ERRICA'S POV. Kinabukasan ay nagising akong may naaamoy sa ibaba. "May nagluluto ba?" Bulong ko sa sarili, saka nagpasyang bumaba. Di pa man ako nakakahakbang pababa ay nakikita na ang likuran ng lalaking nakatalikod habang ang mga anak ko ay masaya pang nakikipagkwentuhan dito... "Oh, gising na po pala si mommy, tito." Aniya Yasir. "Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makalapit, pero Imbis na sagutin ako nito ay tiningnan lang ako paibaba saka pinaghain ang mga anak ko. "Mommy, kami po nagpa stay kay tito Nethan... Saka alam mo mommy, nilalamig sya kagabi kasi po wala syang kumot, tapos ang liit liit pa ng sofa natin." Sabat naman ni Shahira. "Saka mommy, sabi rin po pala ni tito ay best friend kayo?" Tanong ulit ng mga ito, pero sinulyapan ko lang sila saka bi

