CHAPTER 2

1955 Words
Working With Mister Mafia Chapter 2 JUDGEMENTAL DAY ko na ba ngayon? Bakit wala man lang ang nag-inform sa akin kung ganoon nga. Hindi ko man lang maibigay sa sarili ko ang mga gusto kong kainin at gawin. Waah! Quickchow beef na may halong itlog pa naman yung inumagahan ko kanina. Alam kong poorita ako, sana naman may nag-inform diba? Para naman nakapag-lechon ako kahapon para sa farewell party ko kahit walang bisita. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa utak ko. Tsk! Malakas akong bumuga ng hangin sa aking isipan. Hindi ko alam kung anong dahilan bakit ako narito sa malaking mansyon na ito, particularly, sa mismong opisina nito, kaharap ang isang lalaking kanina pa nakatitig sa akin. Sa palagay ko ay mas matanda sa akin ng ilang taon. At oo na! Aaminin ko ng napaka-gwapo nito, lalo na at may abuhin nitong mga buhok at mala-hazelnut na mga mata. He has this strong aura envelope him that feared every person in this planet. Nakaupo ito sa isang itim na couch at isang malaking office table ang nakapagitan sa aming dalawa. Sa ilang minutong pagtitigan namin ay nakakahipnotismo ang kulay nitong mga mata. Sa mga seryosong titig, "Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. Ako, maayos na nakaupo sa visitors chair nito. Siya naman ay mariin ang pagkatitig sa akin na creepy-creepy na talaga. "You know what, I'm already melting if you keep staring at me." napapa-english na tuloy ako. Malay ko ba kung hindi pala alam magtagalog si pogi. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako sinasagot ng lalaking ito. Ano ba ito, staring contest o sumali ito sa ginnest book of record. Napairap tuloy ako sa hangin at napahalumbaba sa mesa. "Alam mo kuyang pogi s***h oppa kung patuloy kang nakatitig sa aking kagandahang taglay iisipin ko na talagang may paghanga ka sa akin." may panunudyo sa aking tuno. "Oooyy crush mo'ko no??" with mapupungay na mata pa yan 'ha. "Oooyy..." panunudyo ko. "Ano na? Hindi mo ba ako kakausapin?" nakatitig lang ito sa akin. "Makatitig naman ito parang buang lang," bulong ko sa sarili. "So, you're a teacher." Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa wakas ay nagsalita na siya. Napasinghap naman ako at agad na dinuro siya habang nakatakip ang isa kong kamay sa bibig. "Hala siya oh!" "What? Is there any problem?" kunot ang noo na tanong niya. Tumango ako, umiiling at tango ulit. Ano ba talaga? "Nagsasalita ka na kasi kuyang pogi." ngumiti ako ng napakalapad. Kumunot muli ang noo niya. "Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog?" Ngumiti siya na ikinalaglag ng panty at bra ko. Shet lang talaga! "Nakakaintindi ako." peste! Pinapahirapan pa ako nito. "Ah, okay." "But, you called me kuyang pogi, Am I that really handsome?" tudyo niya. Nakooo! Kung hindi lang gwapo ang isang 'to nako kanina ko pa ito nilayasan. Hindi na lang ako nagsalita pa at baka isipin pa ako nito na naga-gwapohan talaga ako sa kanya kahit totoo naman. Sa hindi inaasahan ay nakikita ko mula sa kinauupuan ko ang pag-angat ng gilid ng labi nito pero nawala rin agad nang may biglang nagbukas ang malaking pinto ng opisina nito. Iniluwa naman nito ang kaninang nagdukot sa akin ang walang iba kundi ang butler daw kuno ng lalaking kaharap ko ngayon na kulay dilaw ang buhok. Mais kung baga. Ngunit, napakunot ang noo ko ng pamilyar sa akin ang bulto ng katawan na hila-hila nito. Wala sa sariling napatayo ako sa aking kinauupuan na napanganga. "Abel?