Tahimik ang buong Montenegro Office Tower sa gitna ng Makati. Malamig ang aircon, pero mas malamig ang presensya ng lalaking nakatayo sa harap ng glass wall na tanaw ang siyudad ng Metro Manila. Si Sancho Montenegro. Nakatiklop ang manggas ng itim nitong suit. Hawak niya ang isang folder ng lumang property documents ng hotel na matagal na niyang gustong bilhin, at matagal na ring hindi nagbabago ang sagot “Not for sale.” Ngumisi siya, hindi dahil natutuwa—kundi dahil sa inis. “Four years,” bulong niya sa sarili. “At wala pa ring matinong progress.” humakbang siya papalapit sa magara niyang table at ibinagsak niya ang folder sa mesa. Tumunog ang leather chair sa likod niya nang umikot siya at umupo, parang pagod na pagod sa isang laro na alam niyang kaya naman niyang tapusin kung gusto

