NETHAN POV.
"What is this all about, dude?"
Aniya Rex, na kapapasok lang nito sa opisina ko.
"Be formal Mr. Sandoval, we're still in the work."
Sagot ko pa habang pinipirmahan ang ilang dokumento na ipinasa ng sekretarya.
"I don't care Mr. Hendas!
But remember that I'm not playing, so don't command me to stay away from Errica!"
Wika pa nito, saka tumalikod at pabalyang sinara ang pinto.
Napahilamos naman ako sa mukha habang iniisip ang pag pagpasa ko dito ng isang mensahe na kailangan nyang layuan ang babai kung ayaw nitong pati trabaho ay madamay.
Dahil sa aksedinte kong narinig ang tungkol sa buhay ng babai habang nag uusap usap ang kaibigan nitong si Andria, chloe at kasama si Rex.
Nalaman ko na isa pala itong Mirza at kung hindi ako nagkakamali ay malapit na kamag anak nito ang dating salarin sa pagkawala ng daddy.
Naputol ang pag iisip ko ng biglang may tumawag sa telepono, dinampot ko ito saka sinagot.
Isang tauhang nagbibigay impormasyon tungkol sa babai na ayon pa rito ay nag iisang naninirahan lang pala dito sa pilipinas..
"Ayos lang, basta Ipagpatuloy mo pa ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa mga magulang nya."
"Opo boss, makakaasa ka."
Yun lang at nawala na sa kabilang linya ang tauhan.
Nagsalin ng alak sa baso saka ko tinungo ang salaming pader, dito ay tanaw ko ang malawak na karagatan sa ibaba habang patuloy sa pagdaraan ang mga sasakyan na araw araw ko ng nakikita mapa umaga man o gabi.
Napabuntong hininga pa ako sa isiping matagal ng panahon ang paghaganap ko sa lalaking naging ama amahan na kalaunay itinuring kong kalaban dahil sa kasalanan nito sa aking ama.
Matagal ng tanggap at nagpatawad ang magulang ko para sa lalaki ngunit para sa akin ay nananatili parin itong sugat lalo pa't nagsimula sa pagkabata ay pangungulila sa aking ama ang hinahanap at ang eksenang tinututokan nito ng baril ang aking ina...
Kung kinakailangang paiibigin kita para lang matuklasan ang totoo mo pang pagkatao ay gagawin ko Errica Marie Mirza...
******
ERRICA POV.
Nasa kalagitnaan kami ng pagpupulong, nakaupo kaming lahat habang nagkokomando ang mataas naming leader at halos nagtatawanan pa ang lahat dahil sa mga pahapyaw nitong jokes...
"Oi, babai bat mo kami iniwan kagabi?"
"Saka sino yung kasama mong umalis?"
"Naglilihim kana sa amin ah, may boyfriend kana pala?"
"Sabihin mo samin dali, sino yun?"
Sunod sunod na tanong ng dalawang kaibigan ko habang ako ay natatameme at lutang parin dahil sa natanggap kong mensahe kaninang umaga lang pati na ang red roses na isang pumpon...
"Hoy babai!
Na ano ka at ngumingiti ka dyan mag-isa?
Nadiligan ka nuh?
Sino? Si Rex ba yun o si fafa Nethan?"
Wikang bulong ni Chloe.
"Timang kasama natin si Rex kagabi kaya malamang si fafa Nethan ang naghatid sa kanya dahil bigla rin yun nawala."
Aniya naman Andro habang seryusong nagtitipa ng mensahe.
Subra naman sila mag-isip sa nadiligan..
"Ano ba kayo, wala akong boyfriend nuh..
Saka hinatid lang ako nun at hindi yun si Nethan."
Pagtanggi ko pa.
"So ano nagmamalik mata lang kami ganun?"
Tanong pa ulit ni Andro.
Hindi ko pa pweding sabihin sa mga ito dahil masyado pang maaga para kumpirmahin ko na kasintahan ko na sya, saka hindi pako nililigawan ng taon yun, agad agad lang naging kami.
"Oo, ganun na nga."
"Sinungaling, kung hindi sya eh, sino?!"