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nagtaas ito ng ulo mula sa pagkakayuko. "Pipay?" kunot ang nuong anito. Napapansin ko rin na may pasa ito sa gilid ng labi nito. "T-teka bakit...anong..." naputol ang sanang sasabihin ko ng maagaw ang aking atensyon sa bagong pasok na mga kalalakihan. Yung mga taong kumuha sa akin, actually. Napalingon ako sa kilala kong tao. "Cain?" "Argh! I'm tired! I want ice cream." naagaw ang atensyon ko sa lalakeng nasa likuran ni Cain at sa ba pa. "Ey' bro," agaw pansin naman ang isnag ito. "Do you have durian, I want to eat durian, especially a durian cake." "Alam mo, Siruis, patagal ng patagal. Nagiging abnoy ka." kilala ko ang mga ito. Sila yung mga taong kumidnap na akin. Sa kalitohan ay hinarap ko ang nag-iisang tao na kanina pa nakatitig sa akin na may tanong sa aking isipan. "Ano 'to?" Ngayon ay nakatayo na itong nakapamulsa at nakangisi na sa akin. Kapagkuwan ay may iniabot mula sa drawer nito sa ilalim. Isa iyong folder. Hinagis lang iyo basta-basta sa harapan kong mesa kung sa gayon ay nagkalat ang nasa loob nito nito. Nang makita ko ang mga iyon ay gulat ang mababanaag sa aking mukha habang iniisa-isa ko ang lahat ng mga ito. Pa-paanong㇐ "Who㇐" "I am going straight to the point, Miss Pyper Jeyce Reyes." natahimik ako sa sinabi niya. Shhheeettneess! Hindi lang talaga siya pogi, dzai, ang pogi-pogi din ng boses niya, "I know who you are and that two, of course." aniya habang nakasandal sa gilid ng mesa nito at nakakrus ang mga braso sa dibdib. "Tim Raket, huh? Not bad." may panunuya sa boses na anito. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, abnoy!" nagsisimula na akong mainis sa isang ito ha. Bumuntong-hininga ito. "That files is all about you and your comrades. Why lying?" he paused. "Oh. I know now. Tsk. Why I am so numb, of course for security porposes. But, not to me, Ms. Pyper." "Pyper Jeyce the Head, and the siblings Abel and Cain is the middle and the bottom. Is well-known as the Tim Raket the courier. Feared group in underground organization, walang kinabibilangang grupo ng organisasyon kundi sila lamang. Independente gruppo." Masamang titig ang ipinukol ko kay Cain na ikinailing lamang nito, hindi alam kung bakit nalaman ng mga ito ang mga katauhan namin sa underground. "Anong ba talaga ang kailangan mo?" hindi na napigilan ni Abel ang magsalita pa. Isa pa naman itong wala sa bokabularyo ang pagtitimpi. "What I need?" he smirk. "Your expertise." Kumunot ang noo ko. "Ano?" "I need your group to work for me." bulalas niya. Paano nila nalalaman ang mga ito. Maingat kami sa aming mga ikinikilos kapag nasa underground kami pero ang taong ito ay alam ang mga tinatago namin mula sa organisasyon na iyon. Maliban sa aking pagtuturo ay may iba pa akong pinagkakaabalahan. Katulad nga ng sinasabi niya ay isa kaming grupo walang kinikilalang nagmamay-ari sa amin. We don't them one of them. If you need us then, we will work for him or her in exchange of big amount. Haaayyss...nai-stress na talaga ang katalinohan ko sa taong ito. Maalam naman akong mag-english kaso, isang timba lang ang baon ko. Nakaka-nosebleed naman 'to. Napakamot na lamang ako sa batok ko at napasulyap kina Abel at Cain na nakakatitig na pala sa amin na nakangisi. Akala ko ba nagbabakasyon pa kami at nagpo-poor. Tatlong buwan na rin kasi ang nakakaraan ng makapagtrabaho kami sa mga taong may kailangan sa amin. "Ano naman iyon?" si Cain na mismo ang nagsasalita. Nasa gilid ko na siya kasama ang nakakatanda nitong kapatid na si Abel. Napapansin ko rin ang iba pa nitong mga tauhan. Hindi naman lingid sa aking katalinohang taglay ay isa siya sa malalaking tao sa organisasyon. "Kahit na anong utos ay magagawa namin, just name it and we'll do it in exchange of what we want." singit ni Abel sa kapatid nito. "Hmm," napatango-tango naman siya. "this is not just a simple job for the three of you," Ano raw? Hindi ko sya maintindihan, english kasi. Muli ay napairap ako. Duh, lahat naman na pinag-uutos sa amin ay mahihiram anu pa ngayon ang gusto nilang mangyari sa not just simple job ek-ek na iyan. Pabagsak akong umupo at nakikinig sa pinag-uusapan nila. Tinatamad akong magsalita, why talking if I have my beautiful ears and just listen to them. Prenteng nakaupo at nakakrus ang mga paa at braso. "What do you mean?" sansala ni Abel, nakakunot ang gatla sa noo. "There is this particular place that I want you to infeltrate㇐" "Teka nga." sumingit na ako. Dumudugo na talaga ang ilong ko. "Kanina pa kayo chika ng chika diyan, sino ka ba?" oppa mylabs! "Ouch! Kanina pa tayo magkasama, ganda, hindi mo man lang kami kilala?" madrama namang napahawak ang isang ito sa dibdib niya. "Wag kang OA, Jadd, hindi bagay sa'yo." pabalang naman ng lalaking may kakaibang kulay ng mata. Hindi ko talaga mapigilan ang matulala ulit sa kanya. Lumingon ito sa akin pagkatapos ay ningitian ako na ginantihan ko naman. "Nahiya rin naman ako sa'yo, Otis 'no? Gwapo ka?" "Bakit sinong may sabi na gwapo ka rin?" salita naman ng isang lalaki na nakasandal na ngayon sa upuan at nakabukaka pa ang mga paa nito. "Yeah, tsimoso naman." "Hindi ko nga alam kung saan yan pinulot ni boss eh." nilingon naman nito ang lalaki sa aking harapan. "Boss Kevin, seryoso nga, napulot mo ba ito sa basurahan?" Napapailing na lamang itong tinawag niya Boss Kevin pala ang pangalan na ikinatawa ng mga ibang kasama nitong kalalakihan. "Alam niyo bang ang bu-bully ninyo sa akin?" nakanguso naman itong napabaling ang tingin sa akin. Napangiwi naman ako, "Pangit ba ako, ganda?" "Aah..." "Look, even Miss Pyper didn't agree that your handsome, right, Pyper?" Teka, bakit ako nasali sa walang kwenta nilang usapan. "I want durian cake, guys!" napangiwi akong lumingon sa weirdong lalaking ito na ngayon ay nakasandal habang nakasabit ang ulo sa sandalan ng couch. "Nai-stress ako kailangan kong mag-shopping ng bagong damit." "Sa pagkakaalam ko Cassius, bumili ka kahapon hindi ba?" nakakunot-noo na tanong ng lalaking nasa harap ng selpon nito ang atensyon. Nagkibit ng balikat lamang ang tinatawag niyang Cassuis, "I don't like it so, I throw it all." "Tsk!" Nilingon ko si Kevin na para naiinis na ito sa mga kasama niya. Kung sino ko lang kilala ang mga ito nunkang iisipin ko na takas sa mental ang mga ito. "Enough." Nakatitig lang kami nina Abel at Cain sa mga taong nandito. Ang iingay nila, lalo na si Jadd na tsismoso raw. Ito naman si Cassuis nagrereklamo na gusto pumunta sa singapore bibili lang ng damit. At yung iba naman na sa pagkakaalam ko ay sina Otis na may kakaibang kulay na mata at binabara naman ito nila Kaia at Echo na nagha-high five pa na laging inaasar si Jadd na ikinapikon naman ng huli. Yung lalaking nasa harap pa rin ng skrin ng selpon nito ay parang wala ng pakealam sa paligid at ang panghuli na lagi na lang nagre-request ng durian. Naririndi na ako sa kanila. Nakarinig naman ako ng pagkasa ng baril na ikinahinto at kinatahimik nila. "Now," malamig ang boses na aniya. "Who will I shoot first, hmm?" Lihim akong napalunok. Katakot. "Boss, wala namang ganyanan, friends tayo diba?" napatango naman yung iba sa sinabi ni Jadd. "Tsk." nilingon naman ako nito na bahagya kong ikinaatras. "And you," bumaling ito sa dalawa ko pang kasama. "You and you." ibinaba naman niya ang hawak na baril. "Wether you like it or you like it," wala naman kaming choices doon. "You will work for me and from now on I am your herrchen." pagkatapos ay bumalik ito sa pagkakaupo ipinatong pa nito ang mga paa sa mesa at mariing nakatitig na naman sa akin. "First thing first tomorrow we will travel to Gennevieve Island," "Gennevieve Island?" wala sa sariling tanong ko. Napangisi naman siya. "An island that who can freely to enter but, no one can out." "Ibig-sabihin papasok tayo sa mundo ng imposible," salansan naman ni Jadd. "That impossible makes everything can possible." dagdag ni Otis. "Anong ibig ninyong sabihin?" "Mafia world..." nilingon ko si Kevin. "Sweetheart." What the?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD