ERRICA'S POV. ...... "Anong ginagawa mo rito?" "Ssshhh, wag kang maingay dahil wala ring kaalam alam ang mga kaibigan mo na sinundan ko sila." Nagbubulongan lang kaming dalawa sa masikip at medyo madilim na lugar na ito habang yakap ko parin sya ng mahigpit, inangat ang mukha rito at tinitigan ko ng maigi ang mata nitong namumungay habang nakangiti... "Namiss kita ng subra, Rex." "Ako rin mahal ko." Sagot pa nitong kinangiti ko, saka ko napansin na may pasa pala ito na nasa gilid ng kilay at ibabang labi. "A-ano pang ginawa sayo ni Nethan?" Tanong kung nag aalala, pero umiling lang ito at yumakap pa ng mahigpit sa akin saka bubulong na parang may sasabihin pero hindi rin nito tinuloy, hanggang sa ako na ang tanungin nito kung ano bang ginawa sa akin ni nethan, sinagot ko