Tinakpan ko ang bibig saka pinandilatan ng mata dahil sa lakas ng boses nito pero mabuti at kami nalang ang nandirito, nag peace sign naman ito.
"Bryan ang pangalan, saka hindi narin kami nun mqgkikita..."
Gumawa pa ako ibang kwento upang mapaniwala ang mga ito kahit pa masama ang tingin nila sa akin, hanggang sa matapos ang breaktime namin ay bumalik na kami sa loob dahil may flight kami mamayang gabi at wala pang uwian ngayon at sa susunod pang mga gabi...
Sa pagdaan pa ng mga araw na purong abala kami sa trabaho ay nakakatanggap parin ako ng mensahe mula kay Nethan kahit pa palihim, ngunit tinitiis ko na itong di sagutin kahit pa gustong gusto ko...
Hanggang isang umaga nasa hotel kami at nagpapahinga.
Pumasok ako ng banyo upang padalhan na ito ng mensahe dahil diko narin sya natitiis, sabayan pa ng ilang beses na missedcall sa social media account ko.
Pagbukas ko palang ay hundred missed call at messages na ang tumambad sa sakin at galing ito sa kanya lahat, binasa ko isa isa at ang mga nakalagay ay puro pangungulila, iyak, pagkawasak ng puso, may iba rin na nagagalit at iba pa.
Bigla pa akong nakatanggap ng bago at nagsasabing..
Nethan:
I miss you so much sweetheart.
But if your not interested on me anymore, I will respect that...
Sorry.. Goodbye...
??
Bigla akong nakaramdam ng pagpapanic dahil hindi naman ganito ang inaasahan kong mangyayari, titiisin ko lang ito para mamiss nya ako at ganun yung mga nakikita at napapanuod ko sa social media, lalo na pag umuuwi na yung babai o lalaki sa bansa nila tapos magyayakapan sila, kaya bat ganito?
Tatlong araw pa naman kaming di nag uusap ah, at sa makalawa pa ang uwi namin ng pilipinas.
Mas lalo pa akong nag panic ng makita kong di na ito online..
No!!
Saglit sweetheart at tatawagan na kita sa numero mo, please wait lang!
Natataranta pa ako habang hinahanap ang numero nya sa contact list ko.
Nasaan na ba ang N?
Hayun!!
Ilang ring ang naririnig ko lang pero walang sumasagot, hanggang sa ulitin ko sa ikalawang pagkakataon at nasagot ito ngunit bigla akong nawalan ng gana dahil sa naririnig kong boses ng isang babai.
Tiningnan ko ng mabilis ang oras sa relo ko at gabi na dun, pero kung nasa bar ito ay dapat maingay saka parang nasa isang lugar ito na may mga kasama.
Pinatay ko ang tawag saka nag isip ng posibling dahilan..
Di pa talaga kita kilala fafa Nethan, tanging buong pangalan mo lang ang alam ko, pero bat ganun ang dali kong nahulog sayo kahit pa ang layo ng agwat natin at ngayon ay nasasaktan naman ako ng bigla bigla kahit pa diko alam kung ano ang pinagkakaabalahan mo dyan?
Lumabas ako ng banyo habang nakakasalubong si chloe, si Andro naman ay nasa kama lang at may kausap rin sa cellphone.
Bigla kong niyakap ang kaibigan kong babai saka humagulgol dito..
"Oi babai, bakit umiiyak?"
Tanong nito sa akin habang patuloy parin ako sa pag iyak hanggang sa alalayan ako nito sa kama para maupo.
Naramdaman ko rin ang isa pang palad habang humahagod sa likuran ko at kahit ilang ulit pa nila akong tinatanong ay di parin ako sumasagot..
"Sabihin mo na samin kung bat ka umiiyak, para gumaan yang pakiramdam mo."
Aniya Andro.
"Yan ang mahirap pag first love eh, tapos dika pa nagkukwento kaya malamang lahat ng heartbreaks ay sasaluhin mo."
Wika naman ni chloe at tama ito dahil nasasaktan ako ngayon, idagdag pa ang babaing yun na narinig ko.
