Doubtful feelings

1557 Words
"Sorry… but I think I’m about to do something I shouldn’t—and I’m not sure I even want to stop myself anymore.” wika ni Sancho at bago pa makapag react si Jeida, napasinghap na lang si Jeida ng sakupin ni Sancho ang buong labi niya at hindi nalang yun basta halik. It was totally intense and reckless. And the moment their lips broke apart after a long wet kissed na binigay ni Sancho. Isang lumakagapak na sampal ang ibinigay ni Jeida sa binata. The sound echoed inside the office, matalim, malinaw, malakas at walang alinlangan. Nanigas si Sancho na bahagyang napaling ang mukha niya sa lakas ng sampal na nakuha niya kay Jeida. Hindi siya gumanti, hindi rin siya nagsalita agad. Hindi niya inasahan na iyon ang makukuha niya kasi normally when he kissed a woman sa kama na agad ang diretso nila pero this time it's different sa lakas ng sampal ni Jeida pakiramdam ni Sancho humiwalay ang kaluluwa niya sa katawang lupa niya. Slowly, he turned his head back to her. Nakatayo na si Jeida sa harap niya, mabilis ang paghinga, nanginginig ang kamay na ginamit niya sa pagsampal. Galit ang mukha nito, hindi lang galit. Galit na galit. “Don’t you ever—” naputol ang boses niya, pero mas lalong tumalim ang tingin. “Don’t you ever do that again.” hindi siya sumigaw pero mas mabigat kaysa sigaw ang tono ng boses niya. Tinitigan siya ni Sancho, hindi mayabang, hindi mapang-asar. At sa unang pagkakataon natahimik lang ang binata, wala siyang maapuhap na sasabihin. Sinubukan ni Jeida naitulak siya at this time, hindi siya pumalag. Hinayaan lang niya, napaatras siya ng isang hakbang at isang tulak pa ni Jeida tuluyan siyang lumayo sa dalaga. “Get out,” ulit ni Jeida na itinuro ang saradong pinto ng office nito. Mas malamig ang boses, mas matigas ngayon. Walang kahit anong emosyon na pwede niyang panghawakan. At this time pakiramdam niya kailangan niyang sumunod. Walang kontra, walang last word, walang smirk, walang witty comeback. Just silence. Umatras siya at nagtungo na sa may pinto, pagdating niya sa pinto, saglit siyang huminto. Pero hindi siya lumingon, hindi rin siya nagsalita at pagkatapos tuluyan ng lumabas si Sancho na walang imik. Sa loob ng opisina naiwan si Jeida. Na huminga nang malalim na napapikit na nasapo ang noo at bewang niya. Sinubukan pakalmahin ang galit na nasa dibdib niya pero hindi kumalma ang dibdib niya. Instead mas lalo itong bumigat. Dahan-dahan niyang hinawakan ang labi niya. Mainit pa, parang ramdam pa niya ang labi ni Sancho sa labi niya. Inis na bumagsak siya ng upo sa silya niya. “Damn you…” bulong ni Jeida. Hindi niya alam kung galit ba talaga siya o may ibang bagay na mas ayaw niyang pangalanan. - - - - Hindi nakatulog si Sancho. Kanina pa siya biling baligtad sa higaan, nakatitig lang siya sa kisame ng kwarto niya. Ang isang kamay nasa noo at ang isang kamay at nasa ibabaw ng tiyan niya. Paulit-ulit lang ang eksena sa utak niya na ayaw mabura. Yung halik, yung reaksyon ni Jeida, yung sampal Jeida, yung galit na tingin nito. Hindi siya nasaktan sa sampal, hindi iyon ang problema niya kaya hindi siya makatulog. Ang problema niya, hindi niya inaasahan ang mararamdaman niya ng mga sandaling iyon after ng halik na ginawa niya. “Damn…” mahina niyang bulong. Hindi iyon part ng plano, hindi iyon strategy at hindi iyon calculated. He lost control at iyon ang mas nakakainis pero mas nakakainis. Hindi niya pinagsisihan ang ginawa niya in fact he wanted more. Napabuntong-hininga siya at napatawa ng mahina. Natumagilid ng higa, na inabot ang switch ng ilaw na malapit sa kama niya at sinimulan gawin patay sindi ang ilaw ng lampshade. Nakakatawa lang kundi dahil alam niya, hindi niya kailangan I-confirmed. He knew something changed. Hindi na ito laro, hindi na ito simpleng pursuit, hindi na ito tungkol sa hotel at lalong hindi na ito tungkol sa goal niya. Mas delikado na ang pinasok niyang sitwasyon, dahil ngayon parang gusto na niya talaga si Jeida. Hindi dahil may kailangan siya dito. Kundi dahil iyon ang eksaktong na raramdaman niya. At tingin niya hindi lang iyon parang lang. Gusto na niya noon pa si Jeida na udlot lang dahil sa pag-alis niya during teenager at ngayon unti-unting na aalala niya yung pakiramdam na iyon. Ang eksaktong pakiramdam na naramdaman niya para kay Jeida. * * * Samantala na sa isang disco