ERRICA POV.
Dinadama ng kamay ko ang malambot na kama, mabango rin ito na parang binuhosan na ng isang galong fabric conditioner.
Pakiramdam ko pa ay hinahatak nito ang diwa ko para matulog ulit, pero bigla kong naalala na may flight pala kami ngayon!
Bumangon ako mula sa pagkakadapa saka ko napansin na wala pala akong damit na ikinaalarma ko kaya binalot ang sarili gamit ang kumot.
Nasaan ako?
Bat wala akong damit?
Bat wala akong maalala?
Sunod sunod kong tanong sa sarili.
bumaba ako sa kama at hinahanap ang mga damit, ang kaso ay diko ito makita at ang napapasin ko lang dito sa loob ay ang malinis na kagamitan dahilan rin para sumagi sa utak ko kung gaano ako kaburara sa gamit.
Asan na ba kasi gamit ko?!
Sinilip ko ang ilalim ng kama kaso wala dito at ng papatayo na ako ay saka ko naman nakita ang lalaking papalabas sa banyo, nakatapis lang ito ng tuwalya sa kalahating katawan habang nagpupunas ng buhok.
Bat para syang modelo, ang abs nya ang sarap este hawakan!
Pero dali dali ko pa itong nilapitan at sinampal ng malakas.
"Why did you do that!?"
Singhal nito sakin, habang hawak hawak na ang pisngi.
"Dahil bastos ka! Nasaan ang mga damit ko?!"
Pasigaw ko ring tanong dito.
"A-at, b-bakit ako nakahubad, ginahasa mo ako!?"
"Hell no! And I don't play with teenagers like you."
Sagot nito sa akin na ikinainit ng ulo ko dahil tinawag nya akong teenager lang?
Hoy! Ganap na akong babai kaya woman ang itawag mo sakin!
Lalapitan ko sana ulit para sampalin pero kasi baka kung ano na ang gawin nya sakin lalo pa't nagalit ko na ito.
"Where is my clothes?"
Mahinaon ko ng tanong dito kahit naiinis parin ako.
"I put pair of shirt in the bathroom, so you can wear it."
"Damit ko ang kailangan ko, kaya nasaan?"
Tanong ko ulit.
Unti unti naman itong lumalapit sa akin habang tinititigan na naman ako ng maigi sa mata.
"I throw it, young lady.."
"I'm already a woman!
So stop calling me like that."
"What ever.."
Sagot nito sakin ulit.
Nilagpasan ko ito at sa di inaasahan ay bigla nalang dumulas pababa ang kumot sa katawan ko at paglingon ay nakatingin na ito sakin habang napapatuwid ng tayo.
Mabilis ko itong dinampot saka patakbong pumasok sa banyo at habang nakasandal ako sa pinto ay pakiramdam kong lalabas na ang puso ko sa lakas ng kabog nito.
Bat kasi ako nandito?
Please, binabawi ko na yung sinabi ko na gusto kong magka boyfriend!?
Napahilamos ako sa sariling mukha saka iiling habang pinipigil ko lang na di mapasigaw, kinalma ko muna ang sarili bago ako nagtuloy sa shower, at dito ay nakikita ko ang ilang gamit panligo at puro ito panlalaki.
Bahala na, gagamitin ko nalang ito kesa naman sa maligo akong walang amoy!
Nang matapos ay ginamit ko narin ang tuwalyang nakatupi ng maayos saka mapapansin ang isang paris ng damit, kinuha ko ito ang kaso bat may boxer short?
Wala na sa sariling napasigaw ako dahil sa inis.
Malalagot ka talaga sa akin Andria!
Lumabas akong suot suot ang gamit nito saka magtutuloy tuloy sana kung nasaan man ito, ngunit papaliko palang ako ay bigla ko itong nabangga at para na naman akong nahihipnotismo dahil sa pagtitig dito..
"Here, I buy a new clothes for you.."
Kinuha ko ang paper bag na iniaabot nya at isa itong dress na kulay puti.
Wow, galante pala ang gwapong ito kaya sige na ulit magpapaligaw na ako sa kanya!
"Are you laughing?"
Tanong nito sakin na ikina iling ko naman.