"Akala mo ba, dika namin napapansin na nangingiti habang may tinitingnan ka sa social media account mo?"
Aniya chloe.
"Kaya kaba malungkot dahil dito?"
Aniya Andro, saka pinakita sakin ang isang larawan ng lalaki na may kasamang babai habang nakahalik pa ito sa pisngi at ang lalaki ay si Nethan.
"Kuha ito ngayon lang at pinadala naman sa akin ni Rex."
Humagulgol ako ulit dahil sa isiping may ibang babai na nga ito.
"Bat ganun nasasaktan ako?
Gusto ko lang naman na tiisin sya dahil ganun yung nakikita ko sa mga magkarelasyon, pero bat ang dali nyang sumuko eh tatlong araw palang naman ah tapos maghanap na sya ng iba?"
Pagtatapat ko na dito.
"So boyfriend mo pala talaga sya?"
"Oo.."
"Eeh, pare parehas lang naman ang mga lalaki eh, pag nakakita ng iba ay sunggab agad at ikaw na malayo ay mapapalitan ng ganun ganun lang."
Naiinis na wika ni Andro .
"Wag ka mag alala, pag-uwi natin ay mag iinuman tayo ulit at makikita ng Nethan na yan kung ano ang pinagpalit nya."
"Kaya, ikaw wag ka ng umiyak dahil di ganyang Errica Marie Mirza-"
"Dont mention my last name, please?"
"Oo na Errica Marie, ang kilala namin bilang ikaw ay palaban kahit walang karelasyon."
Pagpapatuloy nitong sabi.
"Saka Ok lang yan, atleast na subukan mo sa unang pagkakataon ang heartbreaks at pasalamat ka dahil simpling dahilan lang yan.."
Aniya chloe.
"At ngayong sya ang nagpaalam sayo ay dapat lang na wag mong balikan."
Tumango nalang ako sa mga pinagsasasabi nila sa akin, kahit pa alam kong may kasalanan din ako.
Kinwento ko narin sa kanila kung paano sa isang gabi ay naging kami at ang pagpadala nito bulaklak....
******
Dumating ang araw ng pagbabalik ng pilipinas kasabay ng bakasyon namin..
Papalabas palang kami ng Airport ng natatanawan namin si Rex, kumakaway ito sa samin habang nakaupo sa kotse.
"Ang gwapo nya nuh, eh kung yan nalang kaya sagutin mo total may gusto rin yan sayo, dibah chloe?"
Bulong ni Andro.
"Oo nga kasi nagtapat yan samin nung iniwanan mo kami sa bar, saka mayaman din yan gaya nung si Nethan at magkaedad rin pala kung katulad din ni Nethan ang hinahanap mo."
"Kahit sino pa dyan, basta sa sunod kapag nagkarelasyon ka ay wag ka ng maglilihim ah, dahil ganun ang magbebestfriend!"
Tumango lang ako sa mga ito at aaminin kung naaapektuhan parin ako kahit pangalan lang nya ang naririnig ko...
"Hi, young lady's-"
"Excuse me Rex, we're woman!
So stop calling us young lady."
Aniya Chloe na pina-ikot pa ang itim ng mata.
"Sorry..
Sakay nalang kayo at ako na ang maghahatid sa inyo sa hotel."
Sinunod namin ito sa pagsakay, kaming dalawa ni Chloe ay sa likod habang katabi nito si Andro.
Napapansin ko rin ang panay nitong pagtingin gamit ang salamin na nakasabit.
"Eehem, total may ilang araw kayong bakasyon...
Gusto nyong sumama sa amin sa Puerto princesa?"
Tanong pa nito na sa akin lang ang titig.
Tiningnan ko si chloe na nakapangalumbaba habang nakatingin lang sa labas ng sasakyan, si Andro naman ay tataas baba ang kilay habang nakatitig narin sakin.
Ang kaso ay pupunta ka ng Pakistan Errica, dahil kailangan mong bisitahin ang baba mo?..
"Sige, sasama kami total diko pa napupuntahan ang lugar na yun."
Wika ko dito saka ngumiti.
Nakita ko naman ang pag ngiti nito pabalik sakin..