TPP 2 : Powerful Elements Chapter 31 : Training _____________________________ Anica POV "Sean" Di makapaniwalang sambit ko. Paanong...? Paanong nangyari iyon?! Bakit wala akong nakitang mangyayari ito?! Titig na titig ako ngayon kay Sean habang sya ay malawak na nakangiti. Hindi ko mapigilan umiyak nang makumpirma kong nasa harapan ko nga sya. Nakatayo Nakangiti At buhay na buhay "Ikaw po yung nasa panaginip ko, hindi po ba?" Napatingin ako kay Seanica at mas lalo akong napaiyak nang wala syang kaideya deya. "Anak" Napahagulgul nalang ako nang marinig ko nang malinawan ang boses ni Sean. "Po? Mom..." Nakita kong nagulat si Seanica nang makitang umiiyak ako. "Anak" Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya. "S-Sya ang t-tatay mo anak" Nakangiting sabi ko kahit umiiyak ako.

