ERRICA'S POV. "Oh, bat ka nakasimangot?" Bungad tanong ni chloe. Nasa kusina ako at nagluluto ng agahan namin ng mapansin nga ako nito habang dinudungaw ang cellphone na kanina pa walang sumasagot sa tawag ko. "Si Rex ba yan?" Tanong pa nito ulit, tinitigan ko ito saglit habang nililipat na ang pagkain sa plato saka ako uupo sa tabi nito. "Oo, mag iisang linggo na kasi itong di sumasagot sa tawag ko at ang huling kita lang namin ay nung nasa ospita-" Putol kong sabi. Nakalimutan kong wala pala silang kaalam alam nang magpaalam akong lalabas nung araw na yun upang magtungo nga sa ospital... "OK lang beshy, naiintindihan ko ang paglilihim mo... Pero paano si Nethan? Hindi mo na ba talaga sya mahal?" Tanong pa nito na kinatahimik ko. Sa totoo lang ay namimiss ko rin ang la

