NETHAN'S POV. "Palabasin mo ako dito, anuh ba!" "George, tayo na." Imbis ay baling ko sa driver, habang ito ay pilit paring binubuksan ang pintuan. "Tumigil kana dyan at magpahinga nalang. Ihahatid kita sa mga kaibigan mo." "Ibaba mo nalang ako dahil kaya kong maghintay ng sasakyan-" "Bat kana naman umiinom?" Putol ko sa sinasabi nito. "Wala ka na dun!" "Dahil na naman ba sa lalaki?" "Wala kang pakialam!" Sagot pa nitong nagwawala parin, kaya tinitigan ko ng masama saka hinablot leeg palapit. "Pag tinatanong kita ng maayos, sumagot karin." "Ibaba mo ako dito sa sasakyan mo dahil wala kang pakialam sa akin." Mariin din nitong sabi habang nilalabanan ako ng titigan. Hanggang unti unti ko rin niluluwagan ang pagkakahawak sa leeg nito at patulak nalang na binitawan...