"Hindi, pero salamat dito ah, saka paumanhin kung naistorbo kita.
Pero matanong ko lang ulit...wala ba talagang nangyari satin kagabi?"
Pag aalala kong sabi dito.
Tumayo naman ito ng matuwid saka ako tiningnan pababa.
"Come here, I will show you."
Kahit nagdadalawang isip ay sinundan ko parin ito, dinala ako nito sa isang maliit na kwarto kung saan may flat screen TV at may kuha ang bawat kwarto nya dito.
May pinindot ito kaya ngayon ay pinapanuod namin ang videong kuha sa kwarto nito mismo.
Buhat buhat ako habang inilalapag sa kama, at ng paalis na ito ay bigla ko nalang hinila sa kamay saka pinaghahalikan.
Nanlaki pa ang mata ko ng makita kong naghuhubad ako ng damit sa harapan nya habang pinipigil nito ang kamay ko, hanggang sa tumalikod ito at lumabas ng tuloyan sa kwarto...
"Please delete it!"
Naaalarma kong utos, dahil kung mismo ako rin pala ang naghuhubad ay kailangan ding iwala nya ito.
"As you wish."
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang pagkabura nito, pero kasabay nun ay hiya ko sa sarili dahil sa ginawa kong paghuhubad na wala rin palang nangyari.
Nakayuko akong humihingi ng pasensya pati ang pagsampal ko dito.
"Aalis na ako, pasensya ulit.."
******
Pagdating sa hotel ay naabutan ko pa ang mga kasama ko na nagkakape na di man lang nagulat sa pagkakita sa akin..
Umupo ako sa kaharap na upuan ni chloe saka sila nagsimulang magtanong...
"Talaga, walang nangyari sa inyo kahit kunting ungol lang?"
"Ang bunganga mo, Andro."
Sita ko dito, na sa umaga ay lalaki na.
"Sorry, for the word..
Pero kasi bat ganun, nagrequest kami ni chloe sa mga lalaking kaibigan nun na paligayahin ka kasi birthday mo naman, kaya masaya kami ng sumang ayon ang mga yun."
Wika pa nito habang tinatakpan na ang bunganga.
"Ibig sabihin pinlano nyo rin talaga ang pagdala sakin dun, at kakutsaba rin ang lalaking yun?"
"Di namin sigurado kung alam nung lalaki kasi yung kaibigan lang ang kausap namin."
Sagot pa ni Andro, habang panay ang buntong hininga ko.
"Pero sisihin mo yang si Andro kasi sya talaga ang nakaisip ng lahat, pati pagtulak at pag diin sa lalaking yun para ma corner ka ay sya ang may utos."
Aniya chloe, nag aayos na ito ng mukha para sa mamaya.
"Natatandaan ko yun."
Sagot kong matamlay, pero kasi hindi yun ang pinuproblema ko.
"Uuyy, wag mo akong tititigan ng ganyan Errica ha, dahil kagabi palang ay aware kana sa gagawin kong plano."
Sabi pa ni Andro na ikinatahimik ko.
"Naiintindihan ko na ang rason nyo pero kasi..."
Natitigilan kong sabi.
Sasabihin ko ba?
"Sabihin mo samin kung hinaras kaba nun, tinakot o kahit na ano?"
"Walang nangyari samin, pero...
Nakita parin nya ang katawan ko dahil naghubad ako at yung part na yun ay nakakahiya."
Pagtatapat ko habang mangiyak ngiyak na.
"Oh.. Em.. Gi..
Dapat lang talaga na mahiya ka, iniisip nun na desperada kang magpagalaw?!"
"Sige, ulitin mo pa ang pagbigkas..
Bat kasi naglasing pa ako!!"
Naiirita ko ng sabi saka ginulo ang buhok.
"Ayos lang yun, makakalimutan din ng lalaking yun ang nakita nya.
Saka diba nagkasundo naman kayo na hindi na magkikita at di rin ipagkakalat sa mga kaibigan nito ang nakita sayo?"
"Oo."
"Edi wala ng problema, kaya magbihis kana dahil may thirty minutes kana lang para mag ayos."
Wika pa ni Andro, saka ko naman naalala ang trabaho...
Dali dali akong nagbihis at nag ayos narin, ang mga kasama ko ay nasa labas na at hinihintay nalang ako.
Bahala ng mahilo ang kwarto, lilinisin ko nalang mamaya...
Dala dala ang maliit naming trolley ay sunod sunod na kaming pumasok sa Airport at masaya parin kaming nagkukwentuhan tungkol sa trabaho..
Hanggang sa pumwesto na kaming dalawa ni Andro sa may b****a ng eroplano upang batiin naman ang mga papasok na sa loob ng dalawang taon ay ibat ibang mukha na ang nginingitian namin..
Itinuturo narin namin ang dapat gagawin ng mga pasahero para sa kaligtasan ng mga ito at lahat naman ay masayang nakikinig sa amin.
Sinisiguro naming maayos at komportable ang bawat isa kaya madalas kahit nasa himpapawid na kami at natutulog ang mga ito ay kinakailangan parin naming suriin ng mabuti kung may mga pangangailangan paba sila at kadalasan mga baguhan sa pagsakay ng eroplano ang humihingi ng tulong.
Ibat ibang bansa narin ang napupuntahan namin na nagugustohan ko lalo dahil para sa akin ay isang paglalakbay narin ang ganitong trabaho...
"Anong balak mo sa bakasyon?"
Tanong sakin ni Andro habang nakaupo kaming dalawa.
"Gusto kong bisitahin si baba sa Pakistan, namimis ko na kasi sya..
Gusto mong sumama?"
"Wag na nuh, baka dun pa ako maputolan."
Sagot nito habang tinatakpan din ang harapan.
"Loko ka talaga kahit na kailan, syempre magpapanggap kang lalaki or asawa ko kasi bawal pala dun."
"Saka nalang siguro, kasi gusto ko ring magbakasyon naman kela lola sa probinsya..."
Natapos ang ilang oras na byahe sa himpapawid at pa landing naman eroplano sa Dubai Airport.
Masaya at maayos parin naming minamanduhan ang mga pasahero pababa naman dito kung saan nakangiti pa sila habang kumakaway sa amin papalabas..
Gaya ng dati ay may oras kami upang makapasyal sa lugar, pinuntahan namin ang malapit na mall dito upang mamili naman na kahiligan ko na talaga at halos maubos lang ang pera ko sa kakabili.
Namasyal din kami sa mga park dito kung saan maraming mga pinoy rin kaming nakikilala at nakikihalubilo sa kanila para magsaya...
Sa paglipas pa ng dalawang araw ay patuloy parin ang buhay kong malaya.
Trabaho, party, shopping lahat na siguro ng pagwawaldas ay ginawa ko na maibsan lang ang pangungulila ko bilang nag iisang anak at paghahanap ng isang taong makakarelasyon ko naman sa unang pagkakataon..
Pabagsak akong nahiga sa kamang malambot habang di na tinatanggal ang suot, nang bigla ko pang naalala ang lalaking yun..
Sayang diko man lang nakuha ang numero nya, pero ni pangalan nga ay diko alam?
Ilang babai na kaya ang nahalikan nun.
Nakas*x ilan na kaya?
Ay para kang tanga Errica, nandun kana eh at naghuhubad ang kaso ay umayaw pa!?
Haisst, bakla siguro?!
Natatawa akong mag-isa habang iniisip ang kalokohan ng tumunog pa ang cellphone, sinagot ko ito na pagbungad palang ay pagtili ng kaibigan kong si chloe ang nasa kabilang linya.
"Oi, babai nandito na kami sa bar kaya punta kana dito, dali!"
Pasigaw nitong sabi, naririnig ko ring kasama nito si Andria na may sinasabi pero diko na maiintindihan dahil sa ingay.
"Tinatamad ako eh, masakit ang ulo ko kaya pass muna."
Pagsisinungaling ko na sa totoo lang ay atat na akong pumunta dahil naghuhubad na ako ngayon palang.
"Sige ka, pag dika pumunta dito ay dimo na makikita ang fafa Nethan mo."
Natitigilan ako sa narinig..
"Sinong Nethan?"
Tanong ko dito, pero imbis na sagutin ako ay pinatayan lang ako kaya dali dali nalang akong nagbihis...