bar sila Jeida kasama si Charmie. Malakas ang music, makulay ang ilaw pero hindi iyon sapat para takpan ang gulo sa isip ni Jeida. “Girl, you’re not even listening,” sabi ni Charmie habang hawak ang baso habang nag kukuwento ito about kay Grae na ikinaiinis niya. Napatingin si Jeida sa kaibigan na katabi sa VIP table. “Hmm?” Napairap naman si Charmie. “Ayan na nga. Alam ko na ‘yan. Ganyan tinginan e... Sabi ko na e, hindi ka sasama sa akin dahil gusto mo lang." Ani Charmie. “Wala, to wag mo nalang akong pansinin okay.” “Wala my face,” sagot ni Charmie. Nagyaya si Charmie mag bar dahil masama ang loob nito sa asawa kaya dinamayan lang niya ito. “Simula kanina, parang wala ka dito.” Napabuntong-hininga si Jeida at uminom ng ladies drink na nasa harapan niya. “Pagod lang.” “Liar.” Natahimik sandali si Jeida tapos diretsong nag tanong si Charmie. “Si Jowa mong hilaw?” Napatingin si Jeida, naningkit ang mga mata. “Don’t start.” “Ah, so it is him, talaga.” Napailing si Charmie. “Ano na naman ginawa ng lalaking ‘yon?” Hindi agad naka-imik si Jeida na napaisip pero hindi niya mapigilang bumalik sa isip niya ang halik, yung paglapit ni Sancho at wala siyang ginawa. Yung boses, yung paraan ng pagsabi nito ng “I want you.” Napahigpit ang hawak niya sa baso. “He’s playing games,” malamig niyang sabi. “Charm. Pure manipulation.” Tumaas ang kilay ni Charmie. “Sure ka?” “Yes.” “Or gusto mo lang maniwala dun?” Hindi agad nakasagot si Jeida dahil may parte sa kanya na nagdududa. Oo, mayabang si Sancho, Oo, manipulative. Oo, capable siyang gamitin ang charm niya para makuha ang gusto niya. Pero yung kanina? Hindi iyon mukhang calculated. Hindi iyon mukhang planado at iyon ang mas nakakagulo. He even say sorry bago nito ginawa. “He wants the hotel,” pilit niyang sabi. “Of course he does.” “And he thinks he can use this—” napahinto siya. “This… whatever this is.” “Para mapasunod ka?” tanong ni Charmie. Tumango siya. “Classic move.” “Then don’t fall for it.” “I’m not.” Pero hindi sigurado ang tono niya at napansin iyon ni Charmie. “Jeida…” Tahimik mas seryosong boses ni Charmie. “Do you want to sell it?” Napahinto si Jeida, hindi niya agad nasagot. Dahil sa totoo lang gusto na rin niya. Pagod na rin siya. Lugi na talaga ang hotel. Araw-araw siyang lumalaban sa bagay na halos wala nang pag-asa talaga. At si Sancho may solusyon. may paraan. may kakayahan at may alok na mahirap tangihan kung tutuusin. Pero napapikit siya. Naalala niya ang dalawang matandang kausap niya noon. Yung boses nila, yung babala. “Wag mong ibebenta ang hotel sa Montenegro steel, sisirain lang niya ang pagkatao mo hanggang sa wala ng matira sa'yo. At kapag ibinenta mo ang hotel… sa kanya, hinid ka na makakapag asawa or magkakaanak sa near future." Napakagat siya sa labi. “Hindi pwede,” mahina niyang sabi. “Bakit?” tanong ni Charmie. Hindi siya sumagot agad. Hanggang sa napabuga na lang ng hangin. “Because I gave my word.” Napakunot ang noo ni Charmie. “To who?” Saglit siyang tumingin sa baso niya. “To people who already lost everything… except that place.” "Is it about the curse na sinasabi mo kaya hindi mo mabitawan ang hotel?" Hindi siya agad sumagot pero sa paraan ng katahimikan niya alam na ang sagot. Napabuntong-hininga si Charmie. “Girl…” Pero hindi na siya pinatuloy ni Jeida. “At kahit hindi totoo—” tumingin siya diretso. "I’m not risking it.” “Risking what?” Isang mahinang sagot— “Being alone.” Napahilig si Jeida sa upuan niya. Pagod na tumingin siya sa taas, nalilito at humahalo ang galit at sa gitna ng lahat Nandun pa rin si Sancho sa isip niya. Mas lalo siyang nainis. “Kung hindi lang siya mayabang…” Mahina niyang bulong. “Kung hindi niya ako niloko noon... Siguro na iba ang kwento." mahinang bulong ni Jeida. Dahil tumimo na sa isip niya ang ginawa nito sa kanya. Yung paghihintay, yung pag-iwan, yung pagkawala nito noon na wala man lang NI HI at HELLO. Kaya kahit anong sabihin nito ngayon, kahit anong gawin nito. Hindi siya basta-basta maniniwala. Hindi na ulit! Sa kabilang banda nakaupo pa rin si Sancho sa kama. Gising na gising pa rin, At sa unang pagkakataon, hindi siya sigurado kung panalo ba siya o talo. Dahil ang halik na iyon hindi lang nagbago kay Jeida. Binago rin siya sa paraan na akala niya nawalan na siya ng interest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD