kay tita, medyo madami ang mga napili ko dahil matagal na din naman akong hindi nakakapag shopping ng mga bagong damit nang matapos sa pag pili ang mag ina ay lumapit na kame sa cashier sinabe ko kay tita na ako nalang ang magbabayad ng sa akin kasi medyo madami ang napili ko..
"Tita ako na po magbabayad nitong sa akin medyo madami kasi to nakakahiya naman po kong kayo ang mag babayad. Don't worry tita i have my cards.Tumawa lang ito at ng biro."
"Don't tell me tatanggihan mo ko hija ako ang nag yaya mag shopping at treat ko to diba. Ako na ang magbabayad don't worry hija alam kong hindi ka poor girl.
Sabay tawa ng mag ina, natatawa nalang akong tumago at sumuko, matapos naming mamili ay nagyaya naman si Matt kumain sa favorite resto namin naalala ko tuloy nong mga bata pa kami nong wala pa kong ka agaw na atensyon niya.Nong ako palang ang prinsesa niya.Pero iba na ngayon may nobya na siya at ako kaibigan lang..
Tahimik natapos ang pagkain namin at napagpasyahan na umuwi na kami dahil medyo pagod na din si tita. Mabilis kaming nakarating sa bahay nila dahil malapit lang naman ito sa Mall na pinuntahan namin.
Medyo napagod din ako kaya nag pa alam na din ako na uuwi na. "Tita i'll go na po para makapagpahinga na din kayo."
"Yes hija thank you for this day napasaya mo ako By the way si Matt nalang ang mag hahatid sayo".
"Sige po tita thank you din po nag enjoy din po ako and thank you po sa treat babawe po ako kapag may work na ko sabay ngiti."
"Kaye let's go ihahatid na kita"